10 Tips Kung Paano Magmove On

9.3K 46 10
                                    

Tip # 1:alalahanin ang lahat ng nangyari bago mag move on.. Simula nung saan kayo nagkakilala o kung san kayo nagsimula.. Kung one sided ka naman isipin mo muna kung anong nagustuhan mo sa kanya pero kung ako sayo magconfess ka na lang muna ng nararamdaman mo :3 malay mo parehas kayo ng nararamdaman .. Torpe lang talaga ang gusto mo :) sige ka baka mamaya mapagsisihan mo sa bandang huli na nag move on ka pero gusto ka naman pala ... Kaya sa mga TORPE jan magtapat na kayo bago mahuli ang lahat :)

Tip #2 : kung talagang kailangan mo na magmove on at nalaman mo na yung gusto mo ay taken na o kaya may gustong iba .. Itago mo lahat ang gamit na nakakapagpaalala sa iyo nung mga oras na d ka pa natatauhan o yung oras gusto ka pa nya baka kasi mahirapan kang magmove on sige ka baka maging t@n*a ka pa habang buhay ..

Tip #3: Mag enjoy ka sa buhay mo :) .. Kalimutan mo sya, wag mo syang isipin ( kahit mahirap) ibigay mo na lang ang atensyon mo sa friends mo o kaya sa family mo :)

Tip # 4: Magfocus ka sa pag-aaral :).. para maachieve mo ang goals mo :) nakakatulong yan hindi lang sa pagmomove on kundi natutulungan mo ang sarili mo na makapagimprove :3 pass ka na muna sa mga love/ crush na yan imbes na maging inspiration mo sya naging depression mo pa .. kapag inuna mo yang love love na yan bababa ang grades mo pramis .. TANDAAN: "MAHAL PO ANG TUITION ARAL MUNA BAGO LANDI " HAHAHARD ..

Tip # 5: Wag mo syang iyakan .. Sabi nga naman nila " It is better to laugh with no reason than to cry for a worthless person" .. Wala silang karapatan na saktan ang feelings mo .. Either sa dalawa kung umasa ka kasi pinaasa ka niya o kaya sadyang ASSUMING ka lang naka allcaps yan para intense :3

Tip # 6: Wag kang makikinig ng malulungkot na kanta,yung nagpapaalala sa kanya , o kaya yung theme song nyo -__- ay naku po maalala at maaalala mo parin sya nonsense lahat tong tips ko kung d mo naman ginagawa -.-

Tip # 7 : Magpray palagi :)

Nakakatulong talaga yan .. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa :3.. Humingi ka ng guidandce sa kanya para makamove on ka agad :D .. Mag intay ka lang .. In the future, ibibigay ni God sayo yung taong mag aalaga at magpapasaya sayo ^^

Tip #8 : Wag mo syang ibablock or iaunfriend sa mga networking sites .. Bad yun :3 nawalan ka na nga ng crush/mahal nawalan ka rin ng kaibigan .. Ano yun? 2 times in a row teh? Agad agad? .. Wag ganun :) wag kang magpapahalata na nasaktan ka nya ^_^ kumilos ka na parang walang nangyari .. Kung sa ngayon nagpapakaplastic ka pa lang , unti unti nang maghihilom ang sakit sa pusong nararamdaman kasi kapag nagawa mo na yun kahit maalala mo sya parang wala na lang sayo hihi :))

Tip # 9 : Magpaganda ka lalo :3 d ko naman sinasabing magmake up ka .. Ang gusto ko lang naman magpakasimple ka :3 yung tipong nakaipit ka ng maayos nakapulbo, maayos manamit, at wag na wag kalimutang ngumiti ..Remember "Smile is the best make up that we can wear" :3

Tip # 10 : wag kang manghinayang na nakuha sya ng iba , hindi sya pagkain okay? -.- ,pwedeng sinadya nya talaga o kaya nilandi sya ng iba -__-.. Balang araw magsisisi sila na pinakawalan ka nya kasi sa panahon ngayon kakaunti na ang LOYAL :/ .. Pero suggest ko lang :3 wag ka masyadong bitter okay? D ka ampalaya -__-..

Lesson: Wag kang maghanap, mag intay ka .. Wag kang umasa just go with the flow .. And by the way madali kang makakamove on kung gusto mo talaga wag mong pilitin ang sarili mo kung d mo kaya .. May time din na unti unti mo nang nagagawa yan .. Alam kong mahirap pero those tips are the best way para makamove on ka

JORGEENE RICA ALORIA IS SIGNING OFF :3

10 Tips Kung Paano Magmove OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon