Lester's POV
~Mom's Calling~
"Hello Mom? ""Anak where are you ba?" mommy.
"Nandito pa po ako sa mall, binilhan ko pa po si lola ng regalo"
"Is that so? Okay son just go home before dinner huh?"
"Opo ma."
Call ended..
~Kulet's Calling... ~
Tsk! Ayan nanaman, mangungulit nanaman siya! Tss. Bahala ka sa buhay mo.
~call ended~
Binabaan ko siya, at pinatay ko naren ung cellphone ko. I'm Lester Miguel Perez, 20 years old. 4th year college, Business Management.
Nandito ako sa mall ngayon, para bumili ng regalo sa lola ko. Si lola Dolly, siya ang nag alaga sa akin noon matapos magtrabaho ni mama sa ibang bansa, siya ang tumayo bilang pangalawang nanay ko mahal na mahal niya kami ni mama di niya kami pinapabayaan kahit ung mga panahong walang wala kami nandyan siya para tulungan kami.
At yung kaninang tumawag ay si kulet, Si Maikaella Jade Dizon. Gwapo ako oo. Maraming nagsasabi, pero sa lahat ng nagkakagusto sakin siya ung makapal ang mukha, oo sobra, yung tipong ung ibang babaeng nagkakagusto sakin pag nakita ako nahihiya, pero siya grabe! Kung makalapit lapit akala mo sobrang close kami tss. Ayoko pa naman ng ganun. Kase di ko trip makihalubilo sa iba, yes, loner ako, tahimik pero hindi yung tipong hindi pansinin.
Kulet ang tawag ko sa kanya, kase nga SOBRANG KULET niya! At napakadaldal grabe. Sa totoo lang 8 years na siyang may gusto sakin simula pa nung elementary, pero DI KAMI CLOSE. at kung dati nahihiya siya sakin, ngayon? hayy.
Magkaklase kami ngayon, business din ang kinuha niya, kase daw sinusundan nya ako at gusto nya daw akong kasama, masasabi kong matalino siya, siya ang top 2 sa klase namin, at oo kahit papano maganda siya, pero di ko siya type! Tss. Ang ikli ng buhok niya tapos may bangs akala mo si dora, Ang baduy baduy pa pumorma, yung tipong suot niya ung uniform namin na kulay blue tapos nakarubbershoes na pink, then nakahighsocks na kulay orange tss. Kadiri amp., teka! Teka! Teka! Bat ko ba siya iniisip, peste!
San ba yung perfume shop dito?
Naglakad lakad ako para humanap ng perfume shop dito sa mall, at nakahanap naman ako kaya naglakad ako papunta dun.
*boogsh! *
"Sorry po sir" ang sabi ko habang pinupulot ang ibang paperbags na dala nito, at ibinigay ito sa kanya.
"Ayos lang iho.. " sagot ng matandang lalaki na nabangga ko.
"Pasensya na ho talaga, mauuna na ho ako."
Tinanguan lang ako nito, kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa shop.
MAG a alasyete na ng makarating ako sa bahay, nakabili narin ako ng regalo para kay lola, simpleng pabango lang, ayaw kase ni lola ung masyadong madesenyo at mahal na perfume.
Nagdoorbell na ako. At nakatatlong doorbell ako bago ito bumukas at nagulat ako ng makita kung sino ang nagbukas ng gate!
"Hi Miguel!" Sabi ni kulet, oo si kulet ang nagbukas ng gate!!
"Anong ginagawa mo dito?! "
"Uhm.. hinihintay ka, your mom told me that pumunta ka sa mall so I just waited you nalang!"^^
"At sino namang nagsabi sayo na pwede ka pumunta dito??! " sigaw ko. Tss.
"Me,anak. Sinabi ko sa kanya na dito siya magdinner" Si mommy. "Why are you shouting ba? Wag mo siyang sigawan anak, she's your friend! That's bad!" Galit galitang sabi pa nito
"She's not my friend ma!"
"Oh.. So your girlfriend--"
"Lalong hindi!"
"Yes tita, I am--"
"NO."
Natahimik silang dalawa."Not now. But soon tita" pagdidiin ni kulet, sabay kindat sa nanay ko at ganun din naman ito sa kanya tsaka sila naghagikgikan.
Tss.
"Okay tama na yan! Tara na sa loob! Lets go iha! Anak lets go! I cooked your favorite bulalo!"
Nabuhayan naman ako sa sinabi ni mommy kaya dali dali rin akong sumunod.
~Dining Room
"Kamusta ang lasa ng luto ko iha? Masarap ba?" Tanong ni mommy kay kulet."Opo tita, masarap po!^^" nakangiting sagot naman ni kulet.
"Ano ka ba! Just call me mommy or mommy ganda hihi!"
Ngumiti at kumikislap kislap naman ang mata ni kulet na para bang nananaginip lang siya. Tss.
"T-talaga po??"
"Ofcourse! Why not! Diba hon?" Baling nito kay dad.
"Yes iha" sagot ni dad.
"I'm sure naman na magiging daughter in law kita, diba handsome?" Tanong naman nito sa akin na ikinagulat ko.
"No." Walang emosyong sagot ko.
"Dont say that anak! Baka kainin mo yang sinasabi mo" nakakalokong sabi nito.
Matapos nun nagkwentuhan pa sila, kinakausap nila si kulet ako naman tahimik lang na kumakain.

BINABASA MO ANG
Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
Ficțiune adolescențiSi Lester kasama ang kaniyang pamilya ay uuwi sa kanilang probinsya, dahil sa nalalapit na kaarawan ng kanyang lola at para narin muling madalaw ang kanilang lola na si lola Dolly. Malapit si Lester sa kaniyang lola, at habang nagkekwentuhan sila...