Four Technicalities

6.3K 227 60
                                    


Mahirap ang technicals. Seryoso. It takes a looooot of years para ma-master ng isang manunulat ang technical. Writers are creative people. Hindi tayo nabubuhay sa tamang grammar at wastong gamit ng mga bagay-bagay. 'Yon din ang rason bakit maraming tao ang humuhubog sa isang libro.

Author ang nag-iisip at madalas nagsusulat ng kabuuang kwento. 

Substantial editor ang tumutulong para maayos ang kabuuang kwento. Mawala ang plot holes. Matanggal ang unnecessary things. (Marami pa itong himay but this is the basic)

Line editor ang nag-aayos ng scenes, prose at paragraphs. (Again, basic lang ito.)

Copy editor ang nagfa-fact check pati na rin ang nag-aayos ng grammar, punctuation at linguistic.

Proof reader ang nagme-make sure kung maayos pa ang kabuuan ng libro. Sila ang last na mga mata to check if everything is right from copy to layout, inside and outside, making sure na malinis na ang libro. 

Beta readers ang nagbibigay ng honest opinion sa kung anong nagwo-work at anong nagfe-fail sa nobela.

Ngunit pero datapwat.

Kailangang matutunan ng manunulat kahit ang basic technicality para mahalin ka ng editors mo.

Raw, Rin, Din, Daw

Ginagamit ang rin at raw kapag ang huling letra ng salitang sinusundan ay (a, e, i, o, u) at (y / w )

Example:

Kumusta ka RIN?

Okay RAW siya.

Samantalang ang din at daw naman kapag sinusundan ng consonant o katinig aka mga letrang wala sa a, e, i, o, u w, at y. 

Example:

Ayos lang DIN.

Okay naman DAW.

Ginagamit rin ito kapag ang salita ay may dulong syllable na ra, re, ri, ro, ru para masarap sa pandinig (but this is debatable at depende sa author / nagsasalitang character sa story.)

Example:

Umararo DAW siya.

Kakarera DIN ako.

Kapag sinasadya sa dialogue, sinasadya. Kapag hindi alam ng author ang what is what, ibig sabihin, hindi yun sadya kaya dapat ayusin. Sabi nga, know the rules then break them.


NG vs Nang

Nakalilito ito forever ngunit kakayanin naman ding matutunan.

Gamit ng NANG

Pamalit sa UPANG at PARA

✔Kumakain si Je NANG (upang) tumaba habang nag-e-ehersisyo naman si Jo NANG (para) lumakas.

Pamalit sa NOONG

✔Umalis siya NANG (noong) nagdadalang tao si ate.

✔NANG (noong) mabait pa siya, binibigyan niya ako ng candy.

✔Tumakbo kami palabas NANG (noong) nakita namin ang teacher.

Magandang bigkas sa NA + ANG | NA

✔Grabe NANG (na ang) paghihirap ito.

✔Pwede NANG (na) tumakbo.

Sumasagot ng paraan at sukat

Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips (Baguhan Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon