Pantasyá 001

217 1 0
                                    

Sa isang pampublikong paaralan may isang babae na hinahangaan ng lahat. Ang babaeng ito ay pinagaagawan ng magkapatid na sina Taehyung at Jungkook. Ang magkapatid ay sikat din sa kanilang paaralan dahil sa angkin nilang kagwapuhan at kabaitan.

Isang araw ng pumasok ang babae sa classroom ng magkapatid para ihatid ang mga test paper na pinakuha ng kanilang guro sa English na si Sir Hobi. Napatingin ang lahat sa babae miski ang magkapatid makikita sa mga mata ng mga babae ang pagkainggit at pagkamangha, makikita naman sa mga mata ng lalaki ang sobrang pagkagusto sa babae. Nagulat ang lahat ng biglang tumayo si Jungkook at biglang hinawakan ang kamay ng babae na nakikipagusap pa kay Sir Hobi at hinila ito palabas. Nakarating sila sa Garden ng school kaya binitawan na ni Jungkook ang kamay ng babae.

Nakatingin lang ang babae kay Jungkook kaya nailang ang huli at biglang namula. Tinanong sya ng babae kung ayos lang ba sya kaya naman sinabi nito na ayos lang sya. Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Jungkook at agad ginawa ang kanyang pakay. Inalok nya ang babae kung pwede ba itong maging girlfriend, matagal nanahimik ang babae at nakatitig lang sakanya, nang magsasalita na ito bigla namang dumating si V at tinawag ang babae.

Nainis si Jungkook sa biglaang pagdating ni Taehyung kaya naman sa inis nito sinuntok nya si Taehyung sa mukha kaya nagdugo ang bibig nito. Nilapitan sya ng babae at ang babae na ang nagpunas ng dugo sa labi nito. Tumingin ang babae kay Jungkook at sinabing hindi sya magpapaligaw dito dahil mahal nya ang kapatid nitong si Taehyung. Nasaktan si Jungkook sa sinabi ng babae kaya naman naglakad ito palayo samantalang si Taehyung naman ay hindi makapaniwala na mahal din sya ng babaeng mahal nya. Sa sobrang saya ni Taehyung hinalikan nya ang babae sa labi.

Fun ShotWhere stories live. Discover now