Pantasyá 002

118 1 0
                                    

Ako si Ali ang asawa ni Taehyung, ang Girlfriend ni Jungkook, ang nagugustuhan ni Jimin, ang nililigawan ni Namjoon, ang pantasya ni Hobi, ang ideal girl ni Suga at ang kabit ni Jin choss haha isa ako sa mga fan ng bts kaya ng mabalitaan ko na may concert sila dito sa Pilipinas bumili agad ako ng Ticket.

Nasa jeep ako papunta sa gaganapan ng concert ng may biglang tumabi saakin na lalaking matangakad na nakacap at naka mask. Tinignan ko ang mukha nya ngunit hindi ko ito makita kaya naman kinuha ko nalang ang phone at earphones ko saka nakinig ng kanta ng bts hanggang sa makarating sa concert.

Pagpasok ko sa venue napanganga ako dahil sa sobrang ganda. Sa gitna at mayroong malaking army bomb kaya naman napahanga ako. Pumunta na ako kung saan ako nakapwesto at hinintay magsimula.

Nagsigawan kaming lahat ng biglang may nagplay na video ng bts, nanood kami hanggang sa napatili kami dahil lumabas na sila. Sa sobrang saya ko sa pagkita sakanila napaluha nalang ako at parang palaka na talon ng talon.

Nagsimula silang kumanta at sumayaw kaya nagsimula na rin kaming magchant ng mga pangalan nila.

Nang matatapos na ang concert ay biglang namatay ang ilaw, nanahimik ang lahat. Pagkabukas ng ilaw nakita namin si Taehyung na nasa unahan at nasa likod nito ang ibang myembro.

Nagulat ako ng biglang tumingin sa mga mata ko si Taehyung sabay kumanta ng "Miss Right" nagtilian lahat samantalang ako ay parang naistatwa sa kinakatayuan ko dahil dahan dahang naglalakad si Taehyung papalit saakin habang nakatingin parin sa mga mata ko. Nang makapunta sya sa harap ko ay kinuha nya ang kamay ko saka hinila paakyat sa stage. Tumigil sya sa pagkanta kaya tinuloy nila Jungkook ang kanta. Dinala nga ang kamay ko sa batok nya at hinawakan nya ang bewang ko saka marahan akong isinayaw sa harap ng maraming Armys. Nang natapos ang kanta unti unting lumapit ang Mukha nya saakin kaya napapikit ako pero bigla akong napadilat ng naramdaman kong parang bumagsak ako pagtingin ko sa paligid ko nakita ko na nasa kwarto ako at nakaupo sa sahig.

Panaginip lang pala sabi ko sa sarili ko. Bumangon ako at niligpit na ang hinigaan ko ng may kumatok at binuksan ang pinto. Nakita ko ang asawa ko na dala ang dalawang anak namin.

Jagiya ano yung narinig kong ingay? Tanong nya. Wala lang yun Taehyungko napaginipan ko lang yung araw na naging tayo.

Oo tama kayo ng nabasa nung araw na yun naging kami ni Taehyung at makalipas ang dalawang taon nagpakasal kami at nagkaroon ng anak.

Fun ShotWhere stories live. Discover now