Pahinging 1/4?

4.1K 238 86
                                    

Pahinging 1/4 (One Shot Story)

"Yza! Gising na!"

Sumisigaw na ang alarm clock ko. Pwedeng i-snooze?

"Hoy Yza! Tanghali na! Bumangon ka na diyan!!! May pasok ka pa!!"

Matalino naman ako, pero ang 6 am ba ay TANGHALI na?

"YZA!!!!"

"Eto na po! Babangon na!"

Tinatamad kasi akong pumasok. Mag-babakasyon na kami at walang kagana-gana ang buong taon ko as a 3rd year highschool student.

Kasi naman, buong taon, iisa ang seatmate ko. Si Skylex. Kasi parehas kaming V ang last name. Vasquez akin, Villena ang kanya. Masaklap pa, nasa dulo ako tapos katabi ko sya. -____- Ang tanging pwede ko lang makausap ay pader o sya!

Pero...... ANG TAHIMIK NYA!!! WHY??

Makakausap ko lang sya kapag may quiz at hihingi sya sakin ng 1/4. DUN LANG!! Kapal men!

Pag mage-exchange kami ng book or paper, basta nalang nya ibibigay yung book nya.

Lagi syang nakaubob, nakatungo, nakatingin sa kawalan. Minsan titingin siya sakin tapos pag napatingin ako sa kanya titingin na naman sya sa kisame.

HE‘S MY WEIRDEST CLASSMATE EVER!!!

At ngayon, alam kong may quiz kami, in 3 subjects pa!

Pag-pasok ko ng room, sya ang unang nakita ng mga mata ko. Nagsusulat sya.

Nagkwekwentuhan kami ngayon ng mga kaibigan ko kasi tuwing umaga, lunch at recess lang kami nakakapag-usap.

Nang dumating ang teacher namin, magqui-quiz na kami.

"Class! Get 1/4 sheet of paper." --Values Teacher

"Ahm, Y-yza? Ahm, pahinging 1/4?"

Si Skylex yan. Sa totoo lang, sya lang ang nakakahingi sakin ng 1/4, kasi tinatago ko sa mga kaklase ko ang 1/4 ko para hindi agad maubos.

Inabot ko nalang yung 1/4 sakanya.

Tumingin sya sakin kaya napatingin ako sa kanya. Umiwas sya ng tingin at sabi niya: "S-salamat!"

Ewan ko ba dito sa Skylex na to. Gwapo naman sya eh. Siguro mas gwapo sya kung ngingiti sya. And speaking of ngiti, HE SMILED AT ME!

For the first time in my life I saw him smile and he looks so handsome. And my heart pumps so fast that I couldn‘t breathe.

Sa next 2 subjects, may quiz na naman kami... sa 1/4!

"Y-yza, pwe...."

Hindi ko na sya pinatapos ng pagsasalita at binigyan ko nalang sya ng 1/4. He gave me another smile so I give back a smile. But right after I smile, tinakpan nya ng panyo nya yung mukha nya at tumingin sa kabilang direksyon.

WHAT DID I DO??!!

In the next quiz, sa 1/4 pa din. Binigyan ko na kaagad sya ng papel at lumapat ang kamay nya sa kamay ko. Parang may kuryente. At dahil don, nagtama na naman ang mga mata namin at ako na ang unang umiwas ng tingin. Feeling ko ang init ng pakiramdam ko. Hindi kaya may sakit ako?

Natapos na ang 3 naming quiz. Nakakapagod din yun ha. Sakit sa utak!

Ngayon, last subject na namin. Discussion lang. Napahinto ako ng pakikinig sa teacher namin ng kulbitin ako ni Skylex.

"Yza?

Tawag niya sakin habang nakatakip ng panyo ang bibig nya.

Tumingin lang ako sa kanya sign na nagtatanong ako kung bakit.

"Yza, p-pwedeng pahinging 1/4?"

Nagtaka naman ako kasi wala naman kaming quiz?

"Bakit? Aanhin mo?"

"Ma-mag susulat ako."

Binigyan ko nalang sya ng 1/4. Nagsulat sya at tinatakpan niya yun. ??? Ha?? Ano yun?? Cheating ako?? May quiz lang ang peg??

Nagdidismiss na ang klase. Nag-aayos na ako ng gamit habang si Skylex nakaupo lang parang kinakabahan.

Tumayo na ako at paalis na ng biglang hawakan ni Skylex ang braso ko. WAAAAAH!! Eto na naman yung kuryente feeling.

"S-Skylex? B-bakit?"

"Ahm, Y-Yza. Ba-basahin mo nalang to. Ahm, ingat!"

Sabi niya sabay abot niya sakin nung 1/4 at kinuha niya yung bag niya tsaka sya nagtatakbong umalis.

Napangiti nalang ako sa nabasa ko at bumilis nalang ang tibok ng puso ko.

"Yza,

Kulang ang isang 1/4 para masabi ko tong nararamdaman ko. Nahihiya din kasi ako sayo. Ahm, nung una kitang nakita at nakatabi, iba na yung naramdaman ko. Hindi ko kayang umimik at makipag-usap sayo. Kaya, minsan natutuwa nalang ako kapag may quiz kasi dun lang kita nakakausap kahit simpleng "you're welcome" mo  ayos na, lalo na kapag sinasamahan mo pa ng ngiti mo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, nahihiya ako kung personal. Pero, Yza... GUSTO KITA. :)"

...May gusto sakin si Skylex? :)

**The End**

Naaaah! Ang sama! -____- Pasensya na. :P Hilig ko din mag-gawa ng One Shot Story, dahil tinatamad ako mag-kumpleto pa ng isang story.. :)

I hope you like it! :) Sa silent readers, please naman po, FOLLOW me. :D hahahaha.

Please VOTE, COMMENT and SHARE.. :)

I love you guys! :*

~callmekhayeee

Pahinging 1/4?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon