Bump
"Sadly, last day na natin dito sa Cebu. Kaya sulit-sulitin na natin!" Sigaw ni Andrea at yinakap ang aking isang braso.
Nandito kami sa isang pinaka sikat na restaurant dito sa Cebu. Dito namin napag desisyonan na kumain ng breakfast dahil nakakasawa na ang pagkain doon sa hotel namin. Sa ilang araw ba naming stay doon? We wanted something new.
"Pero napuntahan na natin lahat ng mga suggestion ng mga Cebuano Bloomers" Sabi ni Chloe habang naka tingin parin sa video cam niya.
Si Chloe ay isang YouTuber o kung tatawagin ay vlogger. And she called her so-called-fans 'Bloomers'. Dahila ika niya, the name Chloe means blooming. And when her fans heard na pupunta kaming Cebu ay nag suggest sila ng mga places na pupuntahan namin.
"Kung babalik nalang kaya tayo sa hotel ang try their swimming pool? We haven't tried their pool yet" Suggestion ni Warren. He's the cool one sa barkada. He usually do some random weird stuff. And he's Chloe's boyfriend.
"I agree. Nakakapagod narin gumala. We've been doing that for how many days already" Sagot ni Gab. He's more like the serious type. Not always, pero mabigla na lang kayo dahil in just a snap seryoso na siya. At torpe. May gusto siya kay Andrea pero torpe siya at ito namang si Andrea, manhid. Bagay talaga silang dalawa.
We all agreed at pumunta na sa van namin.
"Ah, bibili pa pala ako ng swimsuit. Drop off nyo nalang ako" Sabi ko nang pumasok ako. I bought 2 swimsuits. Ang isa, nasa kay Andrea. Ang isa kong swimsuit at 'yung sakanya naman ay naiwan namin doon sa isa sa aming pinuntahan na beach. At nagmamadali kami noong time na 'yun.
"Sasamahan na kita" Sabi ni Ethan sa akin. Siya ang pinaka close ko sa barkada. bestfriend in short. Wala siyang lovelife just like me pero may hinihintay raw siyang babae which is hindi namin alam kung sino. Si Warren at Gab lamang ang nakaka alam.
"Huwag na. I can go there by myself. At isa pa, malapit lang naman sa hotel ang mall" Sagot ko at inayos ko ang aking sunglasses.
"Sasamahan na lang kita. Besides, bibili din ako ng t-shirt" Hindi na ako nag-insist at tumango na lang.
They dropped us off sa mall and we went straight to the swimsuit section sa mall. I chose a very simple bikini. At pumili narin ako ng see-through to top my bikini later. Pagkatapos kong bilhin ang aking swimsuit ay pumunta na kami sa men's section. Naiwan din niya ang kaniyang t-shirt doon sa beach, 'yung beach na naiwan din namin ni Andrea ang aming swimsuit. He chose a light maroon V-neck shirt and a bluish round-neck shirt.
"CR muna ako" Sabi ko sakanya. Kanina pa akong ihing-ihi. Hindi ko nasabi sakanya kanina because he's busy talking to the saleslady about the shirts he bought.
"Okay. Meet me at Starbucks" Tumango ako at pumunta na ako sa CR ng mall.
Lumabas na ako sa cubicle and washed my hands. Nung lumabas ako ay naglakad na ako sa hallway. I heard someone talking and I think he's having a phone call. I then saw a guy, naka ripped jeans siya at naka-hoodie, he's holding his phone near his left ear. Left-handed siya. Isa pa, his watch is in his right wrist. Usually, people put their watch on their non-dominant hand. I learned stuff like those from the mystery-thriller stories I read and from Sir Arthur Conan Doyle's Sherlock Holmes.
"Shut up, they don't know that I'm here" he said to the other line. he's walking towards my direction. I think papunta siya sa CR.
At dahil mukhang focused siya sakanyang phone call at ako naman itong tatanga-tanga, nung napapalapit na kami, his shoulder bumped mine.
"I'm sorry" pagpaumanhin ko sakanya. He just looked at me coldly and ignored what I said at nagpatuloy na siyang maglakad.
Iniwaksi ko na lang iyon sa aking isipan at pumunta na lang sa Starbucks. When I opened the door sa Starbucks, the aroma welcomed me. Smells good. I roamed my eyes around and looked for Ethan. I saw him sitting down in a table for two.
He handed me a drink nang makalapit na ako.
"I ordered you a Chocolate Chip Cream Frappucino" I smiled in what he said.
"Alam na alam mo talaga ako" Umupo na ako at ininom ang in-order niya.
"Of course" He said and smiled.
After a little talk ay napag-desisyonan naming pumunta na sa hotel.
Nung lumabas na kami sa mall, I spotted a familiar guy na nakatayo in front a car with another guy. Aha! Siya yung nakasalubong ko sa hallaway ng Cr!
"As what expected from you, bro. Successful nanaman. As what expected from Vaughn Salvador" Sabi niya at tumawa.
He ignored him at pumasok na sa shot gun seat ng sasakyan at ang isang lalaki naman ay pumasok na sa driver's seat.
"Tara na?" Yaya ni Ethan sa akin at tumango na ako
YOU ARE READING
Mr. Mystic
RandomHindi lahat ng ating nakikita ay totoo. There are lots of lies surrounding us. Most people are faking for fame and fortune. Some are faking to live. Akala ni Abbigail lahat na nakikita niya ay totoo at ito ay dahil iyon ang gusto nilang mangyari. T...