Chapter I : "I'm not broken. I'm Brent."

39 0 0
                                    


"Brent where are you?" tanong ni Andrew.

"Saan pa ba? May iba bang lugar?" sagot ni Brent.

"Are you drunk?" tanong ulit ni Andrew.

"Of course I am. Hindi naman siguro ako pumunta ng bar para magbible study." Sarcastic na sagot ni Brent.

"Wait for me. Im almost there." Sabi ni Andrew.

"Yeah. Whatever." Walang ganang tugon ni Brent.

Name: Brent Xavier Herrera

Age: 29

Zodiac: Gemini

Occupation: Self Employed (Events Planner, Café Owner)

Status: emotionally damaged (single)

Hobbies: Umasa, magpakatanga, magkunwaring OK, maheartbroken

"Brent ano ba namang ginagawa mo sa sarili mo? Why do you need to punish yourself like this?" ani ni Andrew.

"Dapat ba nagpapaparty ako? Dapat ba nagbubunyi ako? Dapat ba may #feelingblessed ako sa mga posts ko?" sabi ni Brent.

"You know that's not what I meant." Sabi ni Andrew habang kinakalma ang bestfriend nya.

"Then please stop saying its ok. Because I'm not ok. Ang sakit bheb. Sobrang sakit. I took a chance with Yuki but he just proved to me why it never worked out before. Minahal ko sya. Mahal ko sya." Sambit ni Brent na umiiyak na.

"Im sorry bheb. I don't know what's going on through your head or kung gaano yung sakit na nararamdaman mo. But please understand that I hate seeing you like this. You're stronger than this." Pagkalma ni Andrew sa kaibigan.

"Ano bang nangyari? Bakit ka na naman ba umiinom?" tanong ni Andrew

"Pumunta ako sa playground kung san kami lagi pumupunta ni Yuki. I called him. Sinabi kong puntahan niya ako dun. Sinabi ko na I need to hear from him na it's all over. I asked for only 5 minutes. 5 minutes bheb. Pero I was ignored bheb. As always. I was left waiting there with my heart out on my hand pero ano napala ko? Wala bheb. Tangina. Lagi na lang bheb." hagulgol ni Brent.

"What the hell did you do that for?" inis na tanong ni Andrew.

"I just need to hear him tell me it's all over para makamove on na ako." Sagot ni Brent.

"You don't need to hear it from him. Have you forgotten what he's done?" sabi ni Andrew.

Napatingin na lang sa baso si Brent. Lumuluha. Habang bumabalik ang mga masasakit na alaala...

FLASHBACK

Hapon na nang magising si Brent. Pupungas pungas pa sya nang abutin nya ang kang telepono. Tiningnan nya kung may nagtext sa kanya. Muli nyang binaba ang telepono at dumiretso sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos nitong ayusin ang sarili nya ay bumaba ito upang maghanda ng makakain.

Napakaraming tumatakbo sa utak nya ngaun kung kaya't hindi ito makakain ng maayos. Hindi nito tinapos ang pagkain at nagpunta na lamang sa veranda para magbasa. Ngunit hindi pa rin sya makapagconcentrate sa kanyang binabasa. Patayo na sya nang biglang magring ang phone niya.

"Hello Jp? Oh bakit ka napatawag?" sagit nito sa telepono.

"Nangangamusta lang Brent. And yayain sana kita magcoffee." Sabi ni Jp.

"Sure. What time and saan tayo magkikita?" tugon ni Brent.

"Dito na lang sa malapit na mall sami. Mga 4pm if you'd like." Sagot ni Jp.

Bittersweet SymphonyWhere stories live. Discover now