Dear Diary,

28 4 5
                                    

Ako nga pala si Tani. Isang fifteen years old na babae yata. Minsan shy-type, pero madalas maingay. Hindi ako sikat. Kahit sa school namin, isa lang ako pipitsugin na estudyante. Hindi talaga ako palasali sa mga contests, hindi ako ma-PR katulad ng mga kaklase ko, hindi ako ganoon ka-vocal sa mga feelings ko. Konti lang yung mga kaibigan ko, 5-10 friends ayos na sa akin, basta may nakakadaldalan ako. Ayoko kasi ng masyadong maraming atensyon, gusto ko yung normal lang, parang chillax lang. Ganon. Ayoko ng magarbo.

Normal din naman akong matuturing dahil nasa gitnang kind lang ako ng estudyante. Hindi ako yung nerd na super ang aral, hindi rin naman ako yung popular na walang laman ang utak. Nasa middle level lang ako. May girl and boy bestfriend din ako katulad ng mga napapanood or nababasa natin. Meron din akong mga sikretong hindi sinasabi sa kanila. Syempre, kailangan ko rin naman magtago sa sarili ko ng konting privacy diba? Tsaka di din naman ako sikat. Kahit malaman nila yun, well, hindi rin kakalat.

Normal lang ang estado ng buhay namin. May bahay, may kwarto, may pagkain araw-araw, nakakapag-shopping din kami, nasa isang private school ako, may internet kami, ganon, steady lang. Sa bahay, hindi ako si Miss Seniorita. Paminsan-minsan nag-wawalis, naghuhugas din ako ng pinggan. Halerrr. Ano namang akala niyo sakin? Milyonaryo yung mader ko na ultimo ngipin namin papasipilyo namin sa kasambahay?

Yung family ko.. Uhmm, magulo-maingay pero punong-puno pa rin ng pagmamahalan. Kumpleto naman kami, may tatay at nanay ako, pero wala akong kapatid. Chos, ano naman? May pinsan naman akong bwisit, demonyito, pakialamero, so yun, nararanasan ko din magkaroon ng kapatid. Yung mommy ko, nagger yun. Complete nagger. Ewan ko ba pero nasanay na rin kaming lahat, pero saglit lang naman yun, mamaya rin, magiging peaceful ulit tsaka mang-aasar na ulit yun. Yung daddy ko, sobrang tahimik. Opposite na opposite ng nanay kong daldalera. Sabi nila, nagmana daw ako sa daddy ko. Medyo totoo nga. Hahahaha! Tapos yung dalawa kong pinsan na kasama ko dito sa bahay, mga walangya din. Magulo, maingay, pakialamera, mahilig mang-asar, pero minsan nakekwentuhan ko din tungkol sa buhay buhay.

Kung titignan mo daw ako, ang first impression mo sakin, di pala-tawa, di pala-imik. Ganon daw. Pero sa totoo, kalog talaga ako. Hindi naman ako yung taong sobrang angelic at sobrang bait. Nanlalait din ako, nang-aaway din ako (pero hindi talaga yung freak), nag-1123 din ako. Malakas din akong tumawa. Sabog ako. HAHAHA. Pero kahit 5-10 lang yung kaibigan ko na maituturing, sila yung mga totoo. Hindi katulad nung iba na kailangan mong magpakabait kapag kasama mo sila kasi baka iba yung maging impression nila sayo. Ayoko kasi ng ganon. If it has to be real, it has to be real. Naks, english.

-Tani xx mwah mwah ewww.

The Tani DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon