Dear Diary (7),

11 0 0
                                    

Katatapos lang ng bagyo. Mga 4 days na akong walang pasok. 2 araw sigurong walang kuryente, ngayon lang ulit bumalik. Naubos ang oras ko sa paghiga, pagkain, pagdaldal, pagbabasa ng libro at pakikipag-heart to heart sa mommy ko. Ewan. Ganon talaga.

Sobrang dami sigurong hahabulin sa school sa Monday. Monologue pa namin sa English. Nakakabano. Wala pa akong monologue at costume, bukas nalang ako gagawa. Nakakatamad.

Bantay bahay ako. 'Di ko masyadong tropa yung mga bago naming helpers. Malapit naman age namin sa isa't isa. Pero, srsly di talaga kami close, mas close sila sa pinsan kong lalaki kasi pare-parehas silang marunong mag-baraha. Ako, hanggang ungguyan lang. Kaya eto, basa basa lang.

Pagbabasa ng Libro. Oo, natapos ko ang 500+ pages na may maliliit na sulat na librong "The Time Traveler's Wife" Mga dre, proud na ako sa sarili ko kasi hindi ko talaga kayang makatapos ng isang libro sa isang araw lang. Spoiler, maganda talaga yung love story nila. Tapos ito, nagka-internet, na-addict naman ako sa panonood ng movie adaptation nun. Gwapo ni Henry DeTamble. Sarap imaginin.

Nanunood ang mommy ko ng teledrama. No choice, tinabihan ko siya at nakinood DAW kahit naglalaptop naman ako. Wala kasi ang daddy ko, OVERTIME sa trabaho. Masyadong masipag. Haha.

Nga pala. Tinext ako nung panget. Punyems. Ayoko na sa kanya, talaga yata.

Miss ko na si BJ. Wala na siya dito sa Wattpad. Nakakauyam daw. Arte nun leche. Hahaha. Lalo ko siyang namiss nung bumabagyo. Deadbat kasi ako kaya di kami makapag-usap. Hanggang panaginip na lang ang pag-uusap namin (siguro). Namimiss ko na ang Friday Trippings namin nung third year. Bakit ka kasi lumayo? Anak ka ni Medusa. Haha.

Sarap ng buhay kahit may problema. Love love love lang. Hihihihi. <333

The Tani DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon