CHER's POV
8am palang pero ibang klase na yung init ng araw parang may nakapatong na kalan sa ulo ko, naglalakad kasi ako papunta sa LRT station. Halos takbuhin ko na nga dahil male-late na ako. Kung bakit ba naman kasi ganito ang schedule ko, ang aga aga.
Sobrang dami ng tao dahil rush hour at madaming papasok sa trabaho. Nagkakabungguan dahil sa pag unahan sa makapasok sa loob ng tren. Ang hassle pa dahil nagugusot yung school uniform ko.
Mabuti nalang at mapalad ako dahil kahit naka-tayo nakapasok naman ako sa loob. Aba! bibihira lang ang ganito! buhay college, ang maranasan masarhan ng pinto sa mismong mukha mo. Hinawakan ko kagad yung hawakan para di ako matumba. Dito ako pumwesto sa malapit sa pintuan at tapat sa isang babaeng nakaupo, mahirap na.. pencil skirt pa naman ang uniform namin atsaka nagbabakasakali akong pagumalis yung babae makaupo rin ako.
Magsasara na sana noong pumasok yung lalaking kapareha ko ng school uniform at pumwesto sa likuran ko. Dahil nga malapit ako sa pintuan na amoy ko yung pabango niya. Kahit pawisan siya ay nangingibabaw parin yung amoy niya. Napangisi naman ako, kung siniswerte ka nga naman.
Tumaas yung tingin ko sa mukha niya, halos mapanganga ako nung nakita ko yung itsura niya. Ang pogi niya tapos ang kinis. Itim yung buhok niya tapos nakataas. Mamula mula pa yung labi at pisngi. Napakagat tuloy ako sa labi ko kasi kinikilig ako.
Mabuti naman at hindi siya pinagkakaguluhan ng mga babae, dedma lang sila. Siguro lagi 'tong nasakay ng tren sa ganitong oras, kasi mukhang sanay na ang mga babae sa kanya at di man lang siya pinansin or napansin--anyway, Maynila nga pala 'to. Pakalat kalat nalang ang mga pogi ngayon.
Since wala na siyang hawakan, humawak nalang siya sa posteng nasa harap ko. Bale yung kamay niya nasa taas ng kaliwang balikat ko.
Bigla tuloy akong naconscious kasi nasa likod ko lang siya. Baka amoy araw na yung buhok ko, naglakad pa naman ako ng napakahaba dahil mali yung nababaan ko kanina.
BINABASA MO ANG
OneShot SPG Collection {KPOP Edition}
General Fictionyou. bias. bed. now. --REQUEST FOR FREE. SEND A FORM NOW! {OPEN} ALL RIGHTS RESERVED. ©EXOticMermaid COVER BY: @JungJiHoctv18