KRIS

52K 447 84
                                    

KRIS

Janine’s POV



“Congrats girl! Ikakasal ka na!” salubong saakin ni Reina. Kahit nasaksihan nila ang proposal ni Kris sakin noon nagpasadya parin sila na magtipon tipon kaming apat na magbebestfriend. Nagayon lang kasi kami ulit nagkasama dahil busy sa kanya kanyang buhay at habang ako’y kaliwa’t kanan ang food tasting at sukat ng gowns.

“Oo nga! At malapit ka naring madevirginized! HAHAHA!” demonyitang tawa ni Angelica, kaya naman napakamot ako sa batok ko. Siya ang pinaka-perv kong kaibigan. 

“Oh my gosh, hindi parin ako makapaniwala. May hangover parin ako sa proposal ni Kris sayo! Ughhh!” tili ng isa ko pang matalik na kaibigan na si Grace. Dahil sa kanya kaya ko nakilala si Kris, kumbaga isa lang kami sa mga daan-daang babaeng nagkakandarapa sa Three Kings;  ang bansag ng mga tao sa magbabarkadang si Kris, Kai at Tao. 

Pag-inaalala ko yung lovestory namin ni Kris, naasiwa ako. Hindi naman negative na naasiwa, naasiwa in a way na hindi ako makapaniwala na hahantong kami rito.  Siya kasi yung pinaka-ayaw ko sa three kings, bukod sa sobrang tangkad niya para sakin, siya yung pinaka-jolly, maingay, pinaka-makapal ang mukha hindi tulad ni Kai at Tao na tahimik, misteryoso, ang hot lang! basta! at siya rin ang bias ni Grace. Kaya walang talo talo dapat.

“So what’s the next step? Nakapag-propose na before,  Everything is settled na rin, In 2 weeks kasal mo na! What do you think is missing?” napunta ang mapanuring mata ni Reina saakin, is there something missing?

“BRIDAL SHOWER!” sigaw ng tatlo kong kaibigan ng napagtanto nilang hindi ko talaga alam kung ano nalang ang kulang.

“H-ha? A-ayoko ng bridal shower, kaartehan lang yan. O-oo hindi na. Kuntento na ako kay Kris.” Uminom ako sa frappe ko habang dumungaw sa labas ng shop.

Binato ako ng tissue ni Grace, “Ano ba! Napaka-KJ mo! Hoy! babae para sabihin ko sayo, virgin na virgin ang pempem mo! sapat na iyon para patunayan kay Kris na siya talaga ang bagsak mo! parang magba-bridal shower lang eh! Hindi ka naman makikipag-se-x!” Dali dali kong tinakpan ang bibig ni Grace, nasa coffee shop kasi kami at pinagtitinginan na ata kami ng mga tao dahil sa full volume na boses ni Grace.

“Naunahan mo ko dun sa last part ah,” ani naman ni Angelica habang humahagikgik sa gilid. 

Ewan ko, hindi kami magkasundo sa mga ganyan. Masyado kasing liberated ang mga kaibigan ko.

“’wag niyo ngang anuhin si Janine, syempre alam niyo namang nananalatay ang dugo ni Maria Clara diyan eh.” Sabi ni Reina habang hinihimas ang likod ko na para bang nakikisimpatya. Pinalo ko yung kamay niya kaya tinanggal niya ‘yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OneShot SPG Collection {KPOP Edition}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon