CHAPTER 16

4.8K 22 0
                                    

CHAPTER 16

nakatulala ako sa salamin.. ang pangit ko na. ang laki ng eyebags ko.. kakaiyak kagabi.. 

hindi ko magawang replyan si veterana.. hindi ko alam sasabihin ko sa kanya.. pareho lang kaming biktima..

nagquit na din ako sa clan.. wala na kong mukhang maihaharap sa kanila.. napahiya ako.. kung mag iistay pa ko dun, aawayin lang ako.. kaya mabuti ng mag quit na ko..

hindi na din ako nag report sa trabaho.. first day ko sana ngayun.. wala akong gana.. tumayo na ko at lumabas ng kwarto.. ang lamig.. mag isa lang ako dito sa ancestral house namin dito sa baguio.. nagbakasyon sila kasi malapit na ang xmas.. ayoko namang umuwi samin.. mas gusto ko dito sa malayo..

wala akong ganang kumain kaya naisipan ko nalang lumabas at maglakad lakad..ang lamig talaga.. mararamdaman mung malapit na ang pasko..

nakarating ako sa MINES VIEW PARK.. malapit lang naman kasi to sa bahay..ang daming tao.. ang daming turista.. sabagay ganito naman talaga.. pag ganitong panahon.. peak season kung tawagin nila..

umupo ako sa may malaking bato.. nayakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig..

ang ganda ng view.. makikita mung ang liliit ng mga bahay parang laruan.. at yung ulap.. parang kaya mu ng hawakan sa sobrang babaw...

ginala ko ang mata ko.. nainggit ako sa mga couples na nakikita ko.. ang sweet nila..

naalala ko nanaman si xerex.. makakapunta kaya sya dito?

after 3hours ata yun, nangawit na ko sa kakaupo kaya naisipan ko ng umuwi..

bumili muna ko ng sweetcorn.. paborito ko yun eh.. tapos naglakad ako pauwi.. ito, yung gusto ko dito, na kahit ilang kilometro ang lakarin mo, hindi ka mapapagod.. kasi bukod sa malamig ang klima lagi eh mamemesmerize ka sa natural na ganda sa paligid.. madaming naglalakihang pinetrees at ibat ibang uri ng bulaklak..

pag uwi ko, nag movie marathon nalang ako..

*too too tooot too tooot* 

*too too tooot too tooot*

may tumatawag sa pepun ko.. nakatulog pala ko.. bukas pa yung t.v..

natatamad na pumasok ako sa kwarto.. huminto na din yung ring ng pepun ko..

10missed calls 

20new msgs

lahat galing kay xerex..

bubuksan ko pa lang sana yung msg nya nung tumunog ulit yung pepun.. serex ulit.. sinagot ko..

"SA WAKAS SINAGOT MU DIN, NANDITO NA KO SA TERMINAL NG VICTORY. SUNDUIN MU NA KO BAGO PA KO MANIGAS SA LAMIG.." sabi nya tapos inend na nya yung call..

anu daw? nasa terminal na sya? parang ayaw ko maniwala pero dali dali kong kinuha yung walet ko.. di na ko nagbihis pa.. kinuha ko din yung jacket ko at pumara na ko ng taxi...

BAWAL NA PAG-IBIG...(a lesbian love story..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon