I lose. I lost her.
Babalik pa kaya siya? Siguro hindi na. Namimiss ko na siya. Are we not really destined to each other? Its all my fault.
Nasa may 7/11 ako, bibili ako ng breakfast. Nasa harap na ako ng mga pre-heat foods ng makuwa ng atensyon ko ang isang box na may lang Bacon and Egg w/ Garlic rice. It was her favorite.
Flashback
*yawn*
Napatingin ako sa alarm clock. Sh*t! 8:30 na! Nagmamadali akong mag-ayos. Sa pagmamadali ko nahulog ko ang ID nung babae kaya pinulot ko. Ibabalik ko na 'to. May 10 minutes pa ako, kaya napagdisesyunan ko na mag 7/11 muna. Napakamot ako sa batok ko ng mapansin kong di ko pala naplantsa ang polo ko. Tsk.At alam niyo ba ang swerte ko? May naiwan pang isang pagkain. Kukunin ko na sana ng may pumalo sa kamay ko. Kaya agad ko siyang tiningnan. >.>
O__O s-siya?
Hinila na niya yung pagkain na inagaw niya at dumiretso sa counter para ipamicro at after 1 minute bumalik na siya sa table niya.
1..2..3..4..5? Five Bacon and Egg w/ Garlic Rice? At pang-anim na ang kinuha niya.. Ang payat-payat niya tapos para siyang dambuhalang tao kung kumain.
Nag Hotdog sandwich nalang ako at nag kape. At nagmamadaling pumunta sa school. Nasa harap lang naman e.
"Kuya.. Kuya.." Nilingon ko yung sumisigaw. Ako ata tinatawag e.
"Ano po?" Mukhang freshmen pa tong mga 'to. Lima kasi sila e.
"Pwede pong mag survey?"
"About san?"
"About sa love"
"Sigurado ba kayong yan talaga?"
"Yaap! Pero dapat may gir--- oh! Ate!" may napadaang babae sa tabi namin. Siya pala.
"Ano?" cold niyang tanong
"Pa survey po~"
"'Yoko. Kalokohan lang 'yan." ang cold neto.
"Ay---"
"Hindi mo ito makukuha kung di ka papayag." Itinaas ko ang ID niya.
Halata sa itsura niya na nagulat siya. "S-san mo nakuha yan?!" She glared at me.
"You accidentally dropped it."
"T*ngin* sansan ako naghanap nasa bisugo lang pala!" inis na sabi niya. Ako? Bisugo?
"Makukuha mo lang ito pag pumayag ka."
"E, ayoko ko nga e." akmang kukunin na niya pero itinaas ko pa lalo. Dahil sa matangkad ako't pandak siya.. Di niya maabot. "Akin na nga sabi yan bisugo!"
"Una, hindi ko ito ibabalik sayo kung di mo tutulungan ang mga 'to. Pangalawa, Hade pangalan ko di Bisugo."
"Fine! Fvk u jerk!" humarap siya sa mga freshmen "O? Ano na?!"
"Sige na Jil, yan nalang."
"Lovers Quarrel nalang ilagay natin."
"Sige-sige"
It turns out, di natuloy ang survey kasi kinunan nila kami ng pic dalawa nung babae na nag-aaway na para daw'ng couples na nag e-LQ. >.>
Sheet! Late na talaga akooo~
END OF FLASHBACK
NAKAKATAWA pa kasi after 2 days hinanap ko yung mga freshmen para hingian ko ng copy nung picture.. Yung araw na 'yon nagka-crush ako sa isang tigreng maganda at gala.
YOU ARE READING
Memories We Take
Teen FictionNasaktan at masasaktan at masasaktan parin ako hanggang sa dulo ng buhay ko. Ang gulo.. Masyadong magulo.. Akala ko siya na, pero umalis siya. Nanalo siya't natalo ako. Mahal ko siya, at alam kong mahal niya rin ako. Namimiss ko na siya, at alam kon...