"Hotaru"
Salita na nagmula sa lalakeng nakaupo sa isang swivel chair, hindi mo maaaninag ang kanyang mukha dahil dim light lang ang nakasindi bukod dun wala ng ibang ilaw pa.
"Masuta"
(Master)
Umupo ang isang dalagitang nagngangalang Hotaru o sa englis ay Firefly sa upuan malapit sa table ng tinatawag niyang master. Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mata ng dalaga, blangko lang itong nakatuon sa kanyang master.
"Anata wa aratana shimei o motte iru"
(May bago kang misyon)
May inilapag na black folder ang master ng dalaga sa harap niya, kinuha niya yun at binasa. Kahit medyo madilim naaanig niya parin ang mga nakasulat kalakip nun ang isang litrato ng isang babae na sa tantya niya ay kasing edad niya lamang.
"Ysabelle Chua."
Bigkas ng dalaga sa pangalan ng kanyang bagong misyon.
"Kare wa tadashī, Firipin ni sunde imasu. Anata wa kanojo o korosu hitsuyō ga arimasu. Kanojo ni tsuite subete no jōhō wa, subete anata ga anata no shimei no tame ni harubaru Firipin ni ryokō surudarou, sono foruda ni konpairu sa remasu. Watashi wa kanojo ga shindehoshī."
(tama nakatira siya sa Pilipinas. You need to kill her. All the informations about her are all compiled in that folder, you'll travel all the way to the Philippines for your mission. I want her dead.)
Tumango lang ang dalaga. Taga-Japan siya pero marunong siya magtagalog kaya okay lang sakanyaa na mag-isa lang siyang tutungo sa Pilipinas.
"Anata wa ima iku koto ga dekimasu."
(You can go now.)
Umalis na rin ang dalaga dala ang itim na folder na siyang kinalalagyan ng lahat ng impormasyon na kakailanganin niya para sa misyon niya.
Napapikit nalang siya sa isiping papatay na naman siya, ayaw man niyang kumitil ng buhay ng iba pero kinakailangan niya parin dahil yun ang trabaho niya, yun ang buhay niya at dun lang umiikot ang mundo niya.
Napatigil siya sa pasilyo ng head quarters nila dahil may naramdaman siyang nagmamasid sa kanya, alam niyang hindi lang siya ang taong nasa pasilyo na yun.
Pinagpatuloy nalang muna niya ang paglalakad, dali-dali niyang kinuha ang kanyang katana na nakasukbit sa kanyang balikat at pinangsangga sa paparating na dagger mula sa likod niya. Agad niyang hinagilap kung sino man ang nagtapon nun sakanya, hindi pamilyar sakanya ang aura ng nagtapon nun, sa tantya niya malakas ito.
Hindi na niya maramdaman pa ang aura, ang bilis nitong mawala o baka naikubli na nito iyon. Agad niyang pinulot ang dagger at tinignang mabuti, may nakalagay sa mismong blade nito na tatlong butterfly. Ibinalik na niya ang kanyang katana at tinago ang dagger sa bulsa ng kanyang suot at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa labas ng building nila.
(HOHOHO. AKO PO MUNA ANG NAG-NARRATE SA PART NATO KASI TRIP KO LANG. BY THE WAY SA SUSUNOD NA PART ANG BIDA NA MISMO ANG MAGNA-NARRATE NG KANYANG STORY. HIHI. SO KUMUSTA? LEAVE SOME COMMENTS AND DON'T FORGET TO VOTE. SA LAHAT NG GUSTONG MAGPA-FOLLOW PM ME LANG, FOLLOW KO PO KAYO. THANK YOU!! HINDI PO ITO ANG CHAPTER ONE, YUNG CHAPTER ONE SA SUSUNOD NA, PATIKIM LANG PO MUNA TO.)
BINABASA MO ANG
THE DEMON RIDDLE
Mystery / ThrillerHotaru. Isang assassin na naka-base sa Japan, pinadala siya sa Pilipinas para sa isang misyon. Hindi niya alam na dahil sa misyong iyon makakahanap siya ng isang kaibigan sa pagkatao ng babaeng kailangan niyang patayin. Kaya niya kayang kitlin ang b...