Prologue:

222 13 11
                                    


"Hey Kirstin" tawag ni Calyx pero di ako lumingon.

"Hey Kirstin Ann" tawag niya pa uli pero this time may kasama ng yugyog sa balikat ko. Lumingon naman ako, ang pogi parin talaga niya..

"What?" Mataray na tanong ko na tinaasan pa siya ng kilay.

"I don't know how to say this after all i've done to you.."

"Kirstin Ann.."

"What? spill it"

"Ahm..alam ko ang dami kong nagawa sayong kalokohan pero sa kabila ng nagawa ko sayo..." pabitin niyang sabi at nainis naman ako.

"Whaaat?!" inis kong tanong.

"Kirstin Ann..mahal parin kita" deretso niyang sabi. Nagulat naman ako at bahagya pang napanganga.

"Haaaa!" Namamangha akong bumuga kunwari pero nararamdaman kong nag iinit ang mga mata ko at konti nalang papatak na yung luha ko.


"Pagkatapos mo kong lokohin? Pagkatapos mo kong ipagpalit sa iba? Pagkatapos ng lahat lahat na ginawa mo sasabihin mo mahal mo parin ako?! Ano to?! Joke?!?" Nanggigigil na sabi ko sa mismong muka nya habang iniiwasan kong makita niyang tutulo na ang luha ko.

"Look.. i know mahirap paniwalaan dahil sa dami ng ginawa ko sayo, sino ba namang gago ang babalik sa ex niya at sasabihing mahal parin sya sa kabila ng panlolokong ginawa sa kanya. Pero Kirstin seryoso ako..i'm dead serious, mahal parin kita..mahal na mahal parin kita." mahaba niyang sabi at kitang makita ko naman ang pangingilid ng luha niya dahil malapit lang kami sa isa't isa.

Alam ko seryoso siya, nakikita ko sa mga mata niya. Pero di parin ako dapat pakampante kahit na mahal ko pa siya, oo mahal ko pa siya, dahil baka lokohin na naman niya ako. Nalilito ako, gusto ko maging akin ka uli pero nasira mo tiwala ko kaya ang hirap mo na uli pagkatiwalaan.

"Wala akong pake kung seryoso ka, kahit ano pang sabihin mo hindi na maibabalik yung dating tayo. Dahil sinira mo na na yung tiwala ko. Dalawang beses mo na ko niloko, napakatanga ko na kung hahayaan pa kitang ulitin yun" pigil ang luhang sabi ko.

"Pero Kirstin, mahal parin kit--"

"I don't care!" pigil ko sa sinasabi niya.

"Kung mahal mo pa ko, fine edi mahal mo pa ko. But let me tell you this...wala na kong pakialam sayo at sa nararamdaman mo" pigil parin ang luhang sabi ko at saka sya tinalikuran.






Im sorry Calyx, lahat ng sinabi ko sayo puro kasinungalingan.. dahil ang totoo mahal parin kita, mahal na mahal parin kita. Takot lang ako na baka maulit pa uli yung ginawa mong panloloko sakin. Patawad..




----------------------------------------------------

Please vote! Sana nagustuhan nyo!

Konti palang readers ko haha!

Support my book! Thankyouu!<3Lovelots!

Unexpected Love [ON-GOING]Where stories live. Discover now