Chapter 1

120 13 15
                                    

Dedicated to MiSs_CottonBaby25 ❤️


"Beshie, punta tayong mall!" Masiglang sabi ni Claire, bestfriend ko.

"Ano namang gagawin natin dun?!" Naiiritang tanong ko.

"Duh. Ano bang ginagawa sa mall? Nag si-swimming ba?! Syempre magshoshopping!"

"Oh bat nagagalit?"

"Eh tanga mo naman kasi!" Sigaw niya sa mismong muka ko.

"Talsik laway kailangan?" Sigaw ko rin sa kanya. Napatawa naman siya.

"Dami mong echos! Bilisan mo na bihis na chupi chupi!" Sabi niya at tinulak na ako papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay pumili lang ako ng damit na maayos tignan at saka nagbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay nag lagay ako ng kaunting powder sa muka at kaunting liptint dahil medyo maputla ako ngayon.

Pagkatapos ko mag ayos ng slight ay lumabas na ako at nakita ko naman si Claire na busy sa kakapindot sa phone niya.

"Oy panget! Tara na" sabi ko sa kanya na may kasamang tapik sa balikat dahil masyado siyang busy sa kanyang phone. Tumigil naman siya sa kakapindot at saka tumingala ng may masamang tingin.

"Makapanget ang bruha kala mo kasing ganda ni Liza! Hoy Kirstin pwet lang kita! Hahaha!" Natatawang sabi niya.

"Kapal ng hininga mo Princess Claire Lopez! Oy para sabihin ko sayo libag lang kita! Hahaha!" Asar ko din sa kanya st natawa din naman siya.

"Whatever! Haha! Mas maganda parin ako sayo che! Tara na nga!" Sabi niya at saka naunang lumabas.

Wala yung parents ko dito sa bahay kaya mga maids lang ang kasama ko dito. Nagpunta sila sa America para asikasuhin ang business namin, yung kapatid ko naman nasa sarili niyang condo malapit sa school na pinag aaralan niya sa Batanes. Minsan lang siya umuwi dito at mabuti naman yun dahil ayaw ko makita ang pagmumuka niya.
Harsh na kung harsh pero hate na hate ko talaga yung brat na yun.


"Uy gagi sakay na! Ano pang tinutunganga mo dyan?" Sigaw sakin ni Rena.

"Psh! May naisip lang ako bruha!" Sabi ko sa sumakay na.

Nagdrive na si Claire at ilang minuto lang ay nasa mall na kami. Pagkapark ni Claire nung car ko ay bumaba agad ako.

"Oh bruha may dala kang swim suit?" Tanong sakin ni Claire pagkababa niya ng kotse at nagtaka naman ako.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Diba sabi mo magsi swimming tayo dito?! Jusq ka hahahaha! Charot lang teh" natatawa niyang sabi at inirapan ko naman siya.


'Kahit kelan ang OA neto, bestfriend ko ba talaga to?'


"Whatever! Tara na!" Yaya ko sa kanya at nagsimula naman kaming maglakad hanggqng sa makapasok kami sa loob ng mall.


"San tayo muna bes?" Tanong ko kay Rena.

"Let's eat muna? I'm hungry na:(" nakangusong sabi niya.

"Sure let's go, i'm hungry na din"

Pumunta kami sa isang resto dito sa mall at naghanap naman kami ng magandang pwesto. Walang masyadong nakain sa restong napuntahan namin kaya kokonti lang yung tao.

Nang makahanap na kami ng magandang pwesto ay pinaorder ko na agad si Claire dahil gutom na gutom na talaga ako. After 3 mins ay bumalik na si Claire sa table namin.

"5 mins waiting daw" sabi niya at saka umupo sa harap ko.

After 5 mins ay dumating na yung order namin. Nagsimula na kaming kumain at talagang ang ingay ng bunganga ni Claire, di ata to makatiis na di iimik. Ayaw matuyuan ng laway mga bes.


"So ayun nga bes, ang pogi pogi talaga ni Calyx! Kaso ang sama nga lang ng ugali:( masyado siyang bully tsk, sayang yung itsura. Pero kahit ganun siya crush na crush ko talaga siya!! Kyaaah!" Kinikilig na kwento niya at impit na pumalirit pa. Nainis naman ako dahil leche ang ligalig netong bruha na to walang tigil kakadada.

"Crush mo? E ang sama sama ng ugali nun." Mataray na sabi ko sa kanya.

"Ih kahit na! Basta crush ko siya. Ikaw di mo ba siya crush? Pogi kaya nun!"

"Di porket pogi crush ko na. Di ako natingin sa itsura, pogi nga wala namang ugali psh wag na lang. Kahit siya nalang natitirang lalaki sa mundo di ko siya magugustuhan" mataray na sabi ko sa kanya at saka tinapos ang pagkain ko, sabay lang din kaming natapos.


"Daming sinabi bes? Ah basta ako crush ko siya!" Kinikilig na sabi niya.

"Edi crush mo! La kong pake bes hahaha charot support ako sayo, gusto mo yan e haha"

Nang matapos na kami kumain ay lumabas na kami sa resto at saka nag ikot ikot sa mall.
Habang nag iikot kami ay biglang nagyaya si Claire.

"Bruha tara sa department store shopping na tayo!" Sabi niya at sumunod naman agad ako.

Habang naglalakad kami papuntang department store ay may nakasalubong kaming di inaasahan..



-----------------------------------------------------

Please vote! Napahaba ata yung update ko haha char idk🤣 wag nyo po kalimutan magvote hihi lovelots!

-shing:<

Unexpected Love [ON-GOING]Where stories live. Discover now