Chapter [3] - the BABE story <3

381 12 6
                                    

*****

"Yun oh. sakto! Magkatabi kayo ni Jake, so ikaw na talaga ang magsisimula Sarah."

"Eto na nga po Ma'am Bree oh. magsisimula na po ako, kasi po.. ako po nagsuggest ng topic na ito po.. pwede na po ako ako magsimula po?"

"po? Grace POE ikaw yan?" pambasag ulit ni Jake

at sabay sabay kaming tumawa. grbe tlga pambabasag ni Jake kay Sarah

atleast, okay na ulet yung atmosphere

tinarayan lang ni Sarah si Jake at nagsimula ng magkwento

"Walang magsasalita habang nagkekwento ako ha!"

"Edi wag ka rin magsalita"

"JAAAAAAAAAAAAKE!"

"He-he. pikon", pang'aasar pa ni Jake

at di na pinansin pa ni Sarah yung pangaasar ni Jake, "ganito kasi yun............."

"inlove ako, pero hindi nya alam"

"One sided love?"

"Ang kulit ng lelang mo Bree! sabing manahimik e." pananaway ni Sarah

"Haha. sorry naman !"

"So ayun nga, inlove ako."

"hindi nya alam na inlove ako sa kanya. kasi ayokong ipaalam... kaibigan ko siya e. Baka masira kung anong meron kami. pero kung ako ang tatanungin, gusto kong mabigyan ng chance na maiparamdam sa kanya yung nararamdaman ko.. Mahal ko kasi talaga e" pumiyok sya sa dulo nung sinabi nya

Iiyak na sya.

"Minsan nga hindi ko na napipigilan sarili ko e. Napaparamdam ko na sa kanya. Pero sya tong manhid...... nakatingin yata sa iba?'

Bakit ba may mga ganung lalaki? nakakainis sila.

"Pero hindi nya naman siguro kasalanan diba? Ako naman kasi tong na'fall."

"Ewan ko ba. ang ganda ko naman e. Pero hindi nya talaga ko makita.." pagpapatuloy pa nya

"Baka bulag?" sabat na naman ni Jake

"Haaaay. sana nga bulag na lang e, literal." tas bigla syang tumawa .. "baliw na ata ako? Haha. Sige na. Yun lang naman. Ikaw naman magkwento Bree."

"Someday, you'll get what you really deserve. Intay lang." out of the blue na nasabi ko

"Thanks Shie. Sana nga" nginitian nya ko, pero halatang nalulungkot talaga siya..

hindi ko alam kung guni-guni ko lang or what..

tinignan ni Sarah si Jake eh. pero mabilis ding inalis agad yung tingin

Eh? ewan ko. baka nadaanan lang ng tingin?

Hay. I feel sorry for Sarah. Totoo naman e, maganda talaga siya. mabait din.

cross my heart, babatukan ko tlaga yung lalaking tinutukoy ni Sarah pag nakilala ko siya!

"So, ako naman magkekwento?"

at ayun. nagsimula na ngang magkwento si Abnoy

Di nako nakinig. Haha! Alam ko na naman buong storya nung dalawa eh.

tinext ko na lang si Babe.

To : 'Babe Bryle <3'

Babe, tapos na po classes namin. Andito pa kami ni Abnoy sa campus! Kasama namin new friends. Hihi. Wag ka mag'aalala sakin huh? Uuwi din po kami ng maaga. Ingat ka po palagi. Iloveyou :*

Playful Destiny [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon