Chapter [4] - reason for the cold heart

333 9 1
                                    

*****

 JAKE's Point of View 

woooh! bakit ko pa kasi naging kaibigan tong mga to e?

Si Sarah may pakana neto e.

patay talaga sa basag sakin to mamaya.

kailangan ba talaga ikwento? gsto kong sabihin sakanila yan

mabuti sana kung si Bree lang makikinig e.

pero kung si Bree lang kasama ko, di ko na naman kailangan ikwento.

kasi andun sya nung mga panahong nangyari yun

andun sya... sya lang yung nandun.

*sigh* wala namang mawawala diba? walang mawawala kung ikkwento ko to. wala NG mawawala..

"last year. Isang taon na ang nakalipas simula nung nangyari lahat." panimula ko.

hay. eto na talaga yon.

"Isang taon na.... simula nung mawala sa'kin yung taong mahal ko." *sigh*

"di mo kailangang ikwento kung di mo pa kaya Jake."

"Okay lang Bree. Sabi mo nga, kailangan ko ng magmove on. At eto yung first step dba? acceptance. Makakatulong to para matanggap ko na lahat"

napayuko siya... hindi ko na lang pinansin yung naging reaksyon nya..

"dahil sa bestfriend ko.. sa inakala kong bestfriend ko. dahil sa kanya, nawala lahat ng kaligayahan ko.."

Shiela's POV (wag po malilito ha?)

"Nakakainis lang.. tinuring ko na kasing kapatid yun e. Halos sabay na rin kaming lumaki.." 

halata sa boses ni Jake yung sakit. yung inis.. pati narin yung galit na nararamdaman nya.

"1st year, sabay kaming nag'enroll ni Carl.. pumasok sya sa Captured Club, habang ako naman nagtry out sa basketball team. Okay kami nun eh. Masaya lahat kung tutuusin.. tapos nakilala namin si Bree. Naging super trio kami ng mga yan", sabay tingin nya kay Abnoy. then he smiled. Hoooooo. mejo creepy tong si Jake. haha. jk

"Lagi kaming magkakasama. Nagkukulitan. Nagcecelebrate. Sabay-sabay rin kaming nagrereview pag exam na. at dahil rin sa pagsasama naming tatlo, nakilala ko si Alyssa.. classmate sya ni Bree at ni Carl nung 2nd year.." makikita mo sa mga mata nya yung magagandang memories na naaalala nya..

pero bigla ring mapalitan yun...

"Teka! Alyssa? Carl? Isa lang ang Alyssa na kilala ko sa buong high school department", pag'iinterrupt ni Sarah na halatang nagulat sa narinig nya

"At isa lang din ang kilala kong Carl sa Captured Club", dagdag pa ni Jm..

Ako! ako... wala akong kilala sa mga sinasabi nila..

"5months naging kami ni Alyssa. binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya. pinaramdam ko kung gano ko sya kamahal at kung ganu ko sya pinahahalagahan. Sya lang kasi yung nagbigay kulay sa mundo ko e. Sya lang yung nagbibigay lakas ng loob sakin sa gitna ng mga problema ko sa pamilya ko..", pagpapatuloy ni Jake.

hindi nya pinansin yung sinabi ni Sarah at JM..

"Hindi ko alam kung pano nagawa sakin ni Carl yun.. Alam nya lahat sakin e. Alam nya lahat ng problema ko. Alam nya lahat ng pinagdadaanana ko. Kasi ng bestfriend ko sya.. Oo lalaki ako, pero kahit naman mga lalaki.. nagkekwento rin sa mga kaibigan nila.. pero sya madamot sya e.. lahat kinwento ko sa kanya. pero sya... hindi nya ipinaalam sakin kung anong nangyari.. kung bakit nya nagawa yun.. kung bakit nya ko gin*go... hindi ko alam kung ano yung dahilan nya para saktan ako.. para kuhain sa'kin ang mundo ko..."

I saw Jake closed his fist..

"hanggang ngayon, iniisip ko kung sapat ba talaga yung dahilan nya para kalimutan lahat ng pagkakaibigan namin.. kahit yun na lang e. kahit yun na lang sana, ikinonsidera nya..."

"kung sino mang nsa isip nyo ngayon.. hindi kayo nagkakamali.. sila nga.... si Alyssa Belbes? siya ang babaeng minahal ko ng sobra-sobra. Ang babaeng nakapagbigay ng sigla sa buhay ko noon.. Ang sya ring dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganto ngayon.. silang dalawa ng Carl Justine Mendoza na yon.."

 pagkasabi nya nun..

nanginginig na sya..

nanginginig.. sa galit?

hindi ko maintindihan kung bakit..

lumapit si Bree sa kanya at hinawakan ang braso nya..

 nakatingin sila sa isang direksyon..

kaya tiningnan ko rin..

nagulat ako sa nakita ko

couple na magkahawak ang kamay habang naglalakad ang bumungad sa mga mata ko..

couple na masaya.. yung tipong pag nakita mo sila, ikaw mismo.. hindi mo hihilingin na maghiwalay sila. kasi makikita mo sa mga mata nila kung gaano sila kasaya dahil nasa piling sila ng isa't isa..

bakit kailangan sila pa?

yung couple na kinatutuwaan ko...

yung couple na nakita ko nung enrollment.

yung gwapong guy na classmate namin, at yung girlfriend nya..

sila.. sila yung dahilan kung bakit hanggang ngayon nasasaktan si Jake.

tatayo sana si Jake.. aalis? pero pinigilan sya ni Bree

"wag Jake.."

"bitawan mko Angelou", galit ata talaga si Jake. He called Bree on her second name. ganon ba sya magalit? second name ang ginagamit pangtawag sa tao?

"kumalma ka Jake. akala ko ba gusto mo ng magmove-on? eto na yun oh. Gusto mo matanggap diba?", huminga ng malalim si Bree.. "one year na Jake, hayaan mo ng sumaya yung puso mo.. tanggapin mo na. maging masaya ka na lang para sa kanila. grow up.. wag mo ng takbuhan ang problema mo.." 

umupo ulit si Jake.. parang natauhan sya?

Tama naman kasi si Abnoy eh.

He should free himself from the pain and hatred..

Isang taon nyang kinulong yung sarili nya...

kailangan nya ng kalimutan lahat at maging masaya..

kasi mukhang sya na lang naman yung nagsasuffer eh..

*******

*revised.

siennalita <3

Playful Destiny [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon