Cassie

1 0 0
                                    

CASSIE'S POV~~

Kilala ang babae sa pagiging sweet, pagiging fashionable, yung tipong sa pagpapaganda maaasahan. Well, ibahin niyo ko. I am Cassandra Lewis . Simple lang akong manamit, walang kaartehan sa balat. Di ako girly, ang kornie naman kung magsusuot ako ng mga ganun. Pure akong babae, astig lang manamit. Mahilig ako sa music, that's my hobby. Medyo matalino naman ako, tamad nga lang. Simpleng ganda lang ang meron ako, di ko na kelangang ipagsigawan pa.

Laking London ako. Features ko, namana ko sa daddy ko, but of course pagdating sa kilos, pananalita at ugali, syempre sa mom ko.

Im half filipino, half british.

And when my dad died, my mom got married again. Ako ang nagmana ng ariarian nila ni daddy. When my mom remarried, she officially named lahat ng ariarian sa akin, hindi naman ako maluho masyado. And by the way, ang tumayong parents ko in 5 months ay si tita Stella, ang sister ni mommy. They flight back at London with her husband, so ibig sabihin, ako at ang pinsan kong si Kyle ang maiiwan sa bahay nila. Just like me, my cousin loves music too, my bandmates nga yan. But di ko pa sila nakikilala, kasi never akong tumira sa house nila simula nung dumating ako here in philippines, sa condo lang ako. But of course, nakiusap sila sa akin na doon na manirahan sa kanila para naman may kasama si kyle. Since then, close talaga kami ni kyle. Sobrang close talaga, mas matanda lang ako ng ilang months sa kanya, and I told him not to call me ate. Kyle is the most craziest guy I ever met. He's my cousin, brother, bestfriend, and boyfriend. Hindi naman real boyfriend. Sabi niya kasi, "bawal manliligaw" kaya ayan, nagpanggap na boyfriend ko nung nasa London pa ko. Sa akin, walang kaso yun. I hate sweets, yung mga romantic na yan, yung mga kilig stuffs na yan. Pagdating kasi sa mga ganyan Boyish ako. Nakakadiri yung mga lalaking ganun.

I never fall in love, never had a crush on someone, no boyfriend since birth.

Pero may minahal ako ng sobra sobra, ang Daddy ko. He's perfect, he gave me all i want, he finds time for me, he never stop loving me, he never hurt me, he loves me unconditionally. Sad to say, wala na siya. But still i love him so much. Daddy's girl kasi ako.

Nagaayos na ako ng mga gamit ko kasi nga dun na ako titira kina Kyle. Nagblack tube lang ako at naka red bull jersey at white shorts, at naka vans rubber shoes. Susunduin niya dapat ako but I insisted na kaya ko ng magdrive papunta sa bahay nila. May sarili akong kotse, kabibili ko lang nito last month, white car, ford lang ang tatak and tinted. Minsan, hinihiram to ni Kyle, pangdate daw niya. Mas maganda daw kasi yung car ko kesa sa kaniya. 19years old palang ako, and siya magna19 p lng.

Malapit na ako sa bahay nila.. simple lang pero malaki laki din naman.

Nung isang araw pa umalis sila tita Stella. At ako, ngayon palang pupunta sa kanila. Malaki naman ang bahay nila, yun nga lang walang katulong. Gusto kasi ni tita stella na matuto si Kyle ng gawaing bahay. Ayaw kasi nila mommy and tita stella na umasa lang kami ni kyle sa iba. But my dad spoiled me, pero i learn how to cook naman, expert ako dun, namana ko yun kay mama Kei, ang lola ko sa side ni dad.

Any way, nandito na ko sa harap ng bahay nila at bumubusina ng napakalakas. Lumabas si Kyle at dalidaling pinagbuksan ako ng gate. Nung makalabas ako ng kotse ko..

"Cassie! Kumain ka na?" Tanong ni Kyle habang naglalabas ng mga gamit ko.

"Hindi pa, bakit mo tinatanong? Nagluto ka ba?" Balik kong tanong sa kaniya habang bitbit ang mga ibang gamit ko papasok sa loob ng bahay.

"Nagluto ako noh, xaka pupunta barkada ko dito mamaya. Tutugtog kami, sali ka?" Kwento naman niya sakin, habang nilalagay sa sala ang mga gamit ko. Ako naman ay papunta sa kusina.

"Ayoko! Magpapahinga muna ako.."

Tumikim ako ng pagkaing niluto niya..

"Ang sarap nito ahh, pede ka ng magasawa.. kain na ko ahh"..

Paupo na ko, at siya papunta sa tabi ko para siguro makipagkwentuhan sakin..

"Pakilala kita sa mga barkada ko ahh!"

Nginitian niya ko habang pataas taas ang kilay niya, ako naman ay nagsalubong ang kilay..

"Bakit? Nako Kyle ha.. wag mo kong pagtitripan ahh, alam ko yang iniisip mo"

Sumubo ako ng pagkain at tiningnan siya..

"Tss, ito naman parang di na nasanay. Sige na nga, di na kita iistorbohin mamaya. Basta libre mo kaming pizza mamaya ahh" .. nginitian niya ko na labas ngipin, sabay lagay ng tubig sa baso ko.

"Oo na, basta pizza lang.. anong oras ba sila pupunta? Wag kayong magkakalat ah. No girls allowed. Bibingwasan kita!" Nilakihan ko siya ng mata bago ngumuya at uminom ng tubig.

"Opo madaam! No girls, no kalat! At siguro mamayang kunti nandito na sila" tumayo siya at pumunta sa sala.

"Dalhin ko na gamit mo sa kwarto, pakihugasan na rin ung pinggan. Bye" tinaas ko lang kamay ko at nagOK sign ako habang umiinom, nakataas na si Kyle at ako ay naghugas na rin ng pinagkainan.

Paakyat na sana ako ng hagdan nang may nagdoorbell. Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko, nainis ako mejo dahil sa walang tigil na pagdoorbell. Kaya pumunta ako sa pinto at sinilip kung sino yun. May nakita akong apat na lalaki, ung iba ay may dalang gitara. Kaya naisip kong barkada ni Kyle. Binuksan ko yung pinto. Pagbukas ko ay walang gumalaw miski isa, at wala ding nagsalita. Kaya sinarahan ko ng pinto.

Bigla kong narinig ang pagbaba ni Kyle sa hagdan at hawak ang cellphone niya.

"Narinig kong may nagdoorbell, sila na ba yun?" Nagkibit balikat ako at sinagot siya ..

"Ewan ko, ang weird eh. Pinagbuksan ko naman tapos ayun parang nanigas at di na gumalaw" natawa siya bahagya at binuksan ang pinto pero di pa rin ako naalis sa pwesto ko.

"Diba? They are like freaking statue" natawa si Kyle at nagsigalawan na mga kaibigan niya..

"Mga tol, nangyare? Para kayong tanga?" Tiningnan nila ako at tiningnan nila si Kyle, nagsalubong kilay ko at napailing na lang.

"Taas na ko, nawiweirduhan ako sa mga kaibigan mo e. Jan na kayo. Yung usapan natin Kyle ah." Tinapik ko siya at umalis na derederetso sa kwarto kung saan ako magsstay at magpapahinga para makatulog na.

She Hates SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon