YOU TO ME ARE EVERYTHING :D

53 0 0
                                    

You to me are Everything

Chapter 1:

‘get out-get out-get out of my head! And fall into my arms instead’

“hello? Mark? babes!”

Napabangon ako sa hinihigan ko na para bang binangungot.

“babes, I have something to tell you. Kita tayo sa SM. Importante lang”

“i-importante? May problema ba?”

“basta. Blisan mo ha? Sge bye.”

“ok…..”

Wala man lang I love you? Or I Miss you? E 3 weeks siyang andun sa training nila sa baguio kasama ng trainor nila e

Nah! Pupuntahan ko siya. Baka inaantok or napagod.

“mi..may bibilhin lang ako dyan sa labas. Sandal lang ako.”

“o sige. Ingat!”

“cge po ma”

Tinignan ko ang cp ko para malaman kung anong oras na. 7 na pala ng gabi. Buti na lang nakapang-lakad pa ako. Kagagaling ko lang sa school bago tumawag si Mark. Humiga higa lang ako para makapagpahinga.

Pumara kaagad ako ng jeep. Mabuti na lang hindi traffic kaya nakarating kaagad ako ng SM. Dumiretso nako ng FoodCourt dahil dun talaga kami nagkikita.

“bab..”

“ah hi Mae! Kasi…”

“Mae? Tinawag mo ako sa pangalan ko??”

Tumingin ako sa likod nya at may nakita akong babaeng matangkad. Kinabahan na kaagad ako.

“si-sino sya?”

“si Lei..Gi-girlfriend ko”

“h-ha? G-girlfriend? Ma-mark! Haha..nababaliw ka na ba? Ako girlfriend mo!”

“k-kasi makkikipaghi..”

“hahahahah! Ano ba naman Mark! Diretsuhin mo nga ako. Makikipagbreak ka na sa akin! Tignan mo nga naman oh, hi lei! Nice to meet you. Ang ganda ganda mo! Kaya ka siguro nagustuhan ng ex ko no? alagaan mo sya ha? Wag mo syang aawayin kasi madali yan maasar, at saka wag mong ipagluluto yan ng sunog na hotdog. Naipagluto ko kasi sya ng ganun e. sge Mark. Alis nako! Bye Lei”

“wh-what?”

Tumakbo na ako palayo. PANO NYA NAGAWA SA AKIN TO? MAY NAGAWA BA AKONG MALI? NAKITA BA NYA AKO SA SCHOOL NA NAGWAWALIS NG MGA DAHON AT NATURN-OFF SYA SA AKIN? E SA GUSTO KONG MALINIS E. WAHAHAHAHA! ANO KA BA MAE! LALAKI LANG YUN…LALAKING MINAHAL MO NG 2 AT KALAHATING TAON.

Tumingin ako sa paligid ko. Nasan ako? May seesaw, may slide na puro kalawang at may anay naman sa may sandbox.

Yeah playground.

Umupo ako sa may swing tapos kumuha ng panyo sa bulsa ko para mapunasan ang luha ko.

“walanghiya ka talaga Mark..anniversary natin ngayon e”

Kumuha ako ng bbq stick na nakakalat. Eew! Hahaha. Adik talaga ako oo.

Nagsusulat ako ng kung ano-ano sa lupa..

Wala pa talagang sumeseryoso sa akin.

Maganda naman ako..

Yun yung sabi ng mudra ko.

“hindi ko kailangan ng lalaki..mukha naman syang unggoy e. hahahahahaha!”

Naramdaman ko na lang na ummulan na. Pakshet naman oh! Nakikiramay pa. Tss. Ok lang. Maganda to, enjoy. Di na lang ako aalis dito.

YOU TO ME ARE EVERYTHING :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon