EPISODE 24 (EDITED)

138 18 1
                                    


SHAWN POV

Hanggang simula ng kanta ay nakatitig lang ako sakanya ganun din siya saakin. Wala akong pakialam sa iisipin nila.

Parang ang mundo ko ay umiikot sakanya. Siya lang ang nakikita ng dalawang mata ko. Parang inaakit ako ng maamo nyang mukha at mala angelic nyang boses. Nabalik lang ako sa realidad ng matapos na sya sa pagkanta.

Lumapit ako sa stage para hintayin siyang bumaba. Nakita ko na syang pababa ng stage. Nasilayan ko na naman ang mapang akit nyang ngiti.

Maganda ba boses ko? "Nakangiti niyang taong. Gusto kong sabihing subrang ganda katulad mo kaya lang hindi ko kaya ,kaya pinairal ko na naman ang pang titrip ko sayo.

Hindi, muntik na ngang umulan mabuti na lang natapos na ang kanta mo "pang aasar ko. Napapout at busangot naman siya kaya napatawa ako ng mahina.

Oh dude "bati ni Blake ng madaanan kami.

Tnx nga pala Amara ang ganda ng boses mo at ang galing mong magitara "nakangiting pasasalamat ni Blake. Nakabusangot namang nag salita si Amara na parang bata.

Ganun ba? Siguro sinasabi mo lang yan para hindi ako mag tampo. Sabi kase ni Shawn panget daw. Muntik na nga daw umulan kung hindi pa tayo natapos "nakaramdam ako ng konsensya sa sinabi nya. Natawa na lang si Blake at tiningnan ako ng tingin na nakakaluko.

Siguro nabingi lang si Shawn. Hindi kase yan nag lilinis ng teinga "natatawang sambit ni Blake. Gusto ki syang batukan sa sinabi nya dahil wala namang katutuhanan yon kaso pinigilan ko lang ang sarili ko.

Ganun ba? Wag kang mag alala bukas bibili ako ng cotton bands at ako mismo mag lilinis ng teinga nya para sa sunod akong kakanta marinig na nya ng maganda "parang batang sambit nya. Napakunot noo naman ako. Lalo namang natawa si Blake.

Shawn "napatingin naman ako sa nag salita sa likod ko. Boses pa lang kilalang kilala ko na.

Si ate Krishna.

Hi Ate Krishna "bati ni Blake kay ate.

Hi Blake. Ito nga pala gift ko sayo "nakangiting sambit ni ate at iniabot ang gift nyang naka balot pa.

Tnx ate "nakangiting sambit ni Blake. Ngumiti at tumango lang si ate.

Sige ate maiwan kona muna kayo "paalam ni Blake. Tumango naman kami bilang sagot.

Hi Ate Krishna "bati ni Tamara at yumuko pa bilang sagot.

Hellow "nagtatakang bati ni Ate. Tumingin siya saakin na nag tatanong kong sino tong kasama ko...

SIya si "hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si amara.

Ako nga po pala si Tamara Eunice Kang Smith Girlfriend ni Shawn, diba Shawn? "Sambit ni Tamara at kinuha ng palihim yong kamay ko sabay pisil dito. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Girlfriend?

Napatingin ako sakanya saglit. Nakangiti lang siya. Napatingin naman ako kay ate na nag hihintay sa sagot ko kong totoo ba ang sinasabi ni Tamara. Pinag pawisan naman ako at namunula na ang pisngi ko.

Ah eh opo ate "nag dadalawang isip kong sambit at inakbayan si Amara na nakangiti lang.

Wala ka bang balak ipakilala kila mommy at daddy ang GIRLFRIEND MO "nakangising tanong ni Ate. Talagang pinag diinan nya pa ang salitang girlfriend. Ano ba naman kase ang naisipan ng isang to at kaylangan nya pang mag panggap bilang girlfriend ko.

PILYANG GANGSTER (COMPLETE & EDITED)#PWAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon