CHAPTER 50 (EDITED)

120 15 1
                                    


TAMARA POV

Eya "napatingin ako sa lalaking nag salita.

KUYA IAN "sigaw naman nitong batang katabi ko. Tatakbo na sana sya palapit sa kuya nya ng hawakan ko sya sa braso.

Stop baka mapahamak ka "malambing kong sambit. Pumatak na naman ang kanyang luha.

Si kuya "sambit niya.

Tumigil ka Ian kung ayaw mong mamatay ang kapatid mo "pambabanta ng armadong lalaki kay Ian daw na kuya nitong batang kasama ko.

Ano pabang gusto mo Robert hindi paba sapat na namatay sila mommy sa kamay mo?"galit na sigaw ni Ian.

Kulang pa ang buhay nila sa kasalanang ginawa ng daddy mo "nanggigigil na sigaw nitong Robert daw.

Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama "nasambit ko na lang. Kaylan pa naging kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama.

Manahimik ka miss kung ayaw mong mauna sa impyerno "galit na sigaw saakin ni Robert.

Ang tunay na gangster hindi nag tatago sa mga inosenteng tao katulad ng pambibiktima nyo sa batang ito. Hindi ba malinaw sa inyo na inosente ang batang ito at walang kamuang muang sa mundo "galit na paliwanag ko sakanya.

Wala kang pakialam. Hindi mo alam kung ano ang dinanas ko "galit na sigaw ni Robert at tinutukan ako ng baril. Hindi ako natinag dahil sanay na ako sa ganito.

Sininyasan ko yong lalaki na nag ngangalang Ian na atakihin si Robert dahil wala naman sakanyana ang atensyon.ngunit nabigla na lang ako ng bigla niyang itutuk ang baril sa kasama kong bata at ipinutok ito. Agad kong niyakap ang batang ito dahilan para ako ang matamaan.

Mas lalong lumakas ang iyak nitong bata ng bumagsak ako sa harap nya. Napansin kong nakikipag laban si Ian kay Robert. Pinili kong tumayo kahit may sugat ako sa likod ko.

Ahhhhhh!"sigaw ko nang makaramdam ako ng matinding hapdi.

Ate don't stand up "maliit na tinis mula kay Eya.

Nginitian ko lang sya at hinayaang sumakit ang likod ko. Nang makita kong napatumba na ni Ian si Robert ay tumingin ako kay Eya.

Go to your kuya "utos ko.

How about you ate? "Nag aalalang tanong ni Eya.

Don't worry about me, kaya kung sarili ko "nasambit ko na lang at ngumiti sakanya.

Agad akong umalis sa pwesto na yon.

Nag lalakad ako rito sa kalye na puno ng dugo. Ramdam ko ang sakit at hapdi ng sugat ko. Nararamdaman ko rin na nang hihina na ako.

Bigla na lang akong napaluhod sa sakit. Pinilit kung tumayo kaso hindi kona kinaya hanggang mawalhan na ako ng malay.




Kuya Ian she's awake "rinig kong sambit ng isang bata. Dahan dahan kung minulat ang aking mga mata. Agad akong napaupo sa kama dahilan naman para mapa ouch ako dahil sa sakit ng katawan ko.

Wag ka munang gumalaw hindi pa hilom ang sugat mo "sambit ng gwapong nilalang. I know his name is Ian.

Nasaan ako? "Nanghihinang tanong ko.

PILYANG GANGSTER (COMPLETE & EDITED)#PWAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon