Summer's POV"Jennie,Summer! Alis na ako ha, nanjan na kasi si Manong" pagpapaalam nya.
Lagi na lang ang aga nyang umalis. Hindi man lang kami makapag bonding ng matagal.
"Ano daw sabi ni Stephy?'
Stephy for short.
" Jennie, aalis na daw sya oh!" Sabi ko. Agad kaming tumakbo sa kanya at sya naman tumakbo palayo samin.
Hinila ko yung bag nya na dahilan para mapatigil sya.
"Oy! Hahanapin na ko ni Mommy. Sabi nya sakin pagkatapos ko sa school umuwi daw agad" pag dadahilan nya.
"Parang narinig ko na yan?" Sabi ko at hinawakan sya sa braso.
"Hindi parang. Dahil narinig na talaga narin yun" sabi naman ni Jennie na hawak sya sa damit at bag.Hindi na sya makakatakas pa. Lagi na lang gusto nyang umuwi agad parang bang may itinatago sya samin.
Dahan-dahan syang yumuko. Kaya natakot kaming dalawa ni Jennie.
"Uy! Okay ka lang ba" tanong ko sa kanya pero wala sya ng sinabi.
"Nako! Nagda-drama nanaman sya." Sabi ni Jennie na natatawa.Biglang nakarinig ako ng isang hikbi.
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
"Hay nako, Niloloko nanaman tay- - - "
"Shhh!"
"Bak- - -"
"Shhhhh!" Sabi ko ulit sa kanya at sinamaan ng tingin.
Dahil sa hawak ko braso nya, naramdaman Kong yumuyugyog yung katawan nya.
Umupo ako at tumingala para makita kung tumatawa ba sya o umiiyak.
Nakapikit lang sya. Teka? Umiiyak nga sya. Napatayo ako bigla sa nakita ko
"Sissy bakit ka umiiyak. May masakit ba sayo. Nasaan, ituro mo" sabi ko sa kanya dahil nag-alala talaga ako sa kanya.
"Sissy? Ayos ka lang" tanong ni Jennie Kay Stephy.
At hanggang sa umiiyak na sya ng tuluyan. Ang tanong, bakit sya umiiyak.
Naglakad sya at umupo sa malapit saming bench. Naupo rin kami sa tabi nya. Pinag-gitnaan namin sya.
"Sissy.." Nilapit namin ang tenga namin sa kanya dahil parang isang bulong lang ang ginawa nya.
Sumenyas si Jennie sakin. Ang sabi nya ano daw ang sinabi ni Stephy. Sinagot ko na lang sya ng isang kibit-balikat.
"Anong ginawa mo" sabi sakin ni Jennie. Teka, parang iba na ang to no ng pananalita nya kaya agad ko sya ng nilingon.
"Ano bang sinasabi mo Jennie" balik na tanong ko sa kanya. "Kaya sya umiiyak because of you" at dinuro nya ko.
Teka, bakit ako ang sinisisi ng babaeng ito?
"Hoy para sabihin ko sayo wala akong ginawa sa kanya."
"Diba hinila mo yung bag nya baka natapilok sya sa paghila mo kaya sya umiiyak"
Paninisi nya. Sa sobrang inis ko napatayo ako sa kinauupuan ko
Nakita sya ng pakindat-kindat.
At sumenyas na Arte artehan lang daw ang ginagawa namin.Kaya sinakyan ko na lang ang trip nya.
"Ikaw nga tong humila ng damit nya baka nahubaran sya ng Hindi mo Alan kaya sya umiiyak"
Sabi ko sa kanya at tumayo na rin sya.