Darekst Revenge - Epilouge

3.4K 120 79
                                    


"Ready ka na ba?"

"Gusto mo ba talaga 'to?"

"Kaya mo ba?"

Sunod-sunod na tanong ng lalaki pero wala syang nakukuhang sagot.

"Hoy Ana Karylle! Ano. Sagot!" naiinis na wika ni Vhong sa tulalang kaibigan.

"Pano kung sigawan nya ako?"

"Pano kung itulak nya ako?"

"Pano kung hindi nya ako makilala"

"Pano kung..."

Sunod-sunod na wika ni Karylle na agad na pinutol ng isang boses.

"Pano mo malalaman, kung hindi mo susubukan"

"Anne?" wika ni Karylle ng makita ang kaibigan sa kanyang likuran.

"K, look. Hanggang pagsubaybay ka na lang ba sa malayo? Hanggang sa tingin ka na lang ba? Hanggang ganto na lang ba talaga? You try, let's try" wika ni Anne.

"Anne, natatakot kasi ako... sa tingin mo ba talaga tama 'to?" at agad na napayuko si Karylle.

"Yung totoo, natatakot ako at nasasaktang makita siya na ganyan dahil sa akin. Anne, ilang taon ko hinintay ang pagkakataon na 'to na makita at mayakap siya, pero hindi ko pa rin pala kaya, alam ko nasaktan ko siya. Alam ko kasalanan ko lahat kung bakit ganto kami, kung bakit ganyan siya. Kaya, hindi ko kaya" at tuluyan ng tumulo ang luha ni Karylle sabay walk-out.

Agad na tumakbo si Anne upang sundan ang kaibigan.

"Karylle, just try. Wala namang mawawala kung susubukan mo di 'ba? Minsan lang 'to, baka sa susunod na punta mo wala na siya. Gusto mo ba yun? Na hanggang sa huli magsisisi ka na pinalampas mo ang araw na 'to. Kaya please, subukan mo. Nandito lang ako, nandito lang kami. Hindi ka namin iiwan okay?"

-

"Hi Nurse Bela, Good morning" bati ni Anne sa personal nurse ni Vice.

"Oh, hello Ms. Anne. Ang aga nyo naman po today tulog pa po si Pogi eh. Puyat po kasi siya kagabi" wika ni Bela na may matamis na ngiti.

"Dumaan lang ako dito para samahan ang kaibigan ko. Good thing at tulog pa siya. Pwede ba namin siya makita?"

"Sure Ms. Anne, kayo pa ba?"

At agad na ginuide ni Bela sila Anne patungo sa kuwarto ng huli.

"This way ma'am, nanduon po siya sa dulong kama" wika ni Bela ng makarating sila sa isang kuwarto.

"Anyway, maiwan ko po muna kayo Ms. Anne" paalam ng nurse at mabilis na lumapit si Anne sa kama ng binata.

"Ano, Karylle ready ka na ba?" wika ni Anne ng mapansing nanginginig si Karylle sa kanyang likuran.

"Anne, hindi pa ako ready. Pa-parang hindi ko kayang makita sya sa ganyang kalagayan. Na-natatakot ako, ayoko na. What if umuwi na lang kaya ako."

"NO!! BALIW KA BA? NANDITO NA TAYO" sigaw ni Vhong.

"Huwag kang matakot, tulog naman siya. Isa pa, wala din siyang maalala na kahit ano kaya hindi nya matatandaan lahat ng pananakit at panloloko mo." medyo sarcastic na wika ni Anne.

"Anne!!!" inis na wika ni Vhong dahil napansin niyang may luha na pumatak sa mata ni Karylle.

"Joke lang, eto naman. So, tara na" wika ni Anne na medyo tumatawa.

Nang makarating sila sa kama ng binata ay mabilis na tinignan ni Karylle ang mukhang ng dating asawa.

"HI BAKLA" bati ni Anne sa natutulog na kaibigan.

DARKEST REVENGE (ViceRylle Story)Where stories live. Discover now