MINAHAL KO YUNG TAONG DAPAT CRUSH KO LANG

43 0 0
                                    

Hello. I'm Ey (not my real name). Pero once na mabasa nila at niya to alam kong makikilala nyako. Fan mga kaibigan niya at kaibigan ko ng mga secret files kaya I'm hoping na aabot sa kanya to. Senior High student ako. Grade12 to be exact. May crush ako. Dancer ng school namin. Grade10 siya pero same age kami. Dunno kung late lang siya nag aral o nagstop o nagrepeat. Haha. Nakilala ko siya dahil sa classmate ko. Tatlong lalaking dancer kasi sila. Yung isa kilala kona personally, yung isa naman crush ko noon and siya diko man lang kilala.

Unang pansin ko sa kaniya nung nagpapicture yung kaibigan ko with him kase Lodi niya daw (marami talagang nagpapapicture sa kanila na students sa school namin dahil bukod sa gwapo at maappeal sobrang galing nila sumayaw) Habang nagpapapicture yung classmate ko sa kaniya inaasar kopa kase parang kilig na kilig yung kaklase ko (Hi eve! Hehe) dun ako unang nagkainteres sa kaniya. Inadd ko sya sa Facebook, tinanong ko dun sa kaklase ko name niya syempre diko naman siya kilala. In accept nyako then I chatted him. Nakalimutan ko anong unang sinabi ko pero basta dina importante.

Dumating pa sa point na gumawa ako ng dummy account para lang mapagtapat sa kaniya na gusto ko siya but sadly nabuko nyako agad kase may linya akong sinasabi lagi sa knya "Sabunutan kita dyan e." (Mahaba kase yung bangs niya) na nasabi ko nung kachat ko sya sa dummy acc ko. Sobrang kahihiyan ko nun. Todo maang maangan pa ko pero napaamin nya din ako. But sadly tinatawanan nya lang ako. Naging close kami sa chat pero sa personal never kami nagpansinan kahit nagkakasalubong nakami sa loob ng campus. Pag sumasayaw sya sa stage talagang yung mata ko sa kaniya lang focus. Nakakaamaze kase siya gumalaw. Tapos after school pagkukwentuhan namin young about sa pagsayaw nya, mga kapalpakan nya sa stage. Hanggang sa tumagal hinanap hanap kona siya. Araw araw titingin ako sa lavas ng room hahanap ng nakabluegreen na hawk na backpack (ngayon nagpalit na siya). Alam na din ng mga kaibigan ko na crush ko siya that time kahit na parang inagawan ko ng crush si classmate wala lang sa knya. Okay lang daw.

Dumating din yung time na magkaiba kami ng way ng uuwian pero sumama ako sa mga classmate ko makasakay ko lang siya sa jeep. Ang priceless ng ngiti ko that time. Inaamin ko ako unang nagchachat. Kinukulit ko siya lagi. Naging nice naman sya sakin. Hanggang recently lang nagchachat kami araw araw. Daily routine na kumbaga. Diko binigyan ng malisya kase alam kong nice lang talaga yung tao. Nagpapansinan na din kami sa personal. Nagkakawayan. Ngitian. Dumating pa na may practice sila then binilhan ko sya ng tubig and inabot ko sa knya sabay nginitian nyako. Promise ko kase na lilibre ko sya. Dahil diko alam gusto nya and sabi nya tubig lang yun binigay ko. Masaya ako sa lahat ng gestures na. Yung ngiti. Kaway. Paglingon nya pag tinatawag ko sya. Akala ko crush lang lang kaya tuwang tuwa ako pag nakikita ko sya. Nakakabobo lang kase nung magstart sya magkwento about sa buhay nya naawa ako na nabilib. Kase wala sa itsura nya na may ganung problema pala syang dala dala. Nagpromise ako sa kaniya ng maraming bagay na ikinatuwa niya. Tanda kopa yung sinabi kona "Crush na crush kita. Pero alam ko di girlfriend ang kailangan mo kundi totoong kaibigan" Inalok kita na maging ate-atehan ako kahit masakit marinig na naaatezone lang ako pero para dika mailang tinatanggap ko. Madalas pa kitang tawaging brader (brother)

Nagperform kayo (Jan. 18, 2018). Tinext mopa ngako at tinanong kung manunuod kase sabi ko baka hindi ako makapanuod dahil sa biglaang pagchange ng schedule namin pero nanuod pa din ako kahit na alam kong malelate kami sa klase, sinama kopa mga kaklase ko na todo support sa kabaliwan ko sayo. Andun kami sa tabi ng stage para sabi nila mas makita kita pag sumayaw ka. Dadaan ka sa likod ko sabi nila di pa naman kita nililingon kase nahihiya ako pero ako pala sadya mo sabay tanong ng "Ate pwede pavideo?" Sabay abot mo ng iPhone mo na dikopa alam pakielaman kase Samsung na keypad lang meron ako. Haha! Inaantay ko kayo magperform kahit antagal then nung kayo na tumayo ako sa ibaba ng stage para makuhanan ko ng maayos but sadly ang panget ng pagkakavideo ko dahil against the light. Pano ba naman ang lapit lapit nyo! Pero sa buong oras ng presentation mo sayo lang ako nakafocus habang vinivideohan ko kayo di din mawala yung smile ko na hanggang tenga pano ba naman sobrang lapit ko sayo tapos ngiting ngiti kapa habang sumasayaw diko alam kung namalikmata lang ako nung pasulyap sulyap ka din sakin habang sumasayaw ka o assuming lang talaga ako. To be honest nanlalamig kamay ko nun dahil kinakabahan ako na kinikilig, naluluha pa nga mata ko kase ganun ako kabahan. Natapos yung sayaw nyo na ineexpect kong titingin ka sakin but Hindi. Hahaha. Pero okay lang kase alam ko lalapit ka din para kunin phone mo. And after a couple of minutes tinawag moko and sabi mo "Ate yung phone?" Sa sobrang taranta ko nasagot ko lang "Ayy eto o." Sabay abot sayo and tumalikod na. Sabi kopa sa sarili ko di kita narinig magthankyou. Natapos lahat then nag 2nd place kayo. Kahit nagkaklase kami sa comlab sumilip ako sa bintana and nakita kita nakaakyat sa stage with your classmates and adviser na todo smile kapa. I'm happy. Really really happy for you. Dun ko narealize na yung paghanap hanap ko sayo. Pagbanggit madalas ng pangalan mo. Pagchachat at kulit sayo. Pagkaconcern sayo. At lahat ng ginagawa ko na may kinalaman sayo Hindi na pala simpling pagkacrush lang. Mahal na pala. Lumalim na pala yung dating pagkagusto lang. Inasar pa ngako ng mga kaklase ko na ang saya saya ko daw baka daw mamaya umiyak ako. Kase naniniwala kami na pag masaya ka ngayon magiging malungkot ka mamaya and vice versa. And di sila nagkamali. Kase ang lungkot ngayon. Habang maaga pa gusto ko ng tapusin yung nararamdaman ko kase alam ko umpisa palang talo nako at wala akong mapapala. Kase ATE lang naman turing mo sakin. Iniyak ko talaga to ngayon. Inunfriend kita and humiling ako ng favor na iwasan moko at sabi mo di okay sayo yung ganun pero pinilit kita para sa sarili ko. To save myself from pain. Ayoko kase umasa dahil alam kong wala naman akong aasahan. Ayoko din dumating dun sa point na tulad ng sinabi ng mga kaklase ko na baka may magustuhan kang iba pero andito lang ako bilang ate mo para suportahan ka. Ayoko magpakaMartyr kase diko kaya. Kaya ngayon palang lalayuan na kita.

Jan. 20, 2018 I decided to sleepover sa bahay ng kaklase ko to get drunk para malabas ko lahat ng sakit. Hopefully nakainom ako, nalasing and I called you. Sinagot mo. Una nga ayaw mopa ko kausap kasi sabi mo lasing ako kaya bukas nalang but I insisted. Gusto ko kase masabi kona habang may lakas pa ko ng loob dahil sa espirito ng alak. Iyak ako ng iyak alam mo yan. Sinabi ko pa na "Mahal kita Mike." Niloloko mopa ko na irerecord mo yung mga sinasabi ko at ipaparinig mo sakin. Akala mo sa buong oras na magkausap tayo nagbibiro lang ako dahil lasing ako pero seryoso ako. Mahal kita. Tinatanong mo bat ikaw pa pero diko masagot kase kahit ako diko alam bat minahal kita kahit wala ka namang ginagawa. Sinabi ko pa na Be with me kahit hanggang maggraduate lang ako kase diko kaya na magMove on sayo hanggat nakikita pa kita. Pero ayaw mo I feel rejected AGAIN. Kase ilang beses mo ng sinabi na ATE LANG. I cry hard. Rinig mo yan. Ang sakit sakit kase. You blocked me kase sabi ng mga kaklase ko sayo na iblock moko nung time na umiinom ako pinakealaman nila Facebook ko para dina kita makulit at machat para matigil na yung feelings ko sayo. Pero it's not that easy. Alam ko sa sarili ko na hindi ganun kadaling kalimutan ka. Mahal kita e. Sobra. Minahal na kita and I don't know how to stop it. Pero tatry ko. Tatry kong kalimutan yung feelings ko para sa sarili kona din kase alam kong kahit kailan hindi mo kayang suklian. Mas masakit pa na yung pamangkin kopa mismo yung taong gusto mo. Ang sakit sakit. Nababaliw ako sa taong pilit din tinatago yung feelings nya sa kaibigan niya. Please wag naman siya. Sobrang masasaktan kasi ako pag nagkataon okaya antayin niyo lang ako maggradute hayaan nyo muna akong matapos para iwas sakit.

Thankyou sa lahat ng memories na puro sa chat, text, kawayan at nginitian lang umikot. But now I finally I realize na mahal kita e tatapusin kona. Sorry kung nang iwan ako sa ere. Pag nakalimutan ko to babalik ako para tuparin lahat ng gala na ipinangako ko.

To Him: Hi MY! Pag nabasa mo to edi nabasa mo. Hahaha. Sorry sa lahat. Mag iingat ka always okay? Kumain ka on time. Hilig mopa naman magpagutom and lastly, yung nickname mo sa messenger ko na INMITLYIS. Meaning nun is It's Not My Intention To Love You I'm Sorry. January 14, 2018. The day I realize that I was fallen for you. I fall hard and diko alam pano kalimutan kase nakikita pa kita. Iloveyou brader! Sorry.

AteEy
SHS

Open Letter For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon