Chapter 2

18 0 0
                                    

PAGKABABA ni Eu ng tawag, bumaba na si Martin para makapag-almusal. Na sana hindi na lang nito ginawa dahil naabutan pa nitong nag-aalmusal ang asawa ng kaniyang ama kasama ang ina nito, pati ang kapatid niyang babae.

He kissed his five years old sister before sitting beside her. Kumuha si Martin ng pandesal at nilagyan naman iyon ng peanut butter. Agad naman siyang binigyan ni Manang Selda ng kapeng barako. He reached for the old lady's arm and smile at her to say thank you.

"Martin," narinig nitong tawag ng ina ng kaniyang Mamey. "Hindi ba't first day mo ngayon sa school?"

Mabilis na sinulyapan ni Martin ang matanda na seryosong nakatingin sa kaniya. "Opo."

"And you didn't go to school?"

"Wala pa naman pong gagawin. Orientation lang—"

"Kahit pa," putol sa kaniya ng matanda. "If you start your school year being absent, you'll do this often, for the rest of the school year. Do you really have a dream for yourself?"

"Mayroon po," hindi na napigilang sumagot ni Martin na may bakas ng inis sa kaniyang tono. But he still tried to show some respect towards the woman. Respeto sa edad nito.

"Really?" there's that sarcastic tone of hers again. "And what is that again? To be a well-known soccer player?"

"Mommy," saway ng anak nito sa kaniya.

Pero as usual, hindi pa din ito patitinag.

"Nakakaawa ang ama mo sa'yo. Nagkaroon pa ng anak na kagaya mo. Na wala man lang maitutulong sa pagpapalago nitong hacienda. Sa mga negosyo na mayroon kayo. Mas pipiliin mo pa ang pagsipa-sipa ng bola na wala namang kakuwenta-kuwenta. Magbago-bago ka, Martin. Hindi na sa patanda ang Daddy mo, baka akala mo."

Hindi na sumagot si Martin. Nagkunwari na lang siyang walang narinig.

"Mommy," saway ulit ng kaniyang Mamey sa ina. "Hayaan na po natin si Martin sa mga gusto niyang gawin sa buhay. He knows what's best for him."

Nag-comment pa ulit ang matanda na pinili na lang ni Martin na baliwalain dahil masisira lang ang kaniyang araw.

Pinagsisisihan talaga niyang bumaba siya nang maaga para mag-almusal.

-----

Pumasok si Laura sa loob ng room. Homeroom ang unang klase niya. Though isang oras lang naman ang klase na ito, kumpara sa ibang subject na nasa one in a half hour. Pero parang gusto na lang niya matapos kaagad ang klaseng iyon. Dahil sa tingin ng isang grupo ng babae sa kaniya, na hindi nagustuhan ni Laura. Judgement is written all over their faces, o baka akala lang iyon ni Laura. Napaparanoid lang siya.

No one knows, Laura. No one here knows.

Dinedeadma niya ang mga tingin ng mga ito. Umupo siya sa may bandang unahan. Katabi ang isang babae na naka-polo shirt ng green at abala sa pagbabasa ng libro na hindi makita kung anong title.

"Excuse me, may naka-upo ba dito?"

Agad namang napatingin sa kaniya ang babae at umiling. Tapos saka bumalik sa pagbabasa.

Umupo siya sa tabi nito at nag-intay na lang na magsimula ang kanilang klase.

Pagka-upo ni Laura ay siya namang pagdating ng tatlo na dumaan sa back door.

"Basta ang pusta ko hindi na naman papasok si Jeff ngayon," sabi ni Harold habang nangunguna sa paglalakad papunta sa gusto nilang puwesto sa kada klase, last row.

"Malay mo naman nagbago na si Jeff," sabi naman ni Coleen na kasunod lang ni Harold. Kasabay niya ang kapatid dahil nakalingkis pa din ang kamay ni Coleen sa braso nito.

Ito Ang Simula Ng LahatWhere stories live. Discover now