Chor-chor's POV
Ugh! This so embarrassing and so weird. Natapos na kami umattend sa aming graduation and there were tears. I almost teared up but I didn't. Pero walang tatalo sa scene ngayon.
"So, gusto mo ang aking magandang dalaga?" tanong ni Father. Ngumiti itong ungas na parang akala mo ngayon lang siya natanong ng ganyan. Seriously!
Where are we? Nasa Mcdo. Juice Ko naman!
Akala ko pa naman kami lang dalawa. Eh nung nagpaalam ako kayla parents ko, payag na. Sumulpot si Lactum bigla. 'Di ko na nga sinabi na maghahang out ako with a guy. I was hiding that fact.
And so, here we are now, with my parents, and his family. . .
Great! Just Great!
"Ah. . . I've liked her ever since, I met her." Tumango-tango naman si Father.
"May ipapakain ka na ba sa anak ko? How about a house, saan yun?" Nataranta 'di lang ako kung 'di sila Father at itong si ungas. "Mother, idedate pa lang niya, 'di pa naman pakakasalan."
Napabuntung-hininga ako sa sinabi ni Father. Buti na lang talaga.
"Hay naku ah! Hindi ako papayag na magka-boyfriend si Anchor kung lokohan lang pala, kung ganun lang rin naman, huwag na siya mag-boyfriend." Napanganga sila Father at Lactum.
Ako naman napapangiwi at kumukurap-kurap pa. I so hate Mother, for getting ahead of this moment too fast. Kaya tumayo na ako para lumapit sa kanila. I kept my distance from them.
We didn't even order food yet. Food?
"Order na kami ni Lactum," Hinila ko na si ungas sa pagkakaupo niya, diretso sa cashier na nakaabang.
"Burger, Fries, and Coke Float yung akin." After I told the cashier my order. Tumingin ako kay Lactum. Tinapik ko pa ang isang braso niya, tulala eh.
Sinabi niya yung kanya at tumabi na kami for the next customer to make his order sa cashier.
Pagbalik namin with our meal. Syempre nagkanya-kanya kaming bayad. Slightly tulala pa rin kasi itong si Lactum.
"Bakit kayo lang nag-order, nasaan yung sa amin?" reklamo ni Mother. I just smiled and,
"Dalawa lang kami kayo na lang mag-order." And with that, nag-rolyo ng eyes si Mother. Ako pa talaga kasi eh. Alam naman niyang mana lang ako sa kanya. Kung mataray siya, mataray rin ako pero I use my brains no!
"Saan mo ba pinaglihi yang maldita mong anak?" tapik bigla ni Mother kay Father.
"Kanino pa ba yan magmamana, ako ba nagluwal dyan?" Tumayo na si Father para umorder ng kanyang food. Hahahahaha! Supalpal si Mother. Akala niya ah! I have the maldita side of her and the witty side of Father. Oh diba, wagi ang genes ko!
Sumunod rin naman si Mother kay Father sa may cashier. Yung family nitong si Lactum, nasa tabi lang. Buti 'di sila tulad ng aking parents. Sasakit lalo ang ulo ko.
"Upo na tayo." Pumunta na sa upuan niya si Lactum. Oo nga pala, nakatayo pa pala kami. Phew!
Kinuha ko na sa tray niya yung mga kakainin ko. Let's go eat na!
"Bago tayo kumain, I have something to ask of you. . ." Kakagat na sana ako sa burger ko eh!
Binaba ko na yung burger and I focused on him. "Asawa ba for you ang hanap ng parents mo?"
Oh, thank goodness I'm not eating or drinking anything yet. Mabibilaukan ako kung oo.
I thought for a moment. "Tsk! They're just weird and Mother, you should know by now, she's like that 'cause she wants me out of the house already." Sabi ko na tumutungo-tungo.

YOU ARE READING
Twelve Years. . .
Short StoryThis is a story about how Lactum found love for Anchor. They were the least couple, that you would think, na bagay pala. Tara samahan natin sila sa kwento nila. Were they meant to be in each others' lives or was it just how the girl and boy find a...