Tum-tum's POV
Nauna na ako sa classroom namin. Maaga pa naman at 'di pa nila sinasara yung gate nitong high school building. Naupo ako sa aking silya, hindi na ako nag-abala na buksan ang ilaw.
Yeah. . . I am upset. The girl I like, just rejected me. Akala ko gusto niya ako. Lagi kaya akong nagpapansin sa kanya! Tapos mukhang 'di pala niya ako gusto rin.
Maybe in another life, or in a parallel universe, tanggap niya na, 'kami.' Well. . . too bad in this lifetime of mine, ayaw niya sa akin.
Ginawa ko naman lahat. Siguro kakapikon talaga akong tao. Sino ba namang tao ang hindi mapipikon sa akin. Kahit na gwapo, cool ako sa paningin nila dito sa akin sa school, alam ko na ayaw rin nila sa akin. And I don't bother with that, isa lang naman gusto ko. Ang gustuhin ako at tanggapin kung sino talaga ako.
Ako ay isang bading. . . nababading na para kay Miss Anchor!! Kabanas!
Chor-chor's POV
Nag-ring na yung bell! Sa wakas! Flag ceremony nga pala ngayong araw. So, I put down my bags at pumila na sa linya kasama ang mga kaklase ko.
Ilang sandali pa, napansin ko siya na pa-pila na rin sa linya ng ka-section niya. We were in the same year pero magkaiba kami ng sections.
Noong feeling ko nahalata niya yung titig ko sa kanya. Tumingin ako sa flag pole ng school.
May mga CAT officers na nagkakabit ng flag. Sigh. . .
Pagkatapos ng flag ceremony, balik nanaman sa selda, este classroom para magsimula ulit mag-klase.
Kinuha ko na yung mga bag ko sa bleachers and sighed again. I really don't like school!
Lumipas ang umaga at gabi. Ang mga linggo at buwan. Sa wakas! Ga-graduate na ako!
Marami man akong pagkakamaling ginawa at mga tamang desisyon bilang high-schooler, marami rin naman akong natutunan. 'Di man lahat, at least may nag-stay na gusto kong info sa aking utak.
Naririto ako ngayon sa aming seniors' classroom. Excited na nalulungkot ako ngayon.
"Sayang 'di kita napa-oo, this whole three years of my high school life here no?"
Nakakakilabot talaga siya, kinaya-kaya masikmura ang sarili niyang boses.
"Pati ba naman boses ko ayaw mo?" Nag-sad face siya. At ako? Pokerface.
Nagtataka na ba kayo kung bakit nababasa niya ang nasa isip ko?
Simple lang, there is something called, 'Telepathy.'
May telepathy lahat ng tao, pero wala masyadong nagamit kasi nasanay ang karamihan na mag-usap na lang talaga. Or pwede rin kapagka kinakausap ka ng isang tao na ayaw mo naman sana na, kausapin ka niya, you daydream or think something else. Para iwas na rin na humaba ang daldal niya. Ayan sinapak ka at nagising ka sa day dream mo no? Kasalanan mo! Hahahahaha!
Lactum is really an intelligent person. He not only reads your mind, it makes it easier for him to read someone just by looking at how their facial expressions changes.
That is why I like him. So bad. Pero ayaw ko nga. I'm still a student. And I'm just leaving high school. Isa pang school. College!
"Pwede naman na maging tayo kahit nasa iba tayong papasukan na college eh." Ayan nanaman siya!!! Na-crecreep out na talaga ako sa kanya.
Nag-poker face na lang ako ulit at ginamit ko ang telepathy ko sa kanya. And I failed. Alam niya as usual. So plan B!
Tumayo ako from my desk at inayos ang aking toga gown and hat. Pinuntahan ko siya.
"Let's see. . ." Pinadaplis ko ng half an inch ang tatlong daliri ko, malapit sa isang pisngi niya.
Napansin ko na kinalibutan siya! Wala pa yun touch ah! Pero gawin ko na rin for sure.
Hinawakan ko with both hands ang kanyang mga pisngi. "Ayoko. Pa. Rin."
And with that, lumabas na ako ng room at feel ko lumanghap ng fresh air.
Akala niya ah!
Tum-tum's POV
Naiwan ako sa classroom at muntik na ako mabuwal kung 'di lang ako napakapit sa isang desk chair na malapit sa akin. 'That's her!' Sigaw ng aking isip.
"It is her! The one who never came out within the our high school years."
I triumphantly stood straight back and I smirked. Humanda ka ngayon, 'Her!'
Noong nasa first floor na ako ng h.s. building, napansin ko na nagpipilahan na pala ang mga gagraduate ngayong araw. May tumawag na rin sa akin, ilang sandali habang nagmumuni-muni pa ako.
Kaya without further annoyances in my head. Pumila na ako.
Hinanap ng aking mga mata si Anchor. Hehe! Spotted!
"Chor-chor!!!" I hissed at her. Maraming nagsasalita kaya 'di ko aasahan na maririnig niya ang tawag ko. Eh tumingin, huli ka!
Kumunot ang noo niya sa akin at tinignan ako. "Date tayo mamaya?"
Mas lalong kumunot ang noo niya. Sige na nga, since 'di pa nagalaw yung pila, umalis ako sa posisyon ko sa pila namin. May nakapansin na gumalaw ako at pinigilan pa ako. "Chill, hindi pa nag-iistart." Sabay punta sa kanya.
Okay! Face to face na kami, "Uhmmm. . . kamo, Date, later?" Bakit ngayon pa ako sinumpong ng aking kaba?!
Nawala na yung kusot ng noo niya at nag-rolyo nanaman siya ng eyes. Nag-cross arms siya at tumingin sa harapan. "Bumalik ka na sa pila niyo!" Halos pasigaw niyang sabi kung 'di lang talaga siya nagpipigil ng inis.
"So, Date mamaya after this?" 'Di ako nakinig sa kanya, sabi nga, try and try until she says yes.
Nagsisimula na maglakad yung mga grade-schoolers. Kaya tinatawag nanaman ulit ako na bumalik sa pila. Pero nanatili ako sa may tapat niya and naghihintay ng kanyang sagot.
She sighed at sabay sabing, "Sa mcdo tayo, now fricking piss off!"
Okay! Pumayag na rin. Muntik na ako mabatukan ng aking mga kaklase dahil ang tagal ko daw bumalik. Sus! Namiss lang nila ang isang poging tulad ko!
Chor-chor's POV
Naka-cross arms pa rin ako pero noong naglalakad na ang nasa harap ko, papunta sa mga upuan namin, nilagay ko na sa aking side ang mga arms ko. Muntik ko pa makalimutan na may mga parents rin palang naririto at manunuod mag-marcha sa stage ang kanilang mga anak.
This is it na talaga no? Wala nang morning wake-up calls, five days a week of school. No more classmates, schoolmates and batch mates na makikita ko araw-araw.
I'm free after this. Nabalitaan ko kasi na magpapahinga muna ako ng isang taon after this!
So, eenjoyin ko talaga ang kalayaan ko kahit isang taon lang. Hello, Anime marathon all day!!!
My dream will come true!!!

YOU ARE READING
Twelve Years. . .
Cerita PendekThis is a story about how Lactum found love for Anchor. They were the least couple, that you would think, na bagay pala. Tara samahan natin sila sa kwento nila. Were they meant to be in each others' lives or was it just how the girl and boy find a...