"Manong! Sa terminal po ako papuntang Maragusan." Sabi ko kay manong pedicab driver. Kagagaling ko pa lamang sa Davao City dahil um-attend ako sa isang Media Summit.
Isa akong Grade 11 student sa isang pampublikong paaralan. Mayroon kasi kaming school paper na ang tawag ay 'New Horizon' at ako ang isa sa mga manunulat doon.
Bilang isang news writer ay kinailangan kong pumunta sa Media Summit bilang representative sa aming paaralan.
Pagkatapos nung Media Summit ay dumiretso ako papuntang Tagum City. Sa Tagum City na rin ako nannaghalian. Naisipan ko na umuwi agad sa probinsya para ipagdiriwang namin ang birthday ng aking nakakatandang babaeng kapatid, Kaya eto ako ngayon, nakasakay na sa isang bus papunta sa probinsya namin... ang Maragusan.
Hindi talaga ako mahilig pumunta sa malalayong lugar sa kadahilanang ayaw ko na sumakay ng bus at van.
Wala naman akong motion sickness kaya hindi pagsusuka ang dahilan kung bakit ayaw ko. Kundi, dahil ayaw kong makatabi ng taong hindi ko kilala.
I don't like to be with strangers.
Madalas kasi kapag may pupuntahan akong malayo, walang sumasabay sa akin. Wala kasi akong kaibigan at may trabaho naman ang nag-iisa kong ate.
Kaya kapag sasakay ako sa bus o van, hindi talaga maiiwasan na may makatabi akong stranger. At ayoko sa mga stranger kaya ayaw ko rin sa mga pampublikong sasakyan. Ayokong makipaghalubilo sa taong hindi ko naman kilala.
Nagulat na lamang ako ng may biglang umupo sa bakanteng upuan sa gilid ko. Hindi man lang siya nagtanong kung may katabi ba ako para mag-signal akong meron kahit wala naman talaga.
Nakaupo ako malapit sa bintana at two-seat itong inuupuan ko. Ayaw ko man ng may katabi ngunit wala na akong pagpipilian. Wala kasing one-seat sa bus na ;to. Three-seat at two-seat lang.
Ayokong may katabi pero mas pipiliin kong isa lang ang aking katabi kaysa sa dalawa.
Napatingin ako sa bus seatmate ko.
Lalake siya. Mataas, maputi, malinis, at saka.. gwapo.
Pero parang kagaya ko, ayaw niya rin ng may katabi. Nakasimangot kasi siya at parang bad trip na bad trip.
Kung ayaw niya sa akin, well.. the feeling is mutual.
Napansin kong biglang nag-ring ang phone niya. Sinuot ko ang headset ko para wala akong marinig pero hindi sinasadyang narinig ko pa rin ang pag-uusap nila.
"Please Babe, listen to me.."
"BABE YOUR FACE! I HATE YOU! BREAK NA TAYO!"
Hindi na nakasagot 'yung lalake dahil pinatayan na siya ng tawag 'nung girlfriend or ex-girlfriend na niya yata?
Napansin ko ang pagbuntong-hininga ng lalake. Tingnan niyo nga naman, wala talagang forever.
Nagsimula ng paandarin ni Manong bus driver ang bus. Tatakbo na sana ang bus pero wrong timing nga naman.
"Teka lang po manong! Natatae po kasi ako!"
Grabe. Nakakahiya..
Nakakahiya talaga 'to. Kailangan talagang sumigaw?
Nakita kong tumawa ang lahat sa bus. Nilingon naman ako nitong katabi ko.
"CR lang ako miss. Pakibantay sa bag ko. Salamat!"
Hindi man lang ba siya nahihiya sakin? Ako 'yung nahihiya para sa kaniya eh.
Dahil ayaw kong makipaghalubilo sa eew stranger na 'to, hindi ko nalang siya pinansin. Bahala siya kung anong isipin niya.
BINABASA MO ANG
Bus Seatmate (ONESHOT)
Short StoryIsang babae at isang lalakeng nagkakilala sa bus. Isang pagtatagpong hindi inaasahan. At isang pangyayaring hindi nila malilimutan. | This is my first published and oneshot story. Sana basahin niyo po. Language: Taglish | PS: This is written by an a...