Ika-2 ng Enero

302 9 2
                                    


Inspired by January 2 2018 Moments

Waaarrrrnneeennnggg: Kamemahan on the board

==============================================


           Hating Umaga ng araw na iyon, Ika'y nagparamdam sakin.

Saktong Alas-tres singko ng hating umaga, Ika'y nagpasyang kausapin mo ulit ako.

Ang iyong mga salita ay aking nilalasap.

Sa saktong kaarawan ko pa, Tiyak ito'y napakasaya para saakin.


Bumati at pinasalamat mo ako.

Pinangiti mo ako gamit ang iyong malambot na puso.

Sa kabilang lahat na mga kasalanan ko, tinanggap mo parin ako ng buo.

Para ba itong punong narra, Tumitibay parin ang pundasyon nating dalawa.


Kinahapunan ng araw na iyon, Nakita kita sa malayuan ngunit nararamdaman kita saaking tabi.

Para kang anghel na bumababa sa langit ng narinig ko ang mga munti mong mga salita.

Tumingin ka saakin at ako ay nakaramdam ng kuryenteng dumadaloy sa aking pagkatao.

Parang ang sarap sa aking  pakiramdam na nakita kitang muli.


Sumapit na ng kagabihan at dumadami na ang ang bituin sa kalangitan.

Hindi ko inaasahan na dumating ka dito, sa puso kong sabik na sabik kang masilayan ulit.

Lumapit ka saakin at ipinaramdam mo na nagbabalik ka para saatin.

Ang araw na iyon ay isa sa mga pinakamakasaysayang araw para saating dalawa.


======================================

Pambawi sa lahat ng mga masasakit na nangyayari sa ating lahat.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Family (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon