Start

23 2 4
                                    

"Mila Endrado. Hindi ka pa Ba nagugutom? Tingnan mo lahat na sila kumakain."

"Hayst. Hayaan mo sila at pwede ba wag mo Ako pakialaman at lamunin mo na lang muna yang Mga pagkain mong hanggang lalamunan mo lang. HAHAHAHA" sabi ko habang naglalaro ng cooking tycoon sa phone ko.

"Bully." sabat ni Carlito.

"Sya naman kaya ang nauna. Nakita nyong naglalaro lang Ako nang tahimik dito. Ako pa papagalitan nyo." nagtatampo kong sambit.

Mga mali na lang ang napapansin nila sa akin. Wala man lang Ba compliment? Required na puro Insult?

"Pwe. Hindi ka cute Andrei. Tsupe. Nasusuka Ako sa itsura mo."biro pa ni Leenard.

"Kakahiya naman. Ang cute kasi nung nagsalita." sarcastic kong sabi habang nakafocus pa rin sa paglalaro ko.

Kailangan Kong mas ayusin pa ang ginagawa ko. Kailangan Kong maperfect ang niluluto ko.

"Huy! Si ate Irish dumaan"

". Lagot kayo. Susumbong ko kayo! " nananakot Kong ani. Sabay pindot ng home ng phone ko. Tatayo na sana Ako nang magsalita na naman ang Isa sa Mga pinakaepal kong kaklase.

"Already grade 9 student yet still Immature? Tsk." sabi ni Jacob habang may pagkadismaya na makikita sa mukha nya.

"Wow. Hiyang hiya Ako ah. At least ako pinapakita ko ang tunay na Ako. Hindi yung iba Jan na Nagfefeeling mature. Like duh. Hanap ka pagong kausapin mo"

"Boom!"

"Hahaha! Ano ka ngayon Jacob? Bwahahahaha"

"Burn!"

Narinig kong sambit ng Mga kaklase ko. Lumabas na Ako ng classroom. nakakairita Lang.

Tumingin Ako sa hallway at hinanap si Ate Irish. Nawala tuloy sa isipan ko si Ate Irish. Paano, yung Mga asungot kong kaklase umepal na naman.

"Ate Irish!" sigaw ko nang makita ko syang papaliko na sana papunta Senior High Building.

"Bunso!" Aniya nang makita ako.

Tumakbo agad Ako papunta sa kanya at niyakap sya.

"Naku bunso. Namiss mo na naman Ako 'no?"

"Opo ate eh. "

"Naku. Ikaw talagang Bata ka. Parang kailan lang tayo nagkita eh." aniya sabay himas sa likod ko.

"Naglaro ka naman. Tingnan mo basa na yung likuran mo. Ikaw talagang Bata ka. Grade 9 ka na. Matuto ka nang mag - ayos bilang ganap na babae. Sige ka, gusto mo ba maging ganyan ka na lang sa buong buhay mo? " Sermon nya sa akin.

Iling lang ang isinagot ko sa kanya.

"Tumalikod ka at lalagyan ko ng tuwalya yang likuran mo."

Kumalas ako sa kayayakap sa kanya at tumalikod.

"Ate, inaaway nila ako doon sa Room. Immature pa daw Ako. " Sumbong ko sa kanya habang nilalagyan niya ng towel ang likuran ko.

"Hayaan mo na sila bunso. Mga walang magawa lang yan sa buhay ang mga kaklase mo. Umiwas ka na lang sa gulo. Okay? Balewalain mo na lang ang Mga pinagsasabi nilang walang kasaysaysaysay. Okay?"

"Okay po" ani ko sabay pihit paharap sa kanya.

"Saan ka ba nagtungo at ganito kabasa ang iyong uniporme? Ha? Naku talagang bata ka."

Wala na nagtagalog na sya ng malalim ibig sabihin seryoso na sya. Huhu. Paktay na ako!

"Eh. Hinabol ko po kasi kayo eh. Kasalanan ko po bang maliit itong legs ko? huhu" katwiran ko with matching Pa aawa effect. Maawa ka ate Irish please!

"At ako pa ang sinisi mong bata ka? " naniningkit ang mata nya. Wala na. Galit na.

"Hehe. Hindi naman po ate. Sige na po punta na ako sa room. Kayo din po punta na kayo baka malate pa kayo" sabi ko habang nakangiti. Pagkatapos kong nagpaalam sa kanya ay umalis na ako upang bumalik sa room namin.

Nagvibrate ang aking telepono kaya tiningnan ko ito. Nagmessage si ate Irish.

New message received.

Sender: Ate Irish

Naku kang bata ka. Ang galing mag alibi talaga. Lagot ka sa akin pag - uwi.

Reply A message.

Receiver: Ate Irish

Kyah! Ate wag ka na magalit sa akin. Hihihi. Maganda ka naman eh.

Sent!

Nang masent na ang message ko ay tiningnan ko muna kung ano oras na at ang sabi ng aking mahiwagang phone ay 12:25 na raw.

Naglakad na ako papunta sa room namin kasi ang init init ng araw. Pritong Isda na ako pagbalik sa room nito.

Minadali ko na lang ang lakad ko para makatakas sa init na sinag ng araw. Nang makarating ako sa room ay umupo na lang ako sa proper sit ko.

"Mila. Si kuya Drino nagpunta dito hinahanap ka." sabi ni Ria.

"Huh? Ano daw sabi?" taka kong tanong.

Minsan lang kasi yun magpunta dito. Mainitin ata ulo nun.

"Sabi nya ililibre ka daw nya ng Ice cream---"

"Kaalis lang ba nya? O Kanina pa?" putol ko sa sasabihin nya.

Ice cream. Alam nya talaga ang kahinaan ko.

"Bago bago lang sya umalis. Hanapin mo baka nasa Hallway pa."

Tumango lang ako sa kanya at tumayo na para hanapin ang walang hiyang blackmailer kong kakilala. Boyfriend sya ni Ate Irish. 2 years na sila and 2 years ko na rin syang kakilala. Nakakairita yung ugali nya. Sobra! Kung hindi lang talaga yan boyfriend ni Ate Irish sinasabi ko talaga matagal ko na yang pinektusan.

Kakapunas lang ng likod ko basa na agad. Walang hiyang nilalang naman oh!

Nang makita ko syang cool na naglalakad na nakaearphones pa sabay head bang na akala nyang nagpapalakas ng appeal nya na sa katunayan ay nakakabwesit to the heighest level ay tinakbo ko at tinulak na kunyare ay hindi ko sinasadya. Madapa ka sana.

"Bunso! Anong ginagawa mo dito? Pumunta ka ng room at baka malate ka pa. Mamaya ako pa isumbong mo sa ate mo kaya ka hindi makakapasok."

Bukod sa nakakairita sya ay napakaOA nya! Yung totoo lahat ba nang nakakainis na ugali ay nakuha nya?

"Oh. Sama ng tingin mo sa akin ah."

Hayst. At kailangan ko na pong umakting.

"Kuya! Libre ko? Saan na? "

"Libre? May sinabi ba ako sayo naililibre kita ngayon? Wala akong naaalala."

Hayst. Pangasar.

"Sabi ng classmate ko ililibre mo ako eh. "

"At naniwala ka agad? Sya ba ang manlilibre at naniwala ka agad?"

Sarcastic.

"Hindi mo naman pala ako ililibre eh. Babalik na ako sa room" Paalam ko sa kanya.

Kumag talaga. Buset!

Akma na akong maglalakad papalayo ng hawakan nya yung wrist ko.

"Hindi ka naman mabiro kang bata ka. Halika na nga at baka maubusan pa tayo ng Ice cream"

Manlilibre din naman pala inasar pa ako.

Naglakad na sya kaya sumabay na ako sa kanya. Mahirap na baka magbago pa ang isip nito.

Switch Series: Mila EndradoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon