------
"Sanay ka na bang umuwi nang mag-isa" tanong niya.
"Yeah" simple kong sagot.
Hindi ako komportable sa posisyon naming dalawa. Ilang pulgada lamang ang layo ng aming mga katawan.
"Tahimik ka ata."
Hindi iyon tanong. Kaya hindi na lamang ako sumagot at nanahimik na lamang. Tanging ang tunog ng makina ng aming sinasakyan at ang mga sasakyan sa labas ang maririnig. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
"Jacob, diba dito na banda ang bahay niyo?" tanong ko nang mapansin na hindi niya pinapara ang tricycle.
"Ihahatid na muna kita." sagot lamang niya.
"Ah.." ani ko at tumango tango.
"Papaano mo palang nalaman na dito ako nakatira? Wala akong naaalala na nabanggit ko sayo ito ah." saad niya na may mga munting ngiti sa kanyang mga labi. Bigla nalang nag-init ang aking mga pisnge dahil sa kanyang turan.
"Ah? Wala 'yon" ani ko habang nasa ibang direksyon aking mga mata. Jeez. Nahihiya ako sa kanya! Baka mapansin niyang may kaunting pagtingin pa akong nadarama para sa kanya.
Kaunting pagtingin nga lang ba, Mila? Tanong ng aking isip. Shit! Ano ba itong nangyayari sa akin? Pilit ko namang pinapawala ang aking pagkagusto sa kaniya 'a? Ngunit bakit parang lumalala pa ito?
"Mila? Mila." tawag atensyon sa akin ni Jacob. Ngayon ko lang napansin na lalo siyang gumagwapo sa malapitan. Jeez.
Ang landi mo Mila!
Sabi ko sa aking isipan."Mila." aniya at napabalik ako sa aking ulirat nang mapansin kong nasa labas na siya ng tricycle na aming sinasakyan.
"Kanina pa kita tinatawag. Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo. Bumaba ka na diyan."
Nataranta naman ako at tumayo na hindi napapansin na nasa loob pa ako ng tricycle kaya nauntog ako.
"Aray!" malakas kong sambit. Dali dali naman akong nilapit ni Jacob at inalalayan.
"Ano bang nangyayari sayo at parang wala ka sa iyong sarili?" tanong niya pagkalabas ko ng sasakyan at nagbayad na sa driver na hindi na maipinta ang mukha dahil mukhang kanina pang naiirita.
"Wala, wala. May naaalala lang kasi ako."
"Okay"
Huminto kami sa tapat ng aming bahay at dahan dahan niyang ibinigay sa akin ang aking mga libro na kanina pa pala niyang hawak. Bigla naman akong nahiya. Siya na ang nagdala sa aking libro, siya pa ang nagbayad sa aming pamasahe.
"Jacob"
"Mila"
Natawa kaming sabay sa aming pagkasabay ng aming pagsasalita.
"Ikaw na ang mauna"
Dahil ayaw ko nang magpabebe ay nagsalita na ako.
"Yung pamasahe kasi. Bukas ko na lang babayaran kung okay lang sayo"
"Don't worry about it. Hindi naman ganoong kamahal ang pamasahe at minsan lang naman itong mangyari 'e. Kaya okay lang. Don't mind it"
"Sure ka? o baka nahihiya ka lang. Okay lang rin sa aking kung magbabayad ako." sabi ko na nakangiti sa kanya.
"Wala nga. Wag mo nang alalahanin 'yon"
Tumango na lamang ako dahil alam kong hindi naman ito magpapatalo. Papasok na sana ako nang maalala na siya rin pala may nais sabihin sa akin. Kaya pumihit ako paharap at tinanong siya.
"Ah. Jacob..." mahina kong ani kaya napaharap siya sa akin.
"Hmmm?"
"Ano pala iyong sasabihin mo?" nahihiya kong sambit. Naggagabi na kasi at baka may mangyaring masama sa kaniya na ako ang dahilan.
"Wala iyon. I just want to ask you if is it okay if we'll go home tomorrow together? My treat" nakayuko niyang sagot. Namula ulit ang aking mga pisnge. Jeez. How did he get the guts he has? Shit. Namumula ako nang sobra!
"Nakakahiya kasi...."
"Don't be shy. It's okay. Really. I'll be happy if that happens, and besides, I'm the one who insists"
Tango na lamang ang aking sinagot sa kaya. Namumula pa rin kasi ako hanggang ngayon.
"Gumagabi na. Baka mapano ka sa daanan niyan. "
"Hahaha. I'll be fine. So.... Tomorrow then?" nakangisi niyang tanong
"Yep"
"Alright. Bye. See you" aniya bago naglakad papuntang paradahan ng mga tricycle.
Huling tingin ang ibinigay niya sa akin at sumakay na. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway.
"Mag-ingat ka" I mouthed at him.
Hala sa kaniyang mukha na hindi niya nagets ang sinabi ko. Kaya kumaway na lamang ulit ako sa kanya at ganoon din siya sa akin bago umandar ang tricycle na kanyang sinasakyan.
Nang hindi ko na maaninag ang tricyle na iyon, ay pumasok na ako sa loob ng aming bahay.
---------
Jam's oh - so - called - note:Huehue. Sensya na at maiksi lamang ang kabanatang ito. :'>