CHAPTER TEN

6 0 0
                                    



RHIANNE'S PoV








"Be ready" malamig kong paalala sa kanila. Tumango naman sila at sabay na lumabas dito sa opisina ko. Sinong mga hangal ang naglakas-loob na pumasok sa pamamahay ko?!








Sumipol ako at bumalik sa buhok ko ang pana ko. Sumandal ako sa aking swivel chair at inikot patalikod sa pintuan. They can handle theirselves, I know








KAYLA'S PoV








Nang marinig namin ang signal ni Boss, agad kaming lumabas sa opisina niya. Tumingin ako kay Barbie








"Dito ako sa bandang kanan. Dun ka na lang sa kaliwa" seryosong sabi ko. Tumango naman siya at agad tinungo ang kaliwang bahagi ng mansyon ni Boss








Naglakad ako pababa at pumunta sa sala. Pagdating ko doon ay puro sira-sirang mga gamit ang naabutan ko








"GROOOAAAARR!!!!" Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko ang isang malaking halimaw na parang daga na parang baboy na ewan. Naiisip ko tuloy si Barbie








"Tignan mo nga naman, mga kasama. May nakatira pa pala sa bahay na ito. Akala ko ang pamilyang Asuncion lang ang nakatira at napatay natin. Mayroon rin palang ibang nilalang" sabi ng isang lalaki kaya napalingon ako sa likod ko. Doon ko naman nakita ang napakadaming taong nakaitim na cloak. Ano 'toh? Mga kulto?








"Sino naman kayong mga panget kayo?" Mataray kong tanong








Nakita ko namang nainis siya sa sinabi ko pati ang mga kasama niya. Totoo naman ah. Ang papanget nila. Para silang napagtripan ng uwak. Naisip ko na naman tuloy si Barbie. Ahaha








"Anong sinabi mo?! Lapastangan! Patayin ang babaeng iyan!" Utos niya kaya sabay sabay na sumugod ang mga kasama niya sa kinaroroonan ko








Mga duwag








Ginamit ko ang Sixth Sense kong Time Stopper kaya agad tumigil ang lahat. As in LAHAT








Naglakad ako sa panget na'to na malapit sa akin at agad na sinaksak ang tiyan. Sinunod sunod ko silang lahat pati na rin 'yung halimaw maliban sa panget na'to na tinawag akong lapastangan. Hayuf 'to ah? Lapastangan daw ako? Sa ganda kong 'toh? Duh!








Pumitik ako at agad nagresume ang oras. Sa isang pikit lang ay bagsak na lahat ng kasamahan niya pati 'yung halimaw. Nagcause tuloy ng konting pagyanig dahil sa laki nung halimaw na panget na 'yun








Tumingin ako sa nag-iisang panget na 'toh at ngumisi ng malaki. Hah! Kala mong panget ka ah








"ANONG GINAWA MO SA MGA KASAMA KO?!" Nanggagalaiting sigaw niya. Psh. Ambaho naman ng hininga ne'to? Uso ba magtoothbrush sa kanila three times a day?








Kunwari nabahuan ako sa hininga niya, dagdag pang-asar lang









"Tanga lang? 'Di ba obvious na pinatay ko sila? Bobo naman" mapang-uyam kong sabi. Harsh na kung harsh. La kang pake







"Magbabayad ka!" Huh? Kelan pa'ko nagkautang sa kanya?








Nakita ko naman ang pagsiklab ng itim na aura sa katawan niya. O-ow. Nagalit na ang panget








Gumawa siya ng itim na bola na may effects pang pakidlat kidlat sa paligid nito. Wow. Galing naman. Vongga








Tinira niya ito sa akin kaya agad itong bumulusok sa kinaroroonan ko. Ginamit ko naman ang Six Sense kong High Speed kaya nakahakbang ako pakaliwa kaya nakailag ako. Gulat naman siya dahil don. Luh? Nakakagulat don? Kalerkey ah








"Aaaaaaaah!!!" Nanggigigil niyang sigaw at pinaulanan ako ng itim na bola. G na G?








Katulad ng nangyari kanina. Nailagan ko itong lahat. Masyadong mabagal. Tsk!








"Ano ba naman 'yan. Ang boring mo namang kalaban. Tapusin na nga lang kita" sabi ko








"Wag kang mayabang!" At nagpalabas siya ng mas malaking itim na bola. 'Yan lang ba ang kaya niya?








Ginamit ko uli ang Six Sense ko na High Speed kaya nakarating ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinigop lahat ng lakas niya. Ano ka ngayon, huh?








Unti unting nawala ang ginawa niyang dark ball at napaluhod. Hirap siyang tumingin sa akin. Pinakyu muna niya ako bago siya malagutan ng oxygen. Luh? Gago to ah? May pahabol pa. Letse

The Powerful Kingdom (On-Going)Where stories live. Discover now