Chapter One

16 0 0
                                    

"Cath!!!! bakla!"

Halos mapabalikwas ako sa higaan ko nang may sumisigaw sa labas. Iniluwa ng pintuan ko si Percy na may kung ano pang nakalagay sa mukha nya.

"ano ba? ang ingay ingay mo. kita nang natutulog yung tao." pupungas pungas ng mata ko pang sabi.

Lumapit sakin si Percy na halatang tarantang taranta. "Bakla!! magpapakamatay ang baklang brit. jusko!"

Ugh. Ang Brit na iyon talaga.

"Alam ko na problema nun. hays. sige na, sige na. susunod na ako." sabi ko saka inayos na yung sarili.

Ganyan lagi ang problema ng mga bakla kong kaibigan. Mga niloko ng lalaki. eh paano, nagpapauto. Hindi na nga sila minahal, pinerahan pa. Walang kadala dala. tsk.

Agad akong nagpunta sa apartment nina Brit at Percy. nakita ko si Brit na umiiyak at may hawak na kutsilyo habang pinipigilan ni Percy.

"Ayoko na!!! waaah! lagi nalang akong niloloko!" ngawa nya.

Nilapitan ko sya at agad na sinampal.

"aray friend, ano pati ba naman ikaw sasaktan mo ko?!" aniya habang hawak hawak ang pisnging sinampal ko.

"Alam kong yan na talaga ang kailangan mo. Gusto mo lima pang sampal para matauhan ka na talaga?" pagbabanta ko sa kanya.

"Grabe ka naman friend. huhu! si Jester kasi niloko ako huhu! sabi nya sakin noon, ako lang ang mahal nya at pinakamaganda sa paningin nya. Pagtapos kong hulugan ang motor nya iiwan nya nalang ako. Tapos nakita ko sila ng malanditang si Sarah na naglalampungan sa karinderya nina aling kakay." tinodo nya pa ang iyak habang nag kekwento.

Napasapo ako sa noo ko at nakapamewang. "Eh, ano bang bago? Hindi na kami nagulat ni Percy jan sa kwento mo. Noon ko pa sinabi sayo na lolokohin ka nyang Jester na yan. Oh ano ka ngayon?"

"Oo nga friend. nakakaloka ka kasi, ikaw ang human version ng tanga. " dagdag pa ni Percy.

Humagulgol pa lalo si Brit dahil sa sinabi namin. "G-Grabe kayo. Nasasaktan na nga ako. Ganyan pa kayo."

Kitang kita sa mata nya ang kalat kalat na eyeliner.

"Tumigil ka na kakaiyak jan. Ang aga aga eh. Saka pwede ba?! wag na wag mo na babalikan ang Jester na yun. utang na loob Brit." Aniko

"Eh paano kapag-"

"Kapag binalikan mo yun. Friendship over na. Bahala ka na sa buhay mo. Ang tigas ng ulo mo, hindi ka nakikinig." agaran kong sabi.

Nagpupunas siya ng luha.

"Makinig ka sa mga mas nakakaganda sayo." ani Percy.

Umupo ako sa tabi nya saka siya niyakap. "Ikaw naman kasi sinasaktan mo sarili mo, paulit ulit ka lang namang niloloko. Maghanap ka kasi ng boylet na matino." sabi ko sa kanya.

"Join naman ako jan mga bakla." yumakap rin sa amin si Percy. "Maghanap ka ng matino. Yung tipong rubber shoes lang hihingin hindi motor."

Nagtawanan kaming lahat. Mula noong mapadpad ako rito sa Makati dito sa Pilipinas sila na ang mga naging kaibigan ko. 5 taon na kaming magkakasama. Isa akong tattoo artist at may maliit akong tattoo shop. Si Percy naman ay isang parlorista habang si Brit ay sa isang fastfood nagtatrabaho. Pare pareho kaming may pinapadalhang pamilya, sila'y dito lang sa Pilipinas nagpapadala at ako naman ay sa Barcedonna. Isang bansa ito malapit sa Pilipinas. Naroong ang pamulya ko, si Itay, Sherwin, David at Karill ang nandoon. Namatay si Inay at ang dalawa ko pang kapatid pitong taon na ang nakakalipas, nahulog sa bangin ang sinasakyan nilang Bus.

Bata palang ako, gusto ko na mag disenyo ng kung ano ano. Nanonood ako ng mga tattoo competition at nainspired ako na iyon ang gusto kong gawin. Tinuruan ako ni Tiyo Jojo sa pag tatattoo noong nasa highschool ako. Hindi na ako nakapag kolehiyo dahil na rin sa hirap ng buhay, pero gayunpaman, pinagtuonan ko ng pansin ang pagtatattoo. Hanggang sa mapunta ako dito sa Pilipinas para mag tayo ng Tattoo Shop. Buti nalang at tinulungan ako ni Tiyo Jojo para sa lahat bago siya nagtungo ng Russland para doon manirahan kasama ang pamilya niya. Dati rin siyang tattoo artist kaso tumigil na siya mula noong magka edad na siya. Hindi ko siya kamag anak ngunit parang ama na rin ang turing ko sa kaniya, magkaibigan sila ni Itay. Pinag aaral ko yung iba kong kapatid habang si Itay naman ay nagsasaka. Hindi pa bayad ang lupa naming iyon at nais kong mabayaran ng buo iyon para kay Itay, alam kong matagal niya nang pangarap iyon.

Matapos ang dramahan naming tatlo. Bumalik na ako sa apartment ko saka naligo at nag ayos para pumasok sa trabaho. I love dark colors, kaya lahat ng damit ko ay kundi itim, dark blue, or gray. Boyish rin kasi ako pumorma. Kung hindi longsleeves and shorts, t shirt saka capri pants lang ang sinusuot ko.

Sinuklay ko lang ang patong balikat at itim kong buhok. I have 5 piercings and tattoo. Sunflower tattoo sa may wrist ko. Yun lang ang nag iisa kong tattoo sa buong katawan. Sunflower is my happpy flower. idk. Kahit hindi ako mahilig sa light colors pero pagdating sa sunflower gustong gusto ko ang buong itsura nito.

Habang nag aayos ako ng sarili ko, napangiti ako nang makita ko yung wallpaper ko sa cellphone. Picture namin ni Kirk noong graduation nung highschool. Kababata ko sa Barcedonna at matagal ko nang gusto. Napakabait nya sa pamilya ko pati na rin sakin. Haaay, wala nang iba pa akong gusto bukod sa kanya. Buti nalang at wala pa siyang nagiging girlfriend dahil sabi ng mga Barcedonna Masters, or yung mga kinakapatid ko sa Barcedonna, busy raw si Kirk sa masteral degree niya. Lumaki akong puro lalaki ang mga kalaro at kaibigan ko. Ang mga kababata ko noong madungis at uhugin, akalain mong ngayo'y binansagan nang Barcedonna Masters dahil bukod sa mga nag gagwapuhan ang mga ito, successful sila sa mga buhay nila. Sayang nga lang at hindi napa sama si Kirk sa BMs, dahil hanggang ngayon ay nag aaral parin siya.

Magkasabay kaming nagpunta ni Percy sa mga kaniya kaniya naming trabaho. Si Brit ay hindi na pumasok at nagpahinga nalang sa apartment nila ni Percy dahil raw broken sya.

"Grabe girl, narinig mo yung balita?" narinig kong sabi noong isang babae na katabi namin sa jeep.

"Ano yun?"

"Yung anak raw ng Ferreal na incharged doon sa gumuhong gusali, tumakas raw. At bali balitang wanted ito ngayon, pinag hahahanap nga ng pulis eh. Ayaw raw humarap sa korte. Wala ring respond ang pamilya."

"Talaga? sayang, gwapo pa naman iyon ano?"

"Oo nga eh. Kinurakot yata niya ang perang pampagawa ng gusali kaya gumuho iyon dahil hindi sapat ang materyales na ginamit. Kawawa naman yung mga namatay at naapektuhan."

Iyon ang pinaka sikat na balita ngayon. Gumuho ang isang gusali na maraming namatay na trabahador at nasaktan. Malaking building ang tinatayo roon, ngunit nagulat ang lahat kung bakit gumuho iyon dahil Ferreal Construction Company ang humawak sa proyektong iyon. Sa dami ng buildings na nagawa ng mga Ferreal, ngayon lang nangyari ito at talagang marami ang bumatikos sa kanila.

Nauna akong bumaba kay Percy dahil malapit ng kaunti ang shop ko kaysa sa parlor na pinapasukan ni Percy. Binuksan ko ang shop at naglinis muna ng kaunti bago naghintay ng mga costumer ko na nagpa appointment sa akin. Nilinis ko rin ang mga tools ko.

-
LadyMaria



Choosing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon