Chapter 2

10 0 0
                                    

Ilang kliyente ko rin ang pumunta ngayon para magpa tattoo. Plano kong mag sara ngayong alas tres ng hapon. Ilalagay ko pa ang iba kong kinita sa bank account ko. At yung iba naman ay para sa sarili ko at sa bahay.

Naabutan kong pababa si Percy ng Jeep. Kumaway sya sakin saka lumapit. Lagi siyang nauunang umuwi sa akin at tumatambay muna dito sa shop.

"San punta natin bakla?" tanong niya pagkalapit sa akin.

"Punta tayong bayan, ilalagay ko muna 'tong pera ko sa account ko saka mag gogrocery rin ako." sabi ko sa kanya matapos tupiin ang tuwalya.

Tinulungan ako ni Percy na ayusin ang mga kagamitan ko.

"Kailan mo nga pala balak bumisita sa Barcedonna?" aniya.

"Siguro, sa bakasyon na. Mag iipon muna ako." tugon ko.

"Bakla, baka naman gusto mo akong ipakilala sa mga kababata mo!" parang bata pa na sabi nya.

Natawa ako sa sinabi nya saka sya pinalo sa braso. "Gaga, di pumapatol sa mga bakla yun."

"Malay mo naman day." aniya na umirap pa.

Natawa ako habang umiiling iling sa sinabi ni Percy. Nang matapos kami sa pag aayos ay nilock na namin ang shop at nag tungo na ng bayan.

"Pero talaga 'teh, baka naman? kahit isa lang sa mga kababata mong Barcedonna Masters oh." Pangungulit nanama ni Percy habang nag gogrocery kami.

Napairap ako habang natatawa. "Alam mo Pers, iba nalang hanapin mo. Babae ganon!"

Hinampas nya ako sa braso. "Aray naman!" pag rereklamo ko.

"Lason kayong mga babae saming mga bakla. Kadiri ka!" aniya.

Natatawa naman ako habang tinitignan siya.

Matapos naming namili ni Percy, lumabas kami ng supermarket ngunit dumidilim ang ulap.

"Badtrip, uulan pa yata."

"Kain muna tayo 'day." pag aaya ni Percy.

Pumunta kami sa malapit na 7/11 at bumili ng big bites saka juice. Nagkwentuhan kami ni Percy ng kung ano ano at syempre ang pamimilit nyang ireto ko sya sa mga kababata ko.

"Alam mo, itulog mo 'yang pagpapantasya mo Percimon Balmino Jr." pagdidiin ko sa buong pangalan nya.

"Huy ang ingay mo! Ba't kelangan banggitin ang buong pangalan ko aber?!" inis na sabi niya.

Tinawanan ko lang sya. Bigla akong may naalala. Hindi pala ako nakabili ng panglinis sa banyo!

"Ay, wait lang bakla. May nakalimutan lang akong bilhin."

"K. Antay kita here." aniya na ngtatampo padin.

"Bantayan mo grocery ko ha."

Tumango lamang sya habang nginangasab yung kinakain nya.

Napa iling ako sa inasta ni Percy saka kinuha ko yung bag ko.

Pumunta ako ng super market at bumili ng kailangan ko. Naglakad na ako palabas papuntang 7/11 medyo malayo ng konte ang 7/11 pero napukaw ang tingin ko nang may makita akong sunflower na bracelet sa isag bagketa.

"Magkano to manong?" tanong ko sa nagtitinda.

"25 lang ma'am." aniya.

"Sige po, kunin ko na 'tong dalawa."

Dalawa ang binili ko dahil iyon nalang ang natitirang dalawang bracelet na iyon. dikit dikit ang mga sunflower na pumalibot sa bracelet. Nilagay ko iyon sa wrist ko saka tinignan. Naks! ang cute.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Choosing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon