CHAPTER 8

61 9 2
                                    

CHAPTER 8

Francis POV

Lunch break na kaya naghanap na kami ng makakainan

"Bro, san tayo kakain?" tanong ni terrence

"Uwi tayo! Dala mo kotse mo diba? Nasa pagawaan pa yung akin eh."

"Ako pa! Tara na sa parking!"

Pagkatapos ay tumakbo na kami papuntang parking ng school.

Dali-dali kaming pumunta dun baka kasi di na kami palabasin ng guard kasi 12:15 na eh. That time di na nagpapalabas ng kotse yung school kasi daw baka daw di na papasok which is.....possible naming gawin 😁

Pagdating namin sa Parking..

"Puchaaaaaaaaaaaaaaaa! Ayaw mag start!"

"Anooooo?!"

"AYAW MAG-START!"

Dali dali naming binuksan yung unahan para icheck yung makina

"Ay Tae. Wala nang karga yung battery. Dedo na!" sabay sipa nya dun sa kotse nya

"Yun lang. Haneps"

"Papano yan? San tayo kakain?"

"Sa canteen muna tayo siguro..Bahala na kung ano mang mangyari"

Nung one time kasing kumain kame dun,halos di ako makaain ng ayos. Paano naman kasi andaming mga nakatingin samen! Oy not to brag ha pero ano kase pogi lang kami pero ano eh HAHAHAHAH HOOOO HANGEEEN!

Pero mukhang no choice kami ngayon kaya pumasok na kame sa canteen. Siksikan sa canteen pero nung dumating kami again not to brag, parang may kung ano na biglang nagbigay sila ng way samin ni terrence. Feeling Moises HAHAHA

Actually, ayoko ng ganun. Gusto ko simple lang. Tapos nakakairita pa yung mga again not to brag sigaw nung mga babae. HAHAHAHA Dinaig pa yung kinakatay na baboy. Kaynes lang

"Bro ako nalang oorder para saten. Hanap ka na ng vacant seat for the two of us."

Nag nod lang ako sa kanya at humanap na ng vacant seat.

"Francis dito ka na oh?" offer nung mga babae dun

"No thanks nalang. I will search nalang ng another vacant seat para di na kayo umalis dyan."

Habang naghahanap ako, nakita ko sina jasmine at si louie.

"Selos?" tanong ni terrence

"Anak ng tinapa! Pinaglihi ka ba sa kabute?! Kung san san ka sumusulpot!"

"Soo selos ka nga?"

"Ano pinagsasabi mo?!"

"Eh bat ka nakatingin sa kanila?"

Sira talaga ang tukok ng lalaking to. Tiningnan lang selos agad?

"Napatingin lang ako sa kanila selos agad? At tsaka ano kaba? Ako magseselos?at ito pa matinde..sa kanya pa talaga ha? Hahaha. Gutom lang yan bro. Tara na nga upo na tayo!"

Nasa tabi kami ng pader, 2 tables lang mula sa amin at table na nina jasmine at louie. Magkaharap kami ni terrence, saktong mula sa kina uupuan ko nakikita ko si jasmine.

Bat sya ganun kumain? Pinapakain ba talaga sya ng tae este ng tama sa oras ng mga magulang nya?Para syang baboy ah?

"Sinong tinitingnan mo dyan?" tanong ni terrence 

"Ah..wala..wala..tara kain na tayo.."

"Ah..si jasmine?"

"Ha? Ano kaba? Hindi no! May iniisip lang ako,nagkataon lang na andun pala si jasmine"

"Ganon? Pagbigye kahit halata na!"

"Kumain ka na nga lang dyan!"

Beef steak yung inorder ni terrence para samin,well alam naman nya na beef steak lang kinakain ko dito.

Habang kumakain kame,di ko maiwasang mapatingin sa kanila..

"Oh eh bat ang konti mong kumain?" tanong ni terrence

"Wala akong gana"

"Nakakahalata na ako sayo ah? Nagseselos ka talaga pare. Aminin mo na please"


"Alam mo ikaw nga tong kanina pang banggit ng banggit ng pangalan ni jasmine, ikaw siguro tong may gusto no? Tsaka pwede ba? Papaano ako makakain ng ayos nya eh kung may nakaharap saking camera?"

Tama kayo ng narinig may camera sa harap at sa gilid ko. Pini-picture-an kami 😑 again not to brag but pogi kasi talaga eh HAHAHAHA


JASMINE POV

After kong kumain, umalis na ako sa canteen, nakakainis kasi si Louie! Sarap hampasin ng paulit-ulit.

Pero thanks parin sa kanya kahit papano binigyan nya ako ng tubig para maalis yung anghang sa lalamunan ko dahil dun sa lentek na sili na yun!

12:30 na nung natapos akong kumain. Grabe ang halang nung sili,almost 7 slice ata yung nakain ko!

Dapat kasi may nakalagay kung sili o sitaw yun! Kainis!

Sumandali lang ako sa cr upang syempre mag cr then magayos ng konti sa sarili at bumalik na ako agad ng classroom.

*SA CLASSROOM*


"Oy kikay! Mahalang ba?HAHAHA!"pangasar saken ni louie

Sya nga pala kikay tawag saken nun kasi yun yung tawag sakin nung bata pa ako

"ARRRRGGGH! LOUIE! KELAN MO BA AKO TITIGILAN! AT PWEDE BA WAG MO KONG TAWAGING KIKAY!"

"HAHAHA! Kaw naman kasi eh! Takaw-takaw mo! Tsaka don't worry forever kitang tatawaging kikay! Bagay naman pati sayo! HAHAHA"

"LAYUAN MO NGA AKO! Sa tuwing kasama kita lagi nalang akong napapahamak eh!"

Pag kasama ko si Louie walang duda. Lagi nalang akong napapahamak! Kung hindi sa pagkain,sa paglalakad!

Like nung 2nd year,nadulas ako dahil sa lintik na balat ng saging sa pathway!

Una yung pwet! Ang sakit pa naman! Tapos di man lang nya ako sinambot, pinagtawanan pa ako ni louie ha? IBA TALAGA PUTEK

"Soo malas ako? Ganun ba?" Nagtaka pa? Utut. 

"Di ako may sabi nyan ha? IKAW!"

"Ayaw mo nun may kasama ka laging gwapo sa tabi mo?"

Kapit mga kaibigan. Ang hangin!

"Di ko to kinekeri"

"HAHAHA! Basta sabihin mo pag gusto mo ng kasama ha? Andito lang ako" *Insert Louie Sweet Smile here*

Umalis na si Louie sa tabi ko - sa wakas.

Tutal wala pa yung science teacher namin, kumain muna ako ng macaroons na binili ko before sa goldilocks na malapit lang sa bahay namin. Favorite ko rin kasi yun.

"Uy macaroons!" sabi ni Francis na tumabi sa akin at kumuha nung macaroons...AGAD! Walang pasabe.

Pambihira.

----------------------------------------

May 12, 2015 (not sure if yan talaga yung date nung pinublish ko to but siguro yung late edit ko nito)

Last Edit : January 2, 2018

~ All rights reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.

Note : Any resemblance of person, place or events are purely coincidental. Patnubay ng mga MAGAGANDANG TULAD KO ang kailangan sa mga mambabasa!BHWUAAAHH!

© 2015 | SiAuthorNgPageNato

Me and My Mr. CoatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon