Chapter 1

5.5K 55 31
                                    

No Strings Attached

Chapter 1

Nadine's P.O.V

*Bagsh*

Napatingin ako sa malakas na impact na nangyari sa may desk ko. Busy kasi ako sa mga pila pilang gawain ko sa monitor ng computer ko.

"Ayan. Mga naiwang paper works ni Atty. Castellano." Mataray na sabi ni Elliah. Ang dakilang kontra bida sa buhay ko, este samin pala ng mga ka officemates ko dito sa department.

Pairap kong ibinalik ang tingin ko sa computer ko. Wala naman kasing patutunguhan ang usapan naming dalawa.

"Tapos?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Tapos, itapon mo sa basurahan. Tinatanong pa ba yan?" Naka-cross armed na sabi ni Elliah. Irration was visible in her indeed irritable face.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "May janitor sa labas, doon mo ipatapon." Inusog ko sa kanya ang mga folder na 'yon. "O baka gusto mo itapon ko sa mukha mo?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Alam kong marami nang mga katrabaho namin ang nakatingin na samin pero wala akong pake alam. And mind you, this is the very first time na sinagot ko siya ng ganyan. Madalas ay nagtitimpi ako sa kanya. Pero ngayon kase ay nakakaasar na ang babaeng ito eh. Sasabay pa siya sa mga inisip at problema ko.

"Huh? What did you just say? How dare you bitch? Sinisigawan mo ba ako?" Naaasar namang sabi niya. Her brows arched like an angry bird.

"Oo sinisigawan kita. Tanga ka rin no? Kahit sino alam ang sigaw ikaw lang ata ang hindi nakakaalam nun. Bitch." Tumayo na ako sa desk ko. Diniinan ko talaga yung bitch. Bakit ba? Ibinalik ko lang naman ang sinabi niya sakin.

"Walang hiya ka! Baka nakakalimutan mo---"

"Na matagal ka na dito at bagong hire lang ako dito? Hindi ko nakakalimutan. At pwede ba? Don't act like you're my boss. Hindi ikaw ang nagpapasweldo sakin. Always remember that." Tumayo ako at hinawi ang sandamakmak na paper works sa table ko. Sinadya ko talagang matamaan siya.

"Hindi pa tayo tapos Nadine!" Naiinis na umalis si Elliah sa harap ko.

Napalingon ako sa mga katrabaho ko. Parang sinasabi nila na: Good job Nadine, may katapat narin yung bruhang si Elliah.

Umupo nalang ako at ipinagpatuloy ang trabaho ko.

Pauwi nako at inilagay ang phone ko sa bag. Sa wakas aynatapos ko narin ang quota ko for this day.

Inayos ko na ang swivel chair ko nang may narinig akong tili at yabag palapit sa akin.

"Girl! Nasagap ng aking radar na naka encounter mo na naman daw si Elliah! Anyare? Sinugod sa ospital?"

Agad akong napapikit. Oh my god! Not this time!

"Bakla wag ngayon please. Pupuntahan ko si mama. Ayoko na ng bad vibes. Bukas ko na ichichika sayo." I said trying to escape him. And it's true though. Pupuntahan ko si mama. I hope she's okay. If only I can convince her.

"Nadine naman eh! Ichika mo na!"

"I promise, sasabihin ko sayo first thing in the morning." Sinikop ko na ang shoulder bag ko at nagbadyang umalis. "But for now, bye! I'm gonna visit my mom."

Napairap naman ang best friend kong bakla na si Francisco well sabi niya it's France daw.

"Fine! Send my regards to Tita Nadia! Ingat Nads! OT ako di kita mahahatid."

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon