Chapter 5

1.6K 29 5
                                    

No String Attached

Chapter 5

Nadine

Napatingin ako sa monitor ng computer ko. Hindi parin ako tapos sa annulment na nire-revised ko. Nakaka-stress talaga kapag ito ang kaso. Medyo nagugutom na nga rin ako. Hindi ko alam kung ilang kape na ba ang naiinom ko ngayong araw. Kaya siguro ako nerbyosa ngayon e. Mga lima na ata.

Tiningnan ko yung pang limang baso ng kape sa table ko. Kinuha ko yun at muling hinigop. Kanina pa ako ganito. Nababaliw na ata ako e.

"Nadine." Tawag sa akin ni Brian. Ka-office mate ko.

"Yes?" Hindi na ako nag-abala pang tapunan siya ng tingin. Masyado akong busy para dun. Nasa custody pa naman ako. Hinawakan ko naman ang baso ng kape ko at humigop roon.

"Sabi ni Mrs. Castfield, yung kaso mo daw hahawakan ng bagong in-charge na abogado ng fi-"

**boowsshh**

Hindi na ituloy ni Brian ang pagsasalita nang mabuga ko ang kape na iniinom ko. "Naku, Brian! Sorry! Sorry talaga hindi ko sinasadya!" Sabi ko habang abalang pinupunasan ang polo niya.

"Ah, okay lang 'to Nadine. Basta nakuha mo na ba yung sinabi ko sa'yo? Si Mr. Mariano yung hahawak ng kaso na niri-revised mo."

"But why!? Wala bang ibang abogado? Nasan si Atty. Lagman? Si Atty. Dimaano? Bakit kailangan pang yung bagong abogado pa?"

"Bakit? May problema ba kay Atty. Mariano? Dun sa bagong abogado?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Ano nga bang problema ko sa kanya. Ano? Malaki lang naman ang problema ko sa kanya! "W-wala n-naman.. Uhm sige Brian. Marami pa akong gagawin. Pasensya na ulit."

Tumango lang si Brian at umalis na sa table ko. Mayamaya naman ay lumapit sa akin si France. "Uy! Bakit nandito si fafa Brian kanina? Nililigawan ka na naman? Sabi ko naman sa kanya wala siyang mapapala sa'yo! Babae ang hanap mo hindi fafa. Dapat ako nalang ang ligawan niya!-ARAY!!?"

Binatukan ko nga. Siraulong 'to! Harap-harapan ba namang sabihan na babae ang hanap ko!? "Walang hiya ka! Umalis ka nga marami pa akong kailangang gawin! Tsupi!"

"Grabey ka naman atey! Masakit yun ah! Pero ano bang sinabi sa 'yo si fafa Brian? Niyaya ka niyang magdate?"

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon