3rd Person's POV
"PARK CHANYEOL!!!!" Sigaw ni Hye Jun mula sa kusina.
Si Hye Jun ay asawa ni Park Chanyeol.
Dalawang taon na silang mag-asawa pero wala pa silang anak.
Nuon pa man ay gusto na talaga ni Chanyeol ang magka-anak pero ang asawa nya ang may ayaw.
Simula pa nung ikasal sila ay under na talaga ni Hye Jun ang asawa.
Palagi nya itong inuutusan at pinagagawa ng mga gawaing bahay at madalas ay pinagbubuhatan nya ito ng kamay.
Ngunit ni minsan ay hindi sya pinatulan ni Chanyeol dahil mahal na mahal nya ang asawa.
"GUMISING KA DYAN PARK CHANYEOL!!! Umalis ako ng maaga para mag-jogging tapos pagdating ko dito wala pang almusal????? Bakit ba naka-hilata ka pa rin dyan???!!!!!" Pagsesermon ni Hye Jun.
Dahil dito ay dali-daling bumangon si Chanyeol sa pagkakahiga nya at tumakbo papunta sa kusina.
"S-sorry, napuyat kasi ako dahil gabi na ko nakauwi galing sa trabaho ko kaya tinanghali ako ng gising." Pagpapaliwanag ng asawa.
"EH ANO NGAYON KUNG PUYAT KA?? GAWAIN MO NAMAN TALAGA NA IPAGLUTO AKO NG ALMUSAL DIBA? PAGOD AKO DAHIL SA PAGJO-JOGGING TAPOS ANONG DADATNAN KO DITO, BAKANTENG LAMESA AT BATUGANG ASAWA NA NAKAHILATA PA SA KAMA!!" Bulyaw nito sa asawa.
"Pinagluluto naman talaga kita diba? Sadyang napuyat lang talaga ko dahil hating-gabi na ako nakauwi galing sa trabaho." Sabi ni Chanyeol.
"BAKIT SINO BANG NAGSABI SAYONG MAGPUYAT KA DYAN SA KATATRABAHO MO DYAN SA RESTAURANT NG KAIBIGAN MO??!!
Oo, si Chanyeol ay nagtatrabaho sa restaurant ng kaibigan nya bilang isang kusinero, at paminsan sya rin ang naghuhugas ng mga plato kaya ginagabi sya ng uwi.
"Eh alam mo namang nagtatrabaho ko para sa ikabubuhay natin diba? Para may maipakain ako sayo."
"AH GANUN? ANO YUN KASALANAN KO PA NA GINAGABI KA DYAN SA KATATRABAHO MO PARA LANG MAPAKAIN MO KO?? KUNG NAGREREKLAMO KA EDI MAGHIWALAY NALANG TAYO!! MARAMING LALAKI DYAN NA KAYA AKONG BUHAYIN NG HINDI NA KAILANGAN PANG MAGPUYAT SA KATATRABAHO!!"
Tinalikuran ni Hye Jun si Chanyeol at palabas na sana ng kusina nang biglang lumuhod si Chanyeol at niyakap ang binti nya.
"Wag mo kong iwan please. Alam mong mahal na mahal kita. Sorry. Di ko sinasadyang masabi yun. Please wag mo kong iwan." Pagmamaka-awa nya.
Tinanggal ni Hye Jun ang kamay ni Chanyeol sa binti nya at hinarap ito.
Nakaluhod pa rin ang lalaki habang umiiyak.
"Pwes magluto ka nang almusal ko."
Pagkasabi nya nuon ay itinulak nya si Chanyeol ng napaka-lakas kaya tumama ang ulo nito sa lamesa.
Hinawakan ni Chanyeol ang sariling mga ulo habang naka-pikit ng mahigpit ang mata. Tinitiis nya ang sakit dahil ayaw nyang iwanan sya ng kanyang asawa.
Habang halos mamilipit sa sakit ang asawa at tinititigan lamang sya ni Hye Jun nang wala man lang ekspresyon ang mukha.
Lumabas ito ng kusina.
Nang nawala na ang sakit ay ipinagluto na ni Chanyeol ang kanyang asawa.
Matapos makakain at makapaghugas ng mga plato ay pumasok na sa trabaho si Chanyeol.
Habang nasa restaurant ay biglang nanakit ang dibdib ni Chanyeol.
Napakapit sya rito sa sobrang sakit at kasabay nito ang pagtulo ng mga luha galing sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Heart Attack(EXO Chanyeol One-Shot)
Fanfiction"Mahal na mahal ko sya kaya titiisin ko kahit na mahirap at masakit pa"-Park Chanyeol