Chapter 28 hurting.. present tense

28 0 0
                                    

[Shanice’s POV]

Dito kame nung kambal sa mall ngayon, wala lang pa-chill chill lang uwian naman eh.. kahit may bumabagabag saken kahapon pa. naguguluhan ako, hindi lang ako, kasi pati ang puso ko..

kanina pa nga naggagaguhan tong dalawa pero ewan ko.. hindi ko feel tumawa.. buti nga't di nila alam na pumunta ko sa club at nagpakalasing, dahil ano? dahil sa isang lalake?? at wala silang tanong tanong kung bat ako absent kahapon.

“Alam mo Gee. minsan ang love parang ibon specifically kalapati.. kailangang pakawalan.. babalik yan kung talagang para sayo.. pero kung hindi..BARILIN MO! TANGINANG IBON YAN! CHOOSY!” sabay tawa nilang dalawa..

 “ako naman, ako naman!” sabi naman ni Alexa..

 “sge, go..” sabi naman ni Gwen..

 “Ang love parang mucus na ineexcrete ng katawan.. especially  sipon. Why do you keep on pulling it back, when it's better to let it go."  Sabay tawa ulet silang dalawa..

 “YUUUUUCCCKK! Kadiri lang the? EEEEEEEEWWW!” pagkokomento naman ni Gwen..

 “Hahaha, Eto, eto, Alam mo ba kung bat Busy ang mga magaganda’t Pogi? Sge mamaya explain ko later, busy kasi ako eh..” sabi naman ni Gwen.. tas tumawa sila..

 “Hahaha, sge mamaya mo na explain.. busy din ako eh.. AHAHAHAHA”  sagot naman ni Alexa, tas tumawa silang dalawa at nag apir pa..

“HOY! Shanice! Kanina pa kame nag babanatan dito? Alam kong hindi ka papatalo.. parinig naman nung baon mo!” sabi ni Gwen..

“oo nga! Mauubos na ung samen eh..” dagdag ni Alexa..

 “wala kong gana..” sagot ko, kasi nung isang araw pa talaga tong gumugulo sa utak ko

Napansin ata nung kambal na malalim iniisip ko, kaya nahawa sila sa katahimikan ko..

 “CR muna tayo Gee” sabi ni Gwen..

 “sge.. Teka Shan.. CR lang kame ah..” sabi naman ni Alexa.. pero ako walang imik.. malalim paren ang iniisip..

Ilang minuto nadin sila sa CR siguro mahaba pila o kaya na-jebs na. Biglang may nakita akong nilalang. pamilyar ang nilalang na to.. kilalang kilala ko sya.. sya ung..

Taong mahal ko..

Pumunta ko sa harap nya, humarang.. gusto ko kasi syang makausap. andame kong gustong marinig galing sakanya, at linawin ang mga dapat linawin.. kung makikipag break sya, edi break. Alam ko masakit.. hindi ko naman ugaling hayaang mawala ang mga bagay na gusto ko.. pero mas hindi ko din naman ugaling habulin ang mga bagay na pilit ng lumalalayo..

“Jeremy..” sabi ko ng walang emosyon..

“Sh-Shanice! Bat ka nandito? Sino kasama mo? Bat ka lumalabas magisa? Bat ganyan mata mo? Namamaga? Anong nangyari say—“ sabi nya na kunyari nag aalala..

"Jeremy.. ano bang gusto mong mangyari? Itutuloy pa ba naten tong relasyon na to? gusto ko lang ng closure” seryoso kong tanong, konti nalang tutulo na ang mga luha ko pero pilit kong pinipigilan..

 “a-anong ibig mong sabihin? B-bat ka ganyan?” naguguluhannyang tanong..

 “b-bat ako ganito?? Hmm.. ikaw? B-bat ka ganyan? Jeremy naman! hindi ka magpaparamdam ng ilang buwan, sabi mo 10 months ka sa states, tas mababalitaan kong may nakakita sayong may kasamang babae. Jeremy naman! Pag gagawa ka ng kalokohan, wag ka namang pahuli.. ginagawa mo kong tanga eh.. tapos hindi ko na maintidihan kinikilos mo, ano ba? Naguguluhan na ko eh, ipaintindi mo naman saken..” hindi ko na napigilan sarili ko at naiyak na ko sa harap nya, ayoko talagang maiyak sa harap ng ibang tao eh.. kasi nag mumukha akong mahina..

 “S-Shanice, S-sorry..” sabi nya tapos niyakap nya ko..

 “wag ka ng umiyak.. ayoko nakikita kang ganyan. I-eexplain ko naman sa’yo pag maayos na lahat eh..” sabi nya.. medyo gumaan loob ko kasi yakap yakap nya ko. tas nag sosorry sya saken.. ang hindi ko paren maintindihan at pilit ko iniintindi ung mga salitang gusto kong marinig sakanya, kung sino ba talaga sya..

 “J-Jeremy.. mahal kita, pero ang sakit sakit na.. naguguluhan na ko..” sabi ko habang umiiyak at nakayakap ng mahigpit sakanya..

 “S-Shanice, don’t worry I’ll fix this mess—“

*Riiiiiinnngggg..

May tumatawag sakanya.. kinuha nya ang phone nya mula sa bulsa.. habang ako nakayap paren sakanya, ayoko syang pakawalan, madamot na kung madamot.. pero gusto ko akin lang sya, at ang saken ay saken..

“ano po??...... ok na po ba sya?........ s-sge po on the way na po ako..” ayan nanaman ung boses nyang nag aalala.. gusto ko saken lang sya mag alala..

 “S-Shanice, I-I have to go..” kinalas nya ung yakap ko.. tapos tumakbo kung saan..

Bat ganun nalang sya mag alala sakanya? Sino ba yun? Di ba ako ung girlfriend nya? Bat parang mas pina-prioritize nya sya.. pano naman ako? Pano kung ako din mangailangan? Mag aalala din kaya sya saken? Ung pag alala nya bang pinapakita ngayon ay parehas pag ako na? o mas matimbang pa?

“Shanice..” tawag saken ni Gwen habang patakbo sila papalapit saken..

 “anong nangyari?” sabi ni Alexa, habang hinihimas nya likod ko..

 “bat ka umiiyak?” sabi naman ni Gwen..

 “ang sakit.. ang sakit sakit..” sagot ko.. yan lang kasi ung tanging adjective na makakapag describe ng nararamadaman ko ngayon..

 “HUH??” sagot nilang dalawa na tila naguguluhan..

 “parang, parang harap harapan syang nagtataksil..” sabi ko..

 “ano?” sabay nilang sagit na tila naguguluhan paren sa pinag sasasabi ko

 “pero ni di ko magawang iwan sya. at patuloy akong nagpapakatanga.”

.,.-.,.-.,.-.,.-.,.

A-ARAY!!!!! ARA-ARAY!!!!! TAGOS TO THE BONESSSSS! SINO BA YANG PUKALALANG NA YAN HA???

ANO RESBAKAN NA NATEN SI SHANICE OH! SINO SAMA SAKEN? XDDD

The DELIQUENT one [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon