Beatrice Sobrique, ang babaeng anak mayaman na taga waldas ng pera ng pamilya. Mabait minsan, makulit naman minsan. Famous sa social media at noon sa school namin. At ngayon nagtratrabaho na ako bilang flight attendant.
Araw ng linggo at day off ako. Pagkagising ko nakaramdam ako agad ng gutom. Eh tinatamad akong magluto.
Kaya nagayos ako ng sarili ko't nagpunta sa Starbucks kasi yun yung pinakamalapit na coffee shop dito eh. Pagkapunta ko sa Starbucks, ay andaming tao! May mangilan-ngilan na lang ang natirang upuan.
Nag-order na ko at saka pumunta duon sa last table. Buti na lang naabutan ko to.
Maya-maya dumating yung order ko. Nasa kalagitnaan ako ng kain ng may maramdaman akong may lumapit sakin. Napatingin ako, lalaki.
Nagtanong sya kung pwede daw bang umupo kasi wala ng vacant table. At dahil mabait naman ako ngumiti ako tas sinabing sure.
Hindi kami nagkikibuan, kumakain lang kami hanggang sa naramdaman kong nakatingin sya sakin. Napatingala ako sakanya, nakangiti sya kaya naman nagtaka ako.
Tinanong ko sya kung bat nya ko tinitignan ng ganun dahil nag c-creepyhan na ako.
Sinabi nyang may bula ng kape yung sa taas ng labi ko kaya agad kong kinuha yung tissue sa lamesa at pinunasan yung labi ko. Kakahiya!
"Ang aga-aga nakamatamis ka na agad." sabi nya sakin nang kumagat ako sa tsokolateng doughnut na in-order ko.
"Bakit ba? Eh namiss ko tong doughnut eh."
"Mahilig ka sa sweets noh?" Hindi ako sumagot at nakita ko syang ngumisi. "Kaya pala ang sweet ng smile mo" napatingin ako sakanya na nakatingin sa kapeng hinahalo nya habang nakangiti.
W-wait, d-did my heart just skip a beat?
Nakita ko yung paglahad nya ng kamay sakin. "By the way, I'm Mccoy Amora, and you can call me Handsome." Nakangiti nyang pagpapakilala.
Napatawa naman ako at iniabot sakanya ang kamay ko. "Loko ka. Beatrice Sobrique."
"Well, nice to meet you Gorgeous." Ewan ko pero sa pagtawag nya sa pangalan ko I felt something.
"Nice to meet you to Macmac!" Naalala ko yung pre-elementary na ka- schoolmate ng kapatid ko.
"Macmac? San naman galing yung nickname na yun?"
Mukhang naganti to sakin ah? Tss. "Naalala ko sayo yung ka schoolmate ng kapatid ko si Macmac. Ang cute kasi nung batang yun, ang puti tas wag ka, ingleshero ang batang yon!"
"Like me? Cute?" Nakangisi nanamang tanong nya. Grabe biglang humangin hah?
"Unlike you na hambog."
Sa sinabi kong yun parehas kami napatawa.
I feel so comfortable with him. Kahit na ba sabihing ngayon pa lang kami nagkita't nakakilala.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Hanggang sa isang oras na pala kaming naguusap.
Hanggang sa may tumawag sakanya sa phone nya. Sinagot nya yung tawag.
Pagkababa nya ng phone nya ay may ini-slide si Mccoy palapit sakin sa table. Tinanggal nya ang kamay nya na natatakpan yung ini-slide nya palapit sakin.
Nakita kong contact card yon.
"Number ko. Baka sakaling ma-miss mo ko." nakangiting sabi nya.
"Wow hah."
"Pagpatuloy mo lang pagkain mo. Aalis na ko eh."
"Hah? Agad?? Ahh, sige. Bye." Ngumiti na lang ako
Tumayo na sya. Wala na kong nagawa kundi ang titigan ang paglisan nya.
Muli akong humigop ng kape.
YOU ARE READING
That Incident (ONE-SHOT)
Short StoryThe heartbreaking love story of Beatrice Sobrique & Mccoy Amora.