Crash

9 3 0
                                    

On the way to airport, grabe sobrang traffic!

After three hours narating ko ang airport.

Nagbihis na ko agad sa staff room. Pagtapos nun ay 30 minutes bago lumipad ang eroplano patungong Hong Kong.

Sumakay na ko sa eroplano at iniready na Yung mga pagkain at niready na yung coffee machine. Nakasalubong ko si Iyo, ang piloto ng eroplanong ito.

"Good morning my loves!" Yan, si Iyo at yan ang palagi nyang bungad sakin. Isa yan sa manliligaw ko. "Na-enjoy mo naman ba ang day off mo kahapon?" Isa pa yan sa palaging tanong nya sakin tuwing monday.

"Yaah, ikaw, na-check mo na ba yung buong eroplano? Baka mamaya deretso landing tayo nyan hah?" Natatawa kong sabi.

"Hoy grabe ka wag ka ngang ganyan. Think positive my loves." Nakangisi nyang sabi.

"Heh. Dun ka na nga sa pwesto mo. May gagawin pa ko." Tumawa lang sya sa sinabi ko tas umalis na sya.

Maya maya lang ay nagsidatingan na ang mga tao.

Eto nanaman. Smile always tas magtatanong kung anong gusto nila. Ay kaloka! Pero eto yung dream ko eh.

Lumipad ang eroplano. Naalala ko tuloy nung first time ako dito, halos naka limang balik ako sa cr dahil sa hilo at takot. Hahaha syempre, di maiiwasang magisip na baka bumagsak yung eroplano diba?

Lumipas ang tatlompung minuto ay nagsimula na akong magikot at magtanong kung anong gusto nila. Gumawa ng kape, juice, at magbigay ng mga pagkain.

Nang lumipas ang ilang oras ay nagsalita ako sa mic. At sinabing two and half hour na lang ay mararating na namin ang Hong Kong.

Hanggang na narating na namin ang Hong Kong.

Duon ay bumaba muna kami nila Iyo, at yung dalawa pa nyang kasamahan na sina Bleu at Giorgo.

Pagkapunta namin sa kwarto tutuluyan namin pansamantala ay hinilot ko ang sentido ko habang nakapikit. Nakaupo ako sa couch.

Ramdam ko naman yung paglapit ni Iyo. May binigay sya saking gamot. Para daw mawala pagkahilo ko. Tas tumayo sya at lumabas.

Tiningnan ko yung gamot. Binuksan ko yon kasabay ng pagbukas ng pinto. Nakita ko si Iyo na may dalang baso ng tubig.

Iniabot nya sakin yun kaya ininom ko na yung gamot saka uminom ng tubig.

I mouthed thank you to him tas nag welcome sya. Sabi ko matutulog na ko kasi maaga pa kami bukas.

Saka si ma'am Jessi na rin ang Nagsabi na dito muna daw kami. May ka-friend daw kasi sya dito. Actually andami nga ni ma'am Jessi na ka-friend dito eh.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakatulog na rin ako.


Kinabukasan ay agad ako nagising at saka nagready na para sa pagalis.

Sumakay na kami nila Iyo para asikasuhin ang dapat asikasuhin.

Marami-rami rin ang pupuntang Pilipinas. 

Paguwi namin duon ay may onting time ako para kumain, higit Tatlong oras din kasi ang flight.

Matapos nun ay marami pa kong inasikaso.











Dumating na naman ang araw ng Sunday, naisip ko ang nakaraang Sunday ko, yung may nakasama akong gwapo sa pagaalmusal.

Teka ano na nga ba ang pangalan nun?

Naisipan ko ulit magalmusal sa Starbucks. Wala lang, baka makita ko ulit sya.

Di nga ako nagkamali dahil nang may tumawag sa pangalan ko ay nakita ko sya na nakaupo at kumakaway sakin.

Kumaway ako pabalik at duon ko na rin naisipang umupo.

Nginitian nya ko at sinabihang nice to meet you again

Sinabi ko naman ding same

"Missed me?"

"Hmmm, miss? At bat naman kita mamimiss?"

"Dahil cute ako at natatandaan mo sakin si Macmac."

"Aww. Hahaha. Hindi kita miss eh." nakangiting sabi ko

"aww nga yon" naka-simangot na sabi nya.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Hanggang sa ako naman ang naunang makauwi.

Nakasmile lang ako dahil higit two hours din kaming nagusap.

Kung dati ang gusto ko lang sa Sunday is yung wala akong trabaho, ngayon, nadagdagan na, kasi,, ugh. Ewan ko, basta parang excited ako kanina na pumunta sa Starbucks,, para makita sya? Si Mccoy? Hay ewan!



Ilang Sundays na rin ang dumating at ganon pa rin ang nakasanayan. Wow, just wow lang kasi pahaba ng pahaba ang oras na pagkikita namin at paguusap. May time na nagpupunta kaming mall, park, Time Zone at magkasama maglunch and dinner.

Hanggang one day nagtapat sya sakin. Nanligaw sya for three months and sinagot ko sya May 24 dahil yun yung birthday ko at dun rin sya nagsabing Can you be my Girlfriend?

Pumayag sya at laking ngiti ang nakita ko sa labi nya.




Hanggang sa magisang taon na kami, tumigil na ko sa pagiging flight attendant kasi sabi nya na baka raw pwedeng dun sa kompanya na lang nila ako pagtrabahuhin para lagi na kami magkasama.

Hindi ako umangal. Pumayag ako at naging assistant nya.

Hindi nya ko ganun pinapahirapan sa trabaho.

And then one thing I knew new about him, cold sya sa surroundings nya. Ewan ko nga kung bakit nung first time kami nagkita ay napaka jolly naman nya.

I ask it to him, he said na hindi na sya ganun nangiti simula nang mamatay ang mommy nya. And then nung sa Starbucks daw, he felt something na dun umupo sa table ko. Love at first sight daw ata ang naramdaman nya.

It's cool to hear na ako ang first love nya at sya naman ang first love ko.

Tumagal pa kami ng ilang years, four years na. Sinabi kong gusto ko ulit maging flight attendant, umangal sya pero kinulit ko sya. Namimiss ko na ang trabaho ko.

Pinayagan naman nya ko na bumalik sa trabaho ko.







Then nung fourth day ko.

Busy ako sa pag-aasikaso sa paggawa ng mga coffee and tea.

Nang may bigla kaming lahat na naramdaman.

The plane is shaking.

Lahat ay nagpa-panic. Lahat nagkakagulo. I don't know what to do. Parang nabura lahat ng safety na kailangang gawin sa oras na tulad nito.

Mccoy Amora. Gusto ko syang makita, gusto ko syang mahalikan ulit, gusto ko syang mayakap kahit sa huling sandaling ito, kung ito man ang kahulihang araw ko mundong ito.

Nabalik ako sa reyalidad. Pinakalma ko sila pero hindi nila magawa dahil na rin sa takot malamang. Marami na ang umiiyak.

Pupunta pa lang ako kila Iyo na syang nagpapaandar ng eroplanong ito nang biglang nagdere-deretso pababa ang eroplano.



















At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

































Mccoy, I love you.

That Incident (ONE-SHOT) Where stories live. Discover now