Nasa kwarto ako ngayon habang nanonood ng tv.
Nung isang araw pa umalis si Beatrice pero hindi pa rin sya nagtext or call.
Nagaalala na ko.
Ni hindi nya maseen o mareplayan yung mga messages ko.
Papatayin ko na dapat yung tv kasi balita pero may narinig ako dahilan para hindi patayin ang tv.
"Isa sa namatay dito ay si Beatrice Sobrique,..."
N-no. No way! Hindi! Hindi pa sya patay!
Nagsimulang tumulo ang luha ko.
The hell! Anong nangyari?!
Pinapalabas ang isang eroplanong nakabagsak sa isang isla.
Ipinakita duon ang maraming taong patay.
"Hindi totoo yan! HINDI TOTOO YAAAANNNNNNNN!!! WAAAAAA!!!! BEATRICE!!! HINDI PA SYA PATAY!! HINDI PAAA!!!"
Parang gripo ang mata ko na ayaw masara sa dami at tuloy tuloy na pagagos ng tubig
Beatrice...
Umalis ako at nagpunta sa lugar na yon.
At nakumpirma kong....
Wala na nga sya... Yung pinakamamahal kong babae
Gustong gusto kong magwala at basagin ang mukha ng kung sino man ang nagpapatakbo ng eroplanong iyon.
Bat sya pa?!! Bat sya namatay?!
Pero gustong gusto ko ring sisihin ang sarili ko. Kung hindi ko lang sana sya pinayagang magbalik sa trabaho nya.
Kung hindi, sana, sinusubuan nya pa rin ako, may kinukulit ako, may nangaaway sakin, may nagungulit sakin, may humahalik sakin, yumayakap, nagpapangiti, bumubuo ng araw ko, ang hinahayaan kong manalo sa away namin, kung bakit ako nabalik sa ugali ko noon...
Biglang.... nawala.
Sya lang ang buhay ko, ang tanging pangarap ko, ang kumumpleto sa buhay ko.
Sya lang. Sya lang at wala ng iba. Pero...bakit...BAKIT GANTO ANG NANGYARI??!
hindi man lang nya nakita ang singsing na binili ko. Hindi ko man lang sakanya naisuot. Hindi man lang kami maiikakasal.
Wala,, na...
YOU ARE READING
That Incident (ONE-SHOT)
ContoThe heartbreaking love story of Beatrice Sobrique & Mccoy Amora.