One Shot

551 17 20
                                    

Genre: Mystery

---

"Sa ayaw mo't sa hindi mo gusto babasahin mo to?" Isinara ko na yung pocketbook na dapat babasahin ko. Ngayon ko na nga lang maisipang magbasa, tapos parang nanakot pa yung title. Nakakaloka.

"Agh! Badtrip!" Sigaw ko ng liparin ang cap ko. Ang lakas naman kasi ng hangin, Taong bundok lang naman po kasi ako. Kapag puting daming ang suot ko, ay mas lalong nagiging presko.

"Yeah?! Oh no,no,no... Yes yes" Napasilip ako doon sa may punong kinauupuan ko. Nakaupo kasi ako sa may taas ng puno.

"No, Sir. .yes yes. I will Sir"

NO tapos YES?! Ang gulo! Sino kaya yung kausap nung lalaki.

"Sige po sir! Bye." Napabuntong hininga siya at ibinaba ang cellphone na hawak niya, lumapit ako sa kanya at binati siya.

"Hello?"

"Ang ganda pala talaga dito, talagang pwedeng tayuan ng resort."Ang sabi niya sa akin habang nakatingin sa may sunset.

"Talaga?! Pero pag mamay-ari ko tong lupang to.. Bibilhin niyo ba sakin? Pamana kasi sakin ng magulang ko nung namatay sila." Tumango tango siya..

"Salamat sayo" Sabi niya habang nakayuko. Hindi pa man din ako pumapapayag, pero bakit siya nagpapasalamat?

Pagkatapos nun  ay umalis na siya.

"Uy kuya! sige bbye!" sigaw ko sa kanya. Lumingon siya sandali at ngumiting nilingon, ako.

Kinaumagahan, pagkabangon ko sa kama ay agad akong tumungo ulit sa may venue ko. Parang nagugutom ako, pero parang hindi. Kaya nagpasya na lang akong lumabas. Sa isang maliit na kubo nga lang pala ako nakatira.

Ang weird pero, nadatnan ko na naman yung lalaki kahapon. Tila pumasok sa isip ko na kilala ko siya, pero hindi ko alam kung paano o saan? May kasama na siya ngayong isang lalaki, at katulad nito ay gwapo rin.

Lumayo yung Kuya kahapon, tapos yung isa umupo sa may tabi ng puno. Ipinikit niya ang mga mata niya. Baka aabangan niya yung sunrise? Sabagay, ang ganda ng view ng sunrise dito. Nakakawala talaga ng Stress.

Nilapitan ko siya pag-upo.

"Hello Kuya? Mga 5:30 sunrise. Abangan natin parehas. " Sabi ko at napamulat siya. Kitang kita ko rin ang pagkagulat niya. Kinusot niya yung mata niya at malakas na kinurot ang pisngi niya. Napausog pa siya ng konti.

"Sino ka? Dito ka ba nakatira?" tanong niya sakin, sabay tingin sa malayo. Tumango naman ako.

"Ha? kasi gagawin ng resort itong lugar nato. Paano ka na?"

"Babayaran niyo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Kung okay na sayo and dalawang daang libong piso? Alam mo marami kaming binayaran dito."

 "Sige. Ibibigay ko sa inyo ang papeles. Ay, teka sandali. Ang lamig." Pagkatapos ay tumayo na ako at umalis sa tabi niya.

Napabuntong hininga ako, namimiss ko na yung boyfriend ko. Ang tagal na niya akong hindi dinadalaw. Oo may boyfriend na ako, at three years na kami.

Humiga na lang ulit ako, kahit hindi naman ako nakakaramdam ng antok.

Nang mga sumunod pa na araw, nakikita ko ulit yung dalawang lalaki. At ng medyo tumagal pa, nagsisidatingan nadin yung gamit for constructions ata. Hindi na nga ako nagpakita sa dalawa, nakakahiya kasi. Business ata pinaguusapan nila. Gusto ko pa naman ng kausap.

Hanggang sa narinig ko silang naguusap.

Broken Reality (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon