CHAPTER 2

330 57 36
                                    

AT THE SCHOOL....

Joanah's POV

Grrr! nakakakinis.

Sa sobrang inis ko, hindi na ako tumitingin sa dinaraanan ko. Subukan lang nila akong banggain baka sa kanila ko pa maibuhos ang ga...

Booooogsh!

Di pa nga ako tapos magsalita, nagyari na ang ayaw kong mangyari. Tsk!. Great, just great.

"Aray...." rinig kong sabi nung babaeng nakabangga ko.

So, babae pala sya. Di tumitingin sa dinadaanan eh. Tumayo na lang ako at pinagpagan ang sarili ko.

"Joanah?"

" Anna... ikaw ba yan? gulat kong tanong.

"Joanah ikaw nga" sabay yakap nya sa akin

Sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, sya ang best friend ko simula elementary palang kami. Nagsimula ang friendship namin noong kinuha kami ng adviser namin bilang representative ng school namin para sa isang competition.Simula noon lagi na kaming nakukuha sa iba't -ibang activities, at dahil doon lagi na kaming nakakpag-bonding hanggang sa maging close na kami.

"Joanah sorry kanina ha, nabangga kita"

"Ah yun, sus, ayos lang yun. Ako naman may kasalanan.Mainit ang ulo ko kanina kaya di na ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi ko

"Bakit mainit ang ulo mo?" naku po, nasabi ko pa, lagi pa naman 'tong tanong ng tanong. Pagtatawanan lang ako nito for sure.

"Kasi sila kuya sinabihan akong.... tomboy" inis na sabi ko.

"Pfftt! hahahaha" sabi na nga ba. Pero yung tawa nya di nakakaasar eh. Sobrang hinhin, di katulad nila kuya na parang wala ng bukas kung tumawa.

"Joanah, sorry ha. Di ko napigilan eh"tumawa na ba sya nun, parang hindi eh.

"Yun na ba pinakamalakas mong tawa?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko, by the way scholar ka rin ba dito?"

"Oo"

Sa mga hinde nakakaalam parehas kami na lagi na nasa Top 10. Siya ang laging 1st honor at naging valedictorian. Ako naman ang laging 2nd at naging salutatorian.

"Uy best, umamin ka nga sa akin. Anong mali sa pananamit ko?" seryoso kong sabi.

"Yung totoo?..... lahat. Pananamit mo. Your hair, parang di ka nagsusuklay. That cap you're wearing, its only for boys. At higit sa lahat yung pagkilos mo".

Wow bilib ako sa kaibigan ko. Napaka-honest, di man lang inisip ang mararamdaman ko. Tsk! sabagay sinabi ko naman na sabihin nya ang totoo.

"Ano ba kasing pangit sa suot at itsura ng mukha ko. Ang ganda nga oh. Astig. Diba. Aiiissshhh kalimutan mo na nga yun, tara na sa room baka ma-late pa tayo" .

"Ay wala tomboy talaga" rinig kong bulong nya

"May sinabi ka" tanong ko kahit narinig ko naman. Baka kasi mali ang dinig ko.

"Ha? wala. Sabi ko tara na sa room" ah yun pala ang sinabi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N- Hey guys. What's up. Hope ypu like my very first story, kahit pangit. Di naman kasi ako kasing galing ng mga expert na author dito. By the way, thank you very much sa mga nagustuhan ang story ko. I love you guys. Comment kau ha. Bigay na rin kayo suggestions para sa story ha.Tnx ulit.

But pls. NO MEAN COMMENTS!!!!!

One Barkada AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon