CHAPTER 6

210 48 38
                                    

Joanah's POV

Hayy. Buti na lang nakatakas ako dun, kung hindi magkakagulo na naman kami ni. Kyla. Sigurado ako may kaaway yung iba ngayon. 100% sure ako. Andito na ako sa library, buti pa dito peaceful. Makapagbasa na nga lang ng libro. Ito maganda 'to. Time machine by. Pupunta na sana ako sa table para umupo at magbasa kaso may nakabangga ako at dahilan para matumba kami pareho. Eh lalaki pa naman sya . At ang nakakainis pa yung posisyon namin, nasa ibabaw ko pa sya! Tsk!

"Aray ko!" Sabi ko.

"Naku, sorry Joanah, di ko sinasadya. Ok ka lang ba?". Tanong no Royette at tinulungan nya na ako tumayo.

"Ok na ako!. Tsaka bakit ka ba kasi tumatakbo? 'Yan tuloy natumba tayo pareho".

"They're chasing me". Hinihingal nyang sabi.

"Sino ba? 'Wag mong sabihin nagda-drugs ka?". Pagbibiro ko. Malay nyo totoo pala.

"Me? Do I look like someone who takes drugs? Maybe your referring to Kyla. Ganung mukha ang parang nagda-drugs" hahahha. Oo nga. Sang-ayon ako sa kanya.

"Hahahahahah. Eh sino bang humahabol sayo?".

"Those girls!" Turo nya dun sa mga babaeng humahabol sa kanya.

"Joke ba yan?? Hahahahaha nakakatawa. Last mo na 'yan ha!". Hahaha nakakatawa talaga.

"I'm not kidding!" Seryoso nyang sabi.

"Eh di hindi! Bakit ka hinahabol. Baka naman may gusto lang silang itanong o kaya may ginawa kang masama".

"Hindi. They're chasing me because they like me but... I'm too handsome for them". Aba nagawa mo pang mamilosopo ha!

"Ay malala ka na! Bahala ka nga dyan!". May sira tuktok nun. Makapagbasa na nga lang.

"Wait! Don't leave me here. Tulungan mo ko makaalis dito. Hinahabol ako ng mga baliw".

"'Wag ka mag-alala, isa ka sa kanila". Tsaka umalis na ako at umupo sa table.

Habang nagbabasa ako hindi ko mapigilan mapatingin kay Royette. Kulang na lang maging libro na rin sya para magkasya dun sa bookshelf. Tsk! Tsk!

"Ayun! There he is! Girls! Royette is here". Narinig kong sigaw nung isang babae.

Nakita kong tumakbo si royette pero naabutan sya nung mga babae. Pinagkaguluham na sya. Hay nakakaawa. Matulungan na nga. Eh paano ko tutulungan yun? Aish bahala na.

Sumingit ako dun sa mga babaeng dumudumog kay Royette. At nung nakita ko na sya. Sumigaw ako.

"Hoy mga haliparot na mga babae".

"Excuse me miss? Are you referring to me?". Girl 1

"Ay hindi. Baka si Royette yung sinasabihan ko. Girls kasi yung sabi ko eh. Tsaka excuse me rin Miss. With "s" yung sinabi ko. Ibig sabihin lang nun Plural Noun ok? Hindi nyo ba napag-aralan yun nung Elementary. Sayang, nag-aaral ka pa naman sa maganda at mamahaling school". Sagot ko

"How dare...". Girl 2

"Hep hep. Wag kang mag-English. Baka ikaw una magkaroon ng nosebleed kapag sinapak ko yang mukha mo. Sayang ang pinang-Belo mo". Nakakasar yun ah.

One Barkada AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon