CHAPTER 4: "NEW FOUND FRIENDS"

11 1 1
                                    

------CONTINUATION------

(A/N: Itong chappy na ito ang continuation nung chapter 2. Kung binasa niyo kasi yung authors note sa baba nun ay sinulat ko dun na isisingit ko sa chapter 3 yung  POVs ni Ryie. Para naman di lang tayo puro kay marthie nakafocused at makilala din natin siya sa story na ito. And para di kayo mabitin ito na po yung continuation. Hopefully magustuhan niyo. Thanks)

-----KINABUKASAN-----

-Maagang nakapag-ayos  ng sarili si marthie sa kadahilanang maaga ulit siya nagising. Kung kahapon ay puro meet and greet lang ang ginawa nila sa class buong araw ay sigurado siya na ngayon na mag-uumpisa ang buhay estudyante niya. Medyo nakapag-advance study na din siya upang di na siya mahirapan sa mga subjects niya. Desididong desidido kasi siya sa pag-aaral niya kaya naman sinisikap niya maging maagap para dito.

-Nakarating siya sa school at exactly 6:30am kaya naman halos kakaunti palang ang pumapasok na mga estudyante sa mga oras na yun. At least mas ok na din ang maaga siya para di siya magahol. At para may oras pa siya mag-gala gala sa campus nila.

-On the other side naman, si Ryie ay kasalukuyang kumakain ng almusal niya. Kasabay naman niyang kumain ang Daddy and mommy niya dahil may early meeting pa ang mga ito. Tahimik lang silang kumakain hanggang sa magsalita ang daddy niya para kamustahin siya.

"Oh hijo, Kamusta naman pala ang naging araw mo kahapon? Ok lang ba ang naging 1st day of class mo sa St. Martin?" (tanong sakin ni daddy  habang siya ay focused pa din siya sa kanyang pagkain .)

"Ok lang naman po dad!"(matipid kong sagot. Nakita ko naman si mommy na nakatingin samin habang kausap ko si dad)

"Mabuti naman kung ganun,hijo! BTW, your Mommy and i will be leaving today co'z we have to meet someone in pampanga to discuss something about business." (Ano pa nga ba magagawa ko eh! lagi naman sila busy sa business nila kaya sanay na din ako na umaalis sila at di ko sila kasama.)

"Oo nga anak! Sorry for not telling you yesterday,medyo busy kasi kami ng Daddy mo lately. For our new business. Kailangan kasi yon matutukan ng mabuti para mas lumago pa ang negosyo natin." ( singit naman ni mommy)

"Your mommy is right anak! Actually, we're planning that before or after your graduation, you will be train to handle some of our family businesses to serve as your training ground. So, you have to study hard and be good in your school anak. Make us proud!!! (dugtong naman ni daddy..yan na naman sila!! Lagi nalang nila akong pinepressure when it comes to business matters! Ang hirap talaga ng nag-iisang anak at tagapagmana, haayyy...Hangga't maari ay kailangan ko maabot ang expectations nila sakin).

"Ok Dad and mom! I understand! i'll maintain my grades and i promise not to fail all of your expectations in me." ( walang gana kong sagot. Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain)

-Right after their brief conversation and early morning breakfast ay nagpaalam na din si Ryie sa kanyang parents upang makapasok na sa kaniyang school. Pagkasakay niya sa kotse ay umalis na din sila agad, gayon din ang parents niya na papunta naman sa pampanga.

RYIE's POV

-Nakatulala lang siya habang nasa biyahe na tila ba'y napakalalim ng kanyang iniisip. Hanggang ngayon kasi ay di pa din maalis sa kanyang isipan ang napag-usapan nila ng kanyang mga magulang. Sa kaniyang pagkatulala ay di niya napansin na nakarating na pala sila sa school na pinapasukan  niya.

"Señorito, nandito na po tayo!!", sabi ni Manong driver.

"Ah sige po! sunduin mo nalang po ako mamaya", tugon ko naman sa kanya habang binubuksan ang pinto ng kotse and right after that nagpaalam na din ako sa kanya para makapasok na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I HATE YOU a 100 times, BUT I LOVE YOU a MILLION times!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon