CHAPTER 2: MEET MR. SUNGIT

16 3 2
                                    

Ang pagpapatuloy:

MARTHIE's POV

-- Dahil sa eksena na yun ay agad napadako ang atensiyon ng mga kaklase namin samin. Di naman matinag ang tingin namin sa isat isa at para din napako ang aming paa sa sahig na kahit sino sa amin ay walang gustong gumalaw. Katahimikan lamang ang tanging bumalot sa loob ng classroom hanggang sa isa sa kaibigan ni ryie ang bumagsak na katahimikan na iyon-

Andrew: oh, ano ng nangyari sa inyong dalawa diyan? matagal na ba kayo magkakilala? (ang sabi niya na may halong pagtataka habang nakacrossed arms at patataas taas pa ng kilay.)

Ryie & Marthie: HINDI NUH!!! ( sabay naming sabi. Ngunit Bigla naman nagsalita yung mokong na yun)

Ryie: Ang ibig kong sabihin ay hindi kami mgkakilala nitong babae na ito. Ang totoo nga niyan ay may atraso pa siya sakin.

(ano bang pinagsasabi ng lalaki na ito! AKO??? may atraso sa kanya?!! mukhang wala naman ako matandaan dahil sa pagkakatanda ko ay siya ang may atraso sakin dahil binunggo niya ako kanina,GRrrrrrr!!!! NKAKAASAR!!!!)

Marthie: Hoy, anong atraso ko sayo ang sinasabi mo sa kanila?! hindi ba't ikaw nga ang bumunggo sakin kanina? HINDI Ba!! (akala siguro ng kumag na ito papatalo ako sa knya, NEVER!!!! Over my dead body!! but, nyways alam ko naman na parehas kami ang may mali kasi di kami tumitingin sa dinadaanan namin. Ako lang talaga ang klase ng tao na di ngpapatalo kasi wala sa bokabularyo ko yun.)

Ryie: Anong ako?? eh ikaw nga diyan ang tatanga tanga na di tumitingin sa dinadaanan eh! bul-

(di na nya natapos ang sasabihin niya kasi dumating na yung teacher namin.Weeh buti nga!!!! :P)"

Andrew: Oh tama na yan baka kung san pa yan mauwi eh! *smirk*

-----Biglang natigil ang kanilang pagbabangayan dahil dumating na ang kanilang teacher kaya naman napagdesisyon nilang bumalik na sa kani kanilang pwesto. Naging maayos naman ang takbo ng 1st day of class nila and as usual puro meet and greet lang muna ang kanilang ginawa buong araw. And dahil dun sa PAGPAPAKILALA thing na yun eh nalaman na din ng ating dalawang bida natin dito ang pangalan ng isat isa. Pinalipas muna nila ang naudlot nilang bangayan para na din hindi ito makasagabal nila. Kung hindi niyo pa kasi nalalaman eh parehas silang may mataas na expectation sa kanilang mga sarili at ayon ay ang maging #1 sa klase. Higit itong kailangan ni Marthie dahil nga sa may mine-maintain siyang grades para sa kanyang scholarship at para na din sa pamilya niya dahil nga may pangarap siya para sa mga ito. Samantalang si Ryie naman ay pinagsisikapan maging #1 hindi dahil sa personal niya itong kailangan kundi dahil ang kanyang mga magulang ay mataas ang expectation sa kanya dahil siya ang nag-iisang anak at tanging tagapagmana ng kanilang ari-arian at susunod na mamamahala ng kanilang HACIENDA.

--balik tayo sa storya---

-Natapos ang kanilang klase na di na sila muli pang nagbangan. Ikinatuwa naman ito ni marthie dahil hindi masisira ang araw niya. Dahil 1:30pm na din ay nalaala niya na kailangan na niyang pumunta sa library dahil may trabaho pa siya doon at panigurado na hinihintay na din siya ng head doon kaya agad siyang nagmadali para di mapagalitan.

-Pagkarating niya ay binati muna niya ang head ng library saka siya dumiretso sa pwesto niya para makapagsimula na ng kanyang mga gawain. Importante kasi sa kanya ang bawat oras at ayaw na ayaw niya na nasasayang ito kaya naman ginawa niya lahat ng pwede niyang magawa sa oras na yun. Ikinatuwa naman iyon ng head nila kaya naman naging mabait ito sa kanya at sinabihan pa siya na kapag may kailangan siya malaman at matutunan ay wag itong mahihiyang pumunta o magtanong sa knya.

-Its already 5:00 in the afternoon and its time for marthie's to go home. Marami na ding nangyari ngayon araw at medyo napagod din siya. Pagkarating niya ay agad niyang nasalubong ang kanyang ina sa bakuran na kinukuha ang mga sampay na damit. Dumiretso siya dito para malaman ng nanay niya na nakauwi na siya.

Marthie: Hi Inay!! ( ngmano at pagkatapos ay humalik siya sa pisngi nito)

Kamusta po kayo? at nasan po si bunso? di ko na siya nagising kanina kasi mahimbing pa ng tulog niya kaya di ko na din siya inistorbo.

Nanay Milagros: Hi anak! ito ayos naman nakapaglinis na ako at naglaba na din ako. Ito nga at sinisilong ko na ang mga nilabhan ko dahil mahamog na din at para makahain na din ako ng hapunan natin. Magbihis ka na at puntahan mo na ang mga kapatid mo. Ayain mo na din para sabay sabay na tayo kumain.( ang sabi ni nanay. Grabe napakasipag talaga niya so alam nyo na kung kanino ako nagmana ng kasipagan hah!)

-Nagbihis na ako agad. Pinuntahan ko na din ang mga kapatid ko para mayaya ko na din para sa hapunan namin. Naabutan ko sila na naglalaro sa kwarto nila ni letlet at ayun mukhang kanina pa sila naglalaro dahil parehas silang hulas dahil sa pawis. Kaya naman pinatigil ko muna sila at para makapunta na kami sa kusina dahil alam ko nakahain na si nanay..

-After nilang kumain ng hapunan ay tumulong din sila upang mag-ayos ng kanilang pinagkainan. Kung napapansin ninyo kung bakit di pa nababanggit dito ang tatay nila sa kadahilanan na umaalis itong maaga para mamasada ng tricycle nilaat kadalasan ay gabing gabi na din ito nakakauwi. Bilang panganay si marthie ay ramdam niyang mahirap ang trabaho ng tatay nila at kahit na hindi ito umaangal ay alam niyang napapagod din ito para lang mabuhay silang pamilya. Madalas nga ay di nila ito nakakasalo sa hapag at hindidin nakakabonding dahil sa tuwing darating ito ay kung hindi sila ay tulog na ay wala naman sila sa bahay.

-Pagkatapos gawin ng magkakapatid ang mga gawaing bahay ay pumunta din sila sa kwarto nila para makapag-ayos na at para na din maaga sila matulog. Ngunit dahil sa makulit ang mga kapatid ni marthie na sila letlet at marco ay nakipagkwentuhan muna sila sa ate nila at para na din makapagkwentuhan yung tungkol sa mga kaganapan at 1st day ng school nilang dalawa.

-At dahil ito na rin ang maituturing na bonding nila ay di maiiwasan na sila ay magharutan, magkulitan at walang humpay na tawanan lalo na nung nakwento na ni marthie yung tungkol sa nakabunggo niyang lalaki sa school niya at yung naging munting away nila nung muli silang magtagpo nito.Nabigla din ang mga kapatid niya nung mabanggit niya din sa mga ito na mgkaklase pa sila ng lalaking yon. Pinaghalong excitement at pagkakaba ang naramdaman ng mga kapatid niya pati na din siya dahil pwede na naman magkrus ang landas nilang dalawa lalo na at parehas sila ng school na pinapasukan at sa kasawiang palad ay magkaklase pa sila.

- Bigla naman naalala ni marthie ang huling pag-uusap nila nung lalaki na yun. Sabi kasi nito na "HINDI PA TAYO TAPOS" (dahil nga sa dumating ang guro nila) at yun ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ng mga oras ito. Napabuga nalang siya ng hangin sa kawalan upang kahit papaano ay maibsanang stress na nararamdaman nya.

-Mahaba din ang naging araw niya ngayon at talagang aaminin niya sa sarili niya na kahit papaano ay napagod din siya. Kaya naman,upang makapagpahinga na siya gayon din ang kanyang mga kapatid ay sinabihan na niya ang mga ito na bumalik na sa kanilang kwarto. At sa pagod ay nakatulog na din sila agad. Mahaba haba at panibagong araw naman ang kanilang kakaharapin kinabukasan kaya naman kailangan na nilang mag-ipon ng lakas lalo na si marthie. ^_______^

--------itutuloy----------

AUTHORS note:

Hi! readers! ok lang ba ang pang-2nd chapter ko? what can you say about it? Is it good or bad? BTW, sa next chapter ay puputulin ko muna ang 3rd meet up nila co'z its time for us naman to meet our lover boy RYIE. More on RYIE POV 's on the next chapter kaya medyo chill muna tayo. Dont worry i'll make sure that you'll enjoy this ride (hahaha parang nasa car lang) story nila. "Expect the Unexpected" but don't expect too much from me kasi i'm not pro in writing ,nagsisimula palang ako. Dont forget to vote and leave a comment. Share it with your friends also para namandumami ang readers ko, wahahaha. Thanks guys!!

I HATE YOU a 100 times, BUT I LOVE YOU a MILLION times!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon