Happily Ever After Sana

51 0 0
                                    

"Hi."

Yan ang unang text na natanggap ko mula sakanya. At dahil nga hindi ako palatext, hinayaan ko na lang muna.

College na ako ngayon. Fine Arts yung kinuha ko. Hindi ko alam kung bakit yun nga ang napili kong kurso, basta nagising na lamang ako isang araw na yun ang kukunin ko. Yung kumbaga sa lotto, e lucky pick.

Noong unang pasok ko bilang isang kolehiyala, nahirapan akong makipagkaibigan. Hindi sa anti-social akong tao, pero kasi sa nagdaang mga panahon iisa't-iisa lamang ang mga taong nakapalibot sakin, yun ay dahil nga nasa section 1 ako palagi. Perks of being in a cream section nga kumbaga.

Sabi ng mga kaklase ko noong nasa high school ako, ako raw yung tipong malalapitan kaagad, hindi ko alam pero...totoo ba yon? Kasi sa naranasan ko noong unang araw ng taon ko bilang isang fine arts student e...wala akong naging kaibigan ni isa.

Late akong pumasok sa school, gawa nga ng malakas na ulan. Nakakahiya man pero taas noo akong pumasok sa aming silid-aralan upang kausapin ang aming Propesor, mahigit sampung minuto na kasi akong naghihintay sa labas ng aming silid.

Sa sampung minuto na yon hinihiling kong sana naman e umalis ng classroom yung prof namin, pero hindi nangyari. Kaya eto pangangaral ang inabutan ko.

Sobrang hirap akong makipagsocialize sa mga taong nakapaligid sakin. Naiinggit nga ako kasi may mga kausap na sila, samantalang ako e kulang na lamang e magmukmok sa tabi, paglaruan ang aking mga daliri at tumingin sa kawalan.

GANOON KAMISERABLE ANG BUHAY KO NOON.

Hanggang sa dumating siya.

--

Naging espesyal siya sa puso ko. Oo special friend ba.

Yung unang text niya sakin na sinagot ko din ng mga ilang araw ang lumipas, doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Nakilala ko siya ng personal, pero ikinaila niyang siya yung nagtext. Pero dahil mautak ako, tinawagan ko ang numerong iyon at saktong nagring naman ang kanyang telepono. Doon ko siya nahuli. Doon ko siya naging kaibigan.

Pagkatapos ng pangyayari na iyon, medyo kinakausap ko na siya at medyo nagtuloy-tuloy-tuloy-tuloy-tuloy-tuloy-tuloy-tuloy ang pagpapalitan namin ng text.

Sobrang malapit kami sa isa't-isa, tipong magkatext na kami mula umaga hanggang sa pagpupuyat sa pagsasagot ng aming mga takdang aralin.

At dahil doon, nagkakaroon na rin kami ng sariling mundo.

Minsan nga hinihintay niya akong matapos sa aming plate para magsabay kaming umuwi. Di man iisa ang daan namin, sinisiguro niya pa ring maihahatid niya ako sa aking sakayan. Medyo nakakahiya man, pero ano nga bang gagawin ko e masaya rin naman ako, hinahayaan ko na lang.

Dahil nga isa akong babae at isa siyang lalaki, nagkaroon din kami ng iba pang kaibigan bukod sa isa't-isa. Natuto siyang mag-DOTA, ngunit gayon paman sa oras ng paguwi namin, sabay pa rin kami.

Minsan pa nga kapag yung grupo ko e napagdisisyunang magliwaliw, pipilitin niya ang mga kasama niyang sumama sa amin.

GANOON NIYA PINARAMDAM NA MAHALAGA AKO SAKANYA.

Pero nagbago yon.

--

Nagsisimula nang mawala ang koneksyon namin sa text. Ganoon pa man tinatawagan ko siya gaya ng dati, kinekwentuhan at pinagtutuunan ng bawat pisong load ko.

Ganyan siya kaespesyal sa akin, at ayokong mawala siya saakin. hindi ko kayang mawala rin siya tulad ng pagkawala ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happily Ever After SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon